Chapter 6 - Christmas Miracle

33 0 0
                                    

“Reality or Dreaming?”

[Candy]

Sobrang galit ako na gusto ko lang gawin ay umiyak.

Buang talaga si Alexander Olivares.

Tapusin ko nalang kaya buhay ko?

Wag… sayang. Sa kanya nalang kaya?

Wag…sayang din. Sabi nila sister bad ang pumatay.

Kung pwede lang takasan ang lahat ng ito. Kaso lang araw-araw ko siyang kasama. At may 4 months to go pa bago ako mag-expect na hindi kami classmate. Wait—I don’t have to expect! Pwede naman akong bumalik sa dati kong school! I miss Clarisse at yung mga laro namin  na subunutan! ^_^

Tumakbo ako papunta kay Sister Gregoria.

“Sister! Sister! May hihingin po ako sa inyo! Please pumayag kayo!” Nagtatalon na sabi ko.

“Dahan-dahan lang iha. Ano ba yung gusto mo?”

“Pabalikin niyo po ako sa dati kong paaralan.” Napa nga-nga si sister.

“Iha, iyang hinihingi mo. Sayang naman. Hindi madali ang makapasok sa paaralang pinapasukan mo ngayon. Tanging matatalino lamang ang nandyan—at mayayaman.”

“Pero Sister—”

“Give me a reason why I should allow you.” Umupo ako sa chair sa may front desk.

“There is this guy. We keep on fighting with each other—”

“At…gusto mo siyang takasan. Candy, ilang beses ko bang sinasabi sayo, walang problema na malulutas kung pilit kang tumatakas. Tulad nalang noong kay Clarisse.”

“So you’re saying if I will be okay with him, you’ll let me go back to my old school?!” Nakangiti kong sabi.

“Sige.” Bigla akong tumayo at niyakap si Sister. Wala akong pake kung may table na pumapagitna sa amin.

So all I need to do now is be good with Xander for 4 months. TIIS.

[Chrystal]

“Hey friend! Malapit na birthday mo! Ano gusto mo regalo?” Tanong ko kay friendship Ram.

“Closeness wag na. Atsaka di ka dapat nagtatanong kung ano ang gusto ko gusto mo talaga ng magandang regalo para sa akin. Kasi pag ginawa mo yun para ikaw na rin ang bumili ng gusto ko at parang pera lang ang binigay mo. So ang mas mabuti pa. Kung gusto mo talaga magbigay, yung hindi binili, binili man o gawa basta sa tingin at sa isip mo mabuti yun para sa bibigyan mo.”

“Opo sir friend!” sinaluduhan ko siya.

December na. Malamig ang simoy ng hangin. Kay saya ng bawat damdamin. Ang tibok ng puso sa dibdib. Para bang hulog na ng langit. Lalala lala. I don’t know what’s next na.

Ganito parin kami, iniwasan parin namin mga tunay namin best-friend. I mean, best-friend ko narin si Ram pero yung iniiwasan namin yung mga nauna naming best-friend.

Gulat nalang ako ng dumaan sa harap namin si Candy at may malaking ngiti sa mukha.

“Good morning Ram and Chrystal!” Umupo siya sa harap namin.

“What happened?” Tanong ni Ram.

“Wala. Bakit? Anong problema?”

“Your…” Itinura ko ang mukha ko at ginawang example. Pinakita sa sakanya kung anong itsura niya ngayon.

“Am I not allowed to wear this?” Turo niya sa ngumingiti niyang labi.

“No, but is unusual. I never saw you smile.”

Not a Fairy Tale at AllTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon