Chapter 12 - Again

20 0 0
                                    

“Can we start all over again?”

[Candy]

“Candy!” Ba naman to ang aga-aga ang ingay ni Chrystal. Anung ginagawa niya dito?
“Bes anong ginagawa mo dito? Diba maaga pa pasok niyo?”
“Bes sabay na tayo! Bakit ka ba absent kahapon?” Ha? Anong pinagsasabi nito?
“Chrystal, ano ba yang pinagsasabi mo? Wag mo nga muna akong guluhin. Namumublema pa nga ang tao o.” Di ko alam kung saan ako mag-aaral.
“Kaya ka namomoblema kung saan kang paaralan papasok kasi sa maling paaralan ka pumapasok. Bes, sa S.I.L.D ka parin nakaenroll.” Napaupo ako sa sinabi niya.
“Bali-balita ko strict daw si miss Amber pagdating sa class attendance. Kaya siguro di siya mapakali at wala ka sa klase kahapon.” Totoo ba lahat ng naririnig ko kay Chrystal?! Sa S.I.L.D parin ako naka enroll.

Tumayo na ako mula sa kama at tumakbo papuntang CR.
“O san ka pupunta?” Gulat na tanong ni Chrystal.
“Maaga ang klase diba?” Nginitian ko siya bago pumasok ng banyo.

Pagkalabas ko ng banyo nakahanda na uniform ko. Pagkatapos kung magbihis lumabas na kami ni Chrystal para mag-agahan. Habang nagliligpit kami ng hapag kainin, nakatingin sa amin si sister Gregorian na parang takang-taka.

“Candy hija, bakit yan ang suot mo?” Tanong ni sister.
“Sister hindi niyo po ako naenroll sa dati kong school.” Lumingon si sister kay ate Bell. Siya ang nage-enroll sa akin every year.
“Candy, male-late na tayo.” To the rescue naman si Chrystal.
“Sige mga hija, mag-ingat kayo ha.”

Male-late na daw eh an gaga-aga pa nga mabilang pa lang ang taong nasa school.
“Bes, classmate parin tayo?” Tanong k okay Chrystal.
“Uhum…” Nagnod siya at ngumiti. Paano sila Xander at Ram? Classmate pa din kaya kami? Dedma parin kaya ako kay Xander? Okay na kaya kami?   

 Biglang dumilim paningin ko ng matakpan ito ng kamay mula sa likod.
“Sino to? Chrystal sino to? Asan ka?” Pang lalake ang kamay.
“A—” Hindi pa ako natapos magsalita tinanggal niya na ang takip sa mata ko at tumabi sa akin si Ram.
“Hi Candy!” Parang ilang years kami wala nagkita. Katabi naman niya nakatayo, si Xander. Nakacross arm. Hindi bakas sa mukha niya na masaya siya at nandito ulit ako.
“Hey, classmates tayo. Tayong apat.” Nganga ako sa sinabi niya. He-he-he.

Sa loob ng classroom… Hanap, hanap ng upuan.
“Oh, welcome, Ms. Candy? Am I right?” Bati sa akin ni miss.
“Yes miss. I’m Candy Real.” Ngumiti ako, which is very often.
“Mr. Olivares, wala namang nakaupo diyan sa tabi mo right?” He nodded at tingal niya ang nakapatong niyang bag.
“Miss Real, please take that seat.” Oh yes miss, I would gladly take it. Tss… Tabi na naman kami. Pero sige lang magkakasama kaming apat sa iisang row.  

[Alexander]

Seeing her, in the same uniform makes me feel alright, fine, better.

“Miss Real, please take that seat beside Mr. Olivares.” Alexander get a hold of yourself. Whole year naman kaming di magpapansinan? Magsusungitan? I need to find a way out. Maybe pwede kaming magswitch ng seat ni Ram o Nathan.

“Okay face your partner… Now… Lets start.

 ♪ If you’re happy and you know it shake your hands♫Atnaghand shake gesture kami. We already know this, we’ve done when we were first year students.
 ♪ If you’re happy and you know it say hello♫ “Hello” Sabay naming sabi.
“Candy and Alexander! Ano ba yan. Naghello kayo sa isat-isa pero sa iba nakatingin. Sino ba binabati niyo? Yung sahig at ang hangin?” Nakatingin silang lahat sa aming dalawa.
“Gawin niyo ulit ang part na yun.You look into each others eyes.” Oh please, hindi nga ako makatingin sa kanya ng maayos, eyes to eyes pa kaya? 
♪ If you’re happy and you know it say hello♫ “Hello” sabi ko. “Hi” sagot niya.
“Okay lets do it again.” Bumalik na sila sa kanilang mga partners at kami nakatingin parin eyes to eyes. Nganga.
“Oy, Candy… Alex…” Bumalik ako sa katinuan ng tinawag ako ni Ram. That eyes, beautiful eyes, I could stare at them for a lifetime. I want to.

Damn it, the look in her eyes is electrifying.

Buti at lunch na.

[Candy]

Hala, lunch na. Saan kami uupo? Tabi parin kaming apat?

Kitang-kita ko na wala pang nakaupo sa dati naming pwesto. Naupo na kami. Same place, same position. Wala ngalang sina Xander at Ram.

Pabalik na kami sa classroom ng makatagpo namin si Ram sa daan. I took the chance of asking him the question I’ve been dying to know the answer.
“Na ano si Xander?”
“Ha? Wala. Okay lang siya.”
“Bakit bigla nalang siyang hindi namamansin? Please, sabihin mo na kung bakit.” Nagcross arms siya.
“Candy, hindi ko alam kung manhid ka o wala kang pakialam or you just don’t feel the same.” He waved goodbye and walked away.
“Anong sinabi niya?” Tanong ko kay Chrystal.
“Sabi niya, may nahuhulog na sayo pero pinipigilan niya sarili niya at nakasabit siya sa sangay ngayon.”
“Ha! Edi kaylangan nating tulungan kung sino man siya!”
“Ay naku Candy, you’re taking literally. Ibig kong sabihin may crush sayo si Alex at pinigilan niyang mainlove sayo by forgetting you, I mean avoiding you.” Nganga ako. Weh di nga? Alam ko narinig ko na noon na may crush daw si Xander sa akin. Pero dahil dun? Iniisnob niya ako. Langya.

My mind was flying. I was physically present mentally absent.

Di ko alam kung ano dapat maramdaman towards kay Xander, katabi ko. First time ko lang din magkaroon ng admirer eh. I don’t know how I will treat him. Mahihiya ba? Magagalit? Sasaya? O yung parang wala lang?
Di naman ako galit sa kanya. Sino ako para magalit ng dahil sa nararamdaman niya? Sino ako para utusan siya na walang maramdaman para sa akin?
Di naman ito nakadagdag sa kasiyahan ko dahil kaibigan lang ang turing ko kay Xander, or lets say kasungitan.
At lalo ng hindi ako nahihiya sa kanya, kapal kaya ng mukha ko pagdating sa kanya!
Gusto ko lang naman bumalik ka sa dati. Yung nag-aasaran kami araw-araw. Yung kasama ko siyang tumawa. Sana pala di nalang siya nagkagusto sa akin kung magiging ganito lang din.   

Dahil 2nd day pa ng klase, hindi pa tapos ang mga get-to-know-each-other meetings.
“Tell and ask what you want to know about your seatmate.”
Nagsimula na ang iba at kami, para kaming tanga.
“Wala akong gusto itanong o sabihin.” Bulong ni Xander.
“Ako meron.”
“Okay.” Ang tipid niyang magsalita talaga.
“Sorry na. Hindi na kita ulit na tatawaging Xander. Kung ano man nagawa kong kasalanan sayo, sorry na. Bumalik kana sa pangalawang Alexander na nakilala ko (The first one is the one I’m facing) yung ngumingiti, kinukulit ako, inaasar ako—”
“Ako dapat ang magsorry… Can we be friends again—Nips?” He smirked. I grinned.

Not a Fairy Tale at AllTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon