Chapter Twelve.

9.9K 166 5
                                    

Nix's POV 

Mag-isa akong naglalakad ngayon pauwi, nauna na kasi ako kay Sean magta-try out na kasi sya ngayon eh. Ayaw naman daw nya akong mabored lang. At ayaw nya daw muna makita ko syang naglalaro ng basketball.

Sus, yung lalakeng yun talaga! 

"Wala kang kasabay?" 

"Ayputo." bigla bigla ba naman kasing sumusulpot 'tong lalakeng 'to eh! 

"Para kang white man dyan -___-" 

"Hahaha. Ganun? Sorry, haha." okay, natawa sya dun? Eh ang korni nga ng sinabi ko. 

Babaw naman, gwapo nga babaw naman. 

Di ko na lang sya pinansin, nagdiretso na lang ako sa paglalakad. Nako! Mahirap na baka bigla na namang makita ni Sean 'to, yari na naman ako. Pahirapan pa naman magsorry. 

Tapos ang cute cute cute pa ni Piggy, :) Yung teddy na bigay ni Sean. 

So? Anong konek? Haha.

"Ang suplada.." aba'y sinundan pala ako nito. 

"Ha? Hindi naman. Kasi ano..." 

"Pareho lang talaga tayo ng way, di naman magagalit si Sean diba?" kilala nya si Sean? 

Kung sabagay, sinong di makakakilala sakanya, eh kahit na transfer lang sya last year sikat na sikat na sya. 

Di ko na lang sya sinagot, at nagpatuloy na lang sa paglalakad habang nasa gilid ko lang sya sumasabay sa paglalakad ko. Ano ba naman yan -_- 

His 200 Pound Girlfriend (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon