Nix's POV
Back to reality. May pasok na naman si Sean, at ako din. Naghohomeschooling pa din! Gusto ko kasi, kahit buntis ako nag-aaral pa din ako.
Sayang ang opportunity, pero alam ko namang hindi na-stress 'tong dalawang bata sa tyan ko eh!
Syempre matalino din 'tong mga 'to paglaki nila, teka nga Nix, hindi pa nga lumalabas. Paglaki agad ang iniisip? ATAT lang? Haha.
Anong oras kaya uwi ni Sean? Sabi kasi nya, may practice pa daw sila nila Sky, pa-banda banda pa kasi eh.
Pero okay lang, yun naman gusto nya eh! Kahit ayaw kong magbanda sya, ayoko din namang hadlangan pangarap nya diba? Lalo pa't pangarap pala talaga nila yun na magkakaibigan.
Saka sabi nya, inspirasyon daw nya ako at magiging anak namin sa pagtupad ng pangarap na yun.
Dapat na ba akong kiligin dun?
"Sean, imissyou. :(" bigla ko na lang nasabi, papasok na ako sa loob ng bahay. Galing kasi ako sa may garden nagpahangin lang, naabutan na ako ng gabi. Mahamog na pala.
"Imissyou too. :)" at may biglang yumakap sakin, sino pa ba? Edi yung taong namimiss ko agad.
"Bakit nasa labas ka? mahamog!"
"Kaya nga papasok na diba?"
"Sige na, pasok na sa loob. Masama sayo ang hamog!" eto talagang lalakeng 'to, napaka protective talaga.
Pagpasok namin sa loob, andun sila mama, pero paalis na din. May aasikasuhin lang daw muna.
"Oh Sean, kaw muna bahala kay Nix ah!" bilin ni mama kay Sean.
"Tita, matic na yun kahit di mo na sabihin. Responsibilidad ko na din si Nix ngayon." lumapit sakanya si papa at pinat ang balikat ni Sean.
"Kaya sayo ako Sean eh."
O__O
May pa-ganun ganun pa tatay ko ngayon, ganun? Haha. kaloka!
**
Sean's POV
Ano ba naman 'tong babaeng 'to, hindi ko malaman kung anong gusto. Sabi nya kanina inaantok na daw sya, pero biglang kumaen.
Tapos ngayon, wala sa mood, di ako kinakausap. Nanunuod lang sya ng paborito nyang oggy and the cockroaches.
Baka naman mamaya yang mga anak ko magmukhang ipis kakapanuod nya ng palabas na yan. WAG NAMAN SANA!
Bigla nyang pinatay yung tv, tas sumandal sa balikat ko.
"Inaantok na ako, tulog na tayo."
"Sige matulog ka na."
"Eh gusto ko katabi kita, gusto ko kasama kita matulog, gusto ko sabay tayo matulog." at nagpout pa ang batang 'to. Ayt, di na pala bata. Magkakaroon na pala ng bata!
"Alam mong hindi pwede, sige na matulog ka na. Umakyat ka na sa taas, I'll make sure na your safe bago ako umuwi, okay?" ano pa nga bang magagawa nya? Kahit sabik syang makasama ang gwapo kong mukha, wala syang magagawa. HAha joke. Kapal mo talaga Sean.
Tulad ng sinabi ko umakyat sya sa kwarto nya, at humiga agad sa kama. Ako naman, nakaupo lang na parang nakahiga, ah basta yung ulo ko nasa may headboard ng kama nya, tas hawak ko yung kamay nya.
"Bu, kantahan mo naman ako." mukha ba akong singer?
"Panget boses ko, matulog ka na."
"Please?" sinilip ko yung mukha nyang nagpa-puppy eyes pa. Aysus! Pa-cute.
![](https://img.wattpad.com/cover/3939173-288-k653707.jpg)
BINABASA MO ANG
His 200 Pound Girlfriend (KathNiel)
Fanfiction..bakit ang bilis natin mahulog sa panlabas na kaanyuan?