“Just walk away…”
[Candy]
Asar na asar na talaga ako diyan kay Alexander! Bipolar! Kanina lang tumatawa lang kami, nag-uusap ng maayos. Ngayon, ni hindi kumikibo.
“Chloe pakibantay muna ng class. Susunduin ko lang ang substitute teacher.” 5 minutes ng walang teacher sa classroom. Si Nathan, ang president ang kukuha ng substitute teacher. Si Chloe, ang vice ang mag-a-assist sa class habang wala pa ang president.
Makaraan ang ilang minuto bumalik na si Nathan kasama si Ms. Charlie ang MAPEH teacher ng first year curriculum.
May dala-dalaang cassette player si Ms. Charlie. “Okay class, dahil walang iniwan na seatwork si Ms. Jamalia, may I-ask Alexander and Candy to present their dance number?”
What?! Paano na yan? Ang ginawa lang sa akin ni Xander ay hilain ako at i-ikot-ikot. Siya ang kumukontrol sa akin.
“Hoy paano na to. Lintik na mood swings mo kasi!” Hinawakan niya lang kamay ko at hinila ako papuntang harapan. Sinenyasan niya si miss. And the music started. He spin me around control me like I was a doll.
“Sabi ko naman sayo diba, ako bahala.” At… natapos rin. Bow. Nagsipalakpakan ang mga classmate namin at standing ovation naman sila Ram at Chrystal.
Ugh… lunch na. Gutom na rin ako. Patuloy parin ang mga papuri nila saming dalawa ni Xander sa aming pagsayaw. Sus… anong meron dun eh siya lang yung sumasayaw, minamanipula niya lang ako.
Tahimik lang kaming kumakain. Hindi ko matiis ang katahimikan. “Ah… CR lang ako.” “Ah, sige bes.” Si Chrystal lang ang sumagot.
Nabadtrip ako sa nakita ko pabalik. Nakita kong nag-uusap silang tatlo. Ganun, kalangan ko pang umalis para di mapanis mga laway niyo. Huminto ako sa paglalakad at dumistansya ng kaunti sa table namin. Nakikinig ako sa pinag-uusapan nila.
“Alex, talagang di na ba kayo magkakabati ni Candy?” Tanong ni Chrystal kay asungot.
“Bakit? May problema ba kami?”
“Meron na meron Alexander. Nung isang linggo magkasama kayong nagtatawanan. Okay kayo noon tapos ngayon bigla nalang di magpapansinan. Ano yan?” Dagdag ni Ram.
“Alex, next year, pagkatapos ng school year na to. Babalik siya sa dating naming paaralan. Dun na siya mag-aaral.” Ang daldal talaga nitong si Chrystal.
“Ha? Ganun? Nako Lex wala ka na palang inspiration next year.”
“Ha? Ram? Crush ni Alex si Candy? Ayiee… sus kaya naman pala eh. Di mo pinapansin si Candy.” Nakatanga lang si Xander na ka crossed arms.
“Edi mas wala ng dahilan para mas maging malapit pa sa kanya.”
Muntik na akong mapatalon ng may tumapik sa balikat ko. “Huy, Candy anong ginagawa mo diyan?” Si Nathan. “Ha—” “Uy, ang galing niyo ni Alex ah. Bagay kayo. Kayo na ba?” Di ako makasagot. “Ha, hiiindi. S-sige punta na ako sa table namin.” Nagpaalam na ako sa kanya.
“Sorry natagalan ako.” Sabi ko sa kanila. “Ok lang bes.” Si Chrystal lang ulit ang sumagot. “Uy alam niyo kayong dalawa, baka mapanis na laway niyo. Hindi kayo nagsasalita diyan.” Patama ko kanila Ram at Xander. “Ah sorry Candy, may sore throat ako. At eto namang si Alex parang natatameme pagnandyan ka.” Pagpapaliwanag ni Ram. “Oo nga eh. Pati steps sa sayaw ayaw ituro sa akin.” Bulong ko sa sarili ko.
Dumating na ang araw ng final performance. Hindi siya competition, performance lang galing sa aming year level for the school year closing ceremony.
We performed interpretative dance of Turn Around by Connor Maynard. After naming magperform nagsipalakpakan silang lahat.
Pero kahit isang congrats hindi ko narinig mula kay Xander. Wala talaga kaming imiikan. Ayaw ko sanang umalis na ganito ang sitwasyon pero pinipilit ako ni Xander.
Nauna na siyang lumabas ng auditorium. Half way na siya papuntang gate ng masigaw ko ang gusto kong sabihin. “Bye bye Xander!” Napatigil siya. Itinaas niya lang kanang kamay niya bilang sagot at patuloy na naglakad.
BINABASA MO ANG
Not a Fairy Tale at All
RandomStory of an orphan girl--well she's really not an orphan. She just lives in the orphanage. Story of an immature and snobbish boy. But there's is still more of him. It is just needs to be unlocked. Story of a very, very generous and kind girl. She's...