“Lasted forever but ended too soon”
[Chrystal]
Mukhang uulan.
Isa sa pinakamahaba na table sa cafeteria nakaupo ako, Ram, Nathan, Cherry. Wala sina Alex at Candy, busy sila para sa upcoming inter-school hip-hop competition.
Mas lumakas pa ang aming pag-uusap ng dumating si Chloe. Ang dal-dal talaga namin.
“Oy, ready na kayo para sa Physics quiz?” Tanon ni Cherry. Tumingin silang lahat sa akin.
“Oh wait, alam ko na anong isasagot nitong si Chrystal at Ram, wag na nating tanungin.” Dagdag ni Chloe. Tumawa silang lahat.
Ever since I got into high school I’ve been studying less and enjoying life more. Oh well I guess my stock knowledge will help me.
“Hoy, Ram ang tahimi—” Ang ingay namin. Di ko napansin wala na pala si Ram sa tabi ko.
Iniwan ko na din sila para hanapin si Ram.
Saan ba pumunta ang lalakeng yun?
Sinubukan ko siyang hanapin sa classroom pero waley.
Sa library? Waley.
Sa Auditorium? Waley.
Sa gym? Waley.
May naisip akong lugar. Pero eww… hindi ako pwede pumasok dun.
Naglakadlakad nalang ako sa likod ng cafeteria.
Tsk… umaambon pa naman saan na kasi yung lalakeng yun…
Papasok na sana ako sa cafeteria ng mapansin ko ang lalakeng nakaupo sa pinakadulong bench sa likod ng cafeteria.
Siya nga…
Nakatingala siya sa umaambong ulap. Tinabihan ko siya. Ano naman kayang problema ng isang to? It bother me seeing him like this. Oo, madalang lang siya magsalita pero iba ngayon. Kitang-kita ang lungkot sa mukha niya. Hindi mo makita? Edi bulag ka…
“Uy, umuulan, may problema ba?”
Mas hindi ako sanay na nakikita siyang umiiyak… What? Umiiyak siya…
“Hoy! Anong problema bakit ka umiiyak?”
“Wala… Napuling lang ako.” Ngumiti siya at pinahid ang luha sa kanyang mata.
He’s so cute when he smile. Pagngumingiti kasi siya mas naklaklaro ang kanyang Chinese eyes.
“Ram, alam ko, may problema. Sige na sabihin mo na.” Pagpupumilit ko sa kanya.
“Syempre merong problema. Kita mo naman yung mga ulap o. umuulan.” Nagpalusot pa.
“I’m talking about you. Don’t make it harder. Promise wala akong pagsasabihan. Pero kung ayaw mo talaga, sige, basta ali na, magkakasakit pa tayo nito.”
“It’s none of your business Chrystal.” I crossed my arms hindi dahil galit ako kundi maginaw.
10 minutes later, he dug his face into his hands and he started crying…15 minutes...20 minutes.
He’s still crying. Synchronized with his tears were the raindrops falling from the sky to our heads.
“Ram, sige na, hanap na tayo ng masisilungan. Hindi ako aalis hanggat hindi ka sasama.” Hindi nakisama ang panahon. Ang ambon ay naging ulan.
Niyayakap ko na ang aking mga tuhod. Ang lamig… Brrzz…
Naka half close na ang aking mga mata ng maramdaman ko ang yakap niya. Naglakad kami papunta sa graders library. Walang klase ngayon ang graders… Daya…
Nakasandal ako sa wall, yakap-yakap ko parin ang tuhod ko. Tumabi siya sa akin.
“Minsan, may isang teacher, kinocompute na niya mga grado ng kanyang mga estudyante. His co-teacher na may lagnat that time ay nakiusap na i-refill siya ng coffee niya. Dahil mabait yung mama, ginawa naman niya.
During that time the high school building was being constructed. Yung truck ng grava ay papalabas na ng campus na may mabilis na takbo. Sa unahan nun ay ang playground. Tinapakan ng driver ang break—pero wala. Nagsisisigaw na siya na tumabi silang lahat. Bahala nang mabanga siya sa slide o sa kahit saang parte sa playground basta di lang siya makabangga ng estudyante.
Pero may isang lalampa-lampang bata. Nadapa sa gitna ng kalsada.
Kaka labas lang ng mama galing cafeteria para dun sa kape. Ng makita ang kalagayan ng bata at ng paparating na humaharurot na truck agad niyang binitawan ang mug at tumakbo papunta sa bata at tinulak siya sa ligtas na lugar. At dahil sa ginawa niya, siya ang nabundol ng truck…”
He took a deep, long breath.
He stopped crying.
“Ram…” Yan lang ang maririnig sa akin.
“Pero hindi naman ang pagkabundol ang kinamatayan ng mama. Noong isinugod siya sa ospital inatake siya sa puso. Malas no.”
He took another deep breath and looked at me.
“Yun. Yun ang problema. Diba nagtatanong ka kanina kung anong problema?” He said with a sad smile.
Hindi ko napansin na nakayakap parin pala ang isa niyang kamay sa akin. Napansin ko lang nung hinimas-himas niya ang braso ko.
“Saan ang problema doon?” Saan nga doon eh.
“Problema mo na yun.” Sabi niya.
Isip naman ako ng isip. Saan ba kasi doon?! -3minutes- -5minutes- -7minutes- Ah!
“Ram!” Nagulat siya sa lakas ng boses ko.
“O.”
“Ikaw ba yung batang niligtas ng mama. Nako Ram wala kang kasalanan nun. Ang gawin mo nalang magpasalamat ka dun sa mamang nagbuwis ng buhay para sayo—”
“Hindi Chrystal! Hindi yun ang problema! Nandun ako ng mangyari yun. Napanood ko lahat. At wala akong nagawa! Yun ang problema! Nandito sana siya ngayon kung di siya nakinig sa may sakit niyang co-teacher! Kung nandito siya hindi ganyan ka lungkot ngayon si mama! Kung hindi siya nagpaka bayani at niligtas si Alex sana nandito pa si papa!” Ha?! Malaking HA?!
“Ram…Alex.” Tinanggal niya ang kamay niya mula sa pagyakap sa akin. Tiknapan ng kamay niya ang mukha niya.
“Ram… tama naman yung ginawa ng papa mo. Naging sanhi man ito ng kamatayan niya pero naging malapit naman kayo ni Alex.” Niyakap ko siya, yan kaylangan niya ngayon.
“Ram malay mo, nanonood papa mo ngayon sa langit at natutuwa dahil yung batang iniligtas niya ay yun din yung kasa-kasama ng bunso niya ngayon. Wag mo nalang biguin ang papa mo tungkol diyan.”
Yun pala kwento nina Ram at Alex…
BINABASA MO ANG
Not a Fairy Tale at All
De TodoStory of an orphan girl--well she's really not an orphan. She just lives in the orphanage. Story of an immature and snobbish boy. But there's is still more of him. It is just needs to be unlocked. Story of a very, very generous and kind girl. She's...