“Sweet dreams? Or a beautiful nightmare?”
[Candy]
“Bes gising na! Ba naman o. Nagpapagisin pa.” Pati ba naman sa panaginip ko nandyan si Chrystal! “Candy!” Don’t mind it Candy. “Talagang ihuhulog na kita sa kama!” Blag! Aray… Naupo ako sa sahig. “Chrystal, anong ginagawa mo dito?” Dito ba siya natulog? “O, gising ka na pala Candy. Mag almusal na kayong dalawa at baka mahuli na kayo sa unang araw ng klase.” Napadaan si sister Georgina sa pinto. Unang araw ng klase? Ah! Tama nga pala! High school here Candy comes! Teka, bat ako excited? Anong meron sa high school? Talagang nakakahawa tong sakit ni Chrystal. =_=
“Anong oras na ba? Ang aga mo namang dumating dito.” I stated the obvious. “Malapit lang naman pala bahay namin dito. Mga 5 blocks lang ang layo. Ang saya-saya ko nga eh!” Nagtatalon na naman siya na parang palaka. Masaya siya dahil malapit lang ang bahay niya sa amin habang ako laging may bisita. Pwede lagyan ng visiting hours itong orphanage? “San uniform mo?” Itinuro niya ang naka hanger sa pader tabi ng akin. Talagang girl scout ang isang to. “Sabay na tayo magbihis! Kaya bilisan mo na. Kumain na tayo at maligo! Tapos lakarin nalang natin yung school! 12 blocks lang layo dito.” Oo nga naman. Dito sa bayan ng Drysdale, halos magkalapit lang ang mga establishamento dito.
S.I.L.D stands for Superior Independent Learning of Drysdale. Yan lang naman pangalan ng bagong paaralan na papasukan namin ni Chrystal. Mag fit kaya ako dito? Kelan ka pa ba nagfit sa mga lugar Candy? Eh lagi ka lang mag-isa. Siguro si Chrystal, fit na fit, Independent Learning daw oh! Superior pa! “Bes, ali!” At hinila na ako ni Chrystal. To think nakapulupot na naman kamay niya sa braso ko kaya muntik na akong matumba.
“Bes, tingnan mo. Di ka nag-iisa dito. Madami kayong nerd.” Tinignan ko ang mga estudyante at mga guro na naka eyeglasses. “Ouch bes ha.” Aba! Masakit para sa kanya? Siya na kaya mismo nagtawag sa kanyang sarili na nerd. “Akala ko ba tanggap mo na?” “Pero kaylangan talaga harap-harapan. Tanggap ko na nga! Di mo na kaylangan ipa mukha.” Okay Candy. Tama siya.
Wow… malawak lang naman classroom namin. Sorry, ignorante. “Excuse me. You’re blocking the entrance.” Napansin kong madaming tao sa likod ko. Ay, sorry! Nakaharang ako sa daan.
“Bes, dito ka!” Turo niya sa tabi niya. Habang senyas siya ng senyas sa akin di niya namalayan na may nakaupo na sa tabi niya. “Please take a sit everyone. Kahit saan na muna kayo maupo ngayon.” Sabi ng teacher sa harapan. Naupo ako sa likurang parte ng classroom. 2nd to the last row. Medyo nasiyahan ako. Hehehe. 1st time kong malayo kay Chrystal ng 490 inches simula nong grade 6.
Turn ko na para pumunta sa harap at ipakilala ang aking sarili. “Hi! I’am Candy Real.” Bumalik na ako sa upuan ko pero bago ako makaupo nang asar na ang katabi ko. “Anong klaseng Candy? Nips?” Kapatid ba to ni Clarisse? Tiniasan ko siya ng kilay, tumalikod sa kanya at di na siya pinansin. Sino naman kaya ang isang ito? “Hi everyone, I’am Alexander Olivares.” Napansin kong titig na titig ang mga babaeng classmate namin except lang sa aming dalawa ni Chrystal. Ah, kaya pala ang lakas ng confidence mang-asar, heartthrob pala. Well hindi ako masasali sa mga babae na nagkakagusto sa kanya. Ibahin niya ako.
[Chrystal]
Binuklat ko notebook ko. Help Candy know herself and what she’s doing. But how?—Lightbulb! Find someone like her.
Ano ba naman to! Hindi kami katabi ni Candy. Sige na lang. Think positive. Baka mas mapadali paghahanap ko. Ang problem ay ang katabi ko. Napakatahimik.
BINABASA MO ANG
Not a Fairy Tale at All
RastgeleStory of an orphan girl--well she's really not an orphan. She just lives in the orphanage. Story of an immature and snobbish boy. But there's is still more of him. It is just needs to be unlocked. Story of a very, very generous and kind girl. She's...