Chapter Two.
Pwede bang atakihin ko na 'tong si Kakarot ngayon din? tss, iniisip ko na ngayon ang pagkakalasog lasog ng katawan nya at tuwang tuwa akong isipin yun. Mwahaha!
"Pwede bang maging seryoso muna tayo ngayon?" sabi ni mama.
"Paano magiging seryoso kung kayo mismo hindi seryoso sa kalokohang 'to." naiinis na talaga ako. "Saka isa pa, ano bang pakulo 'to, 3rd year highschool pa lang ako. Ano ba yan?"
"Gusto lang naming maging sigurado na kayo ang magkakatuluyan pagkatapos nyong mag-aral."
"Yuck, magkakatuluyan. pwe!" sabi ni Kakarot.
"Hoy as if naman na gusto kong mangyari yun!"
"STOP! BOTH OF YOU! WE'RE DEAD SERIOUS ABOUT THIS, Now ayaw nyong magalit ang mga magulang nyo diba? Kaya wala na kayong magagawa." nakakatakot, bakit kailangan sabay sabay na magsigaw si papa at yung tatay ni S-SEAN. Yak. Kadiring bigkasin yung pangalan nya.
Mas prefeer ko ang Kakarot.
"Tss." inikutan ko lang sya ng mata.
"Kakaen na ako. Bye." dumretso na ako sa kusina pero narinig ko pang sumigaw si papa.
"Sabay na kayo ni Sean."
Err, ayoko nga! Saka mukhang hindi naman kumakaen yan eh, tamo nga. Malnourish.
"Hoy. Wala bang pagkaen sainyo?"
"Sean Anthony Go, that's my name, hindi hoy, hindi kakarot at lalong hindi kung ano ano lang. Get it?" Ahh. So Sean Anthony Go pala ang pangalan nya.Hmm.
BINABASA MO ANG
His 200 Pound Girlfriend (KathNiel)
Fanfic..bakit ang bilis natin mahulog sa panlabas na kaanyuan?