'Ano nga ba ang basehan sa pagmamahal?' Yung ka'sexyhan?ka'gandahan?ka'sweetan?
Sabi ko noon, Kapag nagmahal ka ba, saan ka dapat tumingin? Sabi ng iba, sa panloob na kaanyuan. Pero bakit ang dali natin maakit sa panlabas na kaanyuan ng isang tao, kahit hindi pa naman natin alam ang tunay nitong kalooban?
Nagkamali pala ako, hindi lahat ng tao tumitingin muna sa panlabas, kasi si Sean? Kung sa panlabas na kaanyuan ko ba sya unang tumingin, sa tingin nyo magugustuhan ba nya ako?
'Sino nga ba ang dapat seryosohin? '
Nung tinanong ko yan sainyo, hindi ko din alam ang isasagot ko. Ang nasa isip ko lang nyan, seryosohin mo dapat ang taong seryoso LANG sayo, at wag dun sa hindi seryoso.
Sa Pag-ibig hindi mo naman malalaman kung kelan magseseryoso ang tao sayo, i think kapag naramdaman mo ang pagmamahal saka ka magseseryoso, kasi kung hindi mo naman yan talagang mahal, hindi mo yan seseryosohin.
Ang akin lang, kahit sino man yan, kahit ano pa sya, kulang man ang daliri, wala mang ngipin, kalbo man o payat, miski na panot o mataba. Kung mahal mo, dapat sineseryoso mo.
'Gaano mo nga ba dapat mahalin ang isang tao?'
Naisip ko...
Kapag nagmahal ka, hindi mo dapat sinusukat kung gaano mo lang sya mamahalin.
Kasi dapat kapag nagmahal ka, buong buo mong mahalin ang isang tao.
Nagbago ang lahat pagkatapos ng pangyayaring yun, todo bantay na ako lagi sa kambal ko, at dahil dun pumayat ako, at hindi na talaga ako bumalik sa pagiging mataba. Someone offered me to be a model, kaya tinanggap ko, para na rin may extra income ako. Pero hindi ako tumagal sa propesyon na yun, apat na taon lang ako, kasi gusto ko talagang ako ang nag-aalaga sa mga anak ko.
Nag-aral ako, kaya nakapagtapos ako ng kurso ko, and became a CPA.
Labinganim na taon na ang nakakalipas, at namimiss ko na si Sean....
"Amin na nga yan! YOU A$$!!!" naririnig ko na naman ang sigaw ng anak kong babae, at kung maka'cuss naman to. Palagi naman silang ganyan eh, kaya sumasakit na ulo ko sa mga yan, at isa pa sa dahilan kung bakit hindi na ako tumataba dahil lagi akong stressed sakanilang dalawa.
"Mom!!! SI YUAAAAAN!!!" mali ata ako ng bigay sa pangalan ng anak kong babae, hindi pala dapat Chill.
Hindi ko sila pinansin, at inayos ko na tong mesa para makakain na kame mamaya. Pagkatapos ng lahat ng nangyari, takot na akong mag-hire ng katulong! Baka mamaya mangyari na naman yun eh, wag naman sana.
"Wag mo ko dinadamay dyan!" hanggang pagbaba para kumaen nagaaway pa din.
"Oh..Hi mom!" lumapit si Chill sakin at hinalikan ako sa pisngi, at ganun din si Yuan.
"Magsiupo na kayo dyan..ano na naman bang pinag-aawayan nyo?"
"Si Yuan kasi! Inaagaw yung diary ko, tapos binabasa pa ng malakas. Urrgghh!!" at halata namang inis na inis si Chill.
"Bakit mo naman ginawa yun ha Antonio? Private yun, pagmamay-ari ng kapatid mo. Dapat hindi mo pinapakealaman." wala syang sinagot, tumungo lang at nagpatuloy sa pagkaen.
"Sorry mom." Yuan.
"It's okay.." nakita ko namang binelatan sya ni Chill, ay nako, mga aso't pusa.
-
May pasok ang mga anak ko, pareho silang pumapasok sa school na pagmamay-ari ko na. Binigay na kasi nila mama yun saken, actually lahat ng business sakin pinamana.
![](https://img.wattpad.com/cover/3939173-288-k653707.jpg)
BINABASA MO ANG
His 200 Pound Girlfriend (KathNiel)
Fiksi Penggemar..bakit ang bilis natin mahulog sa panlabas na kaanyuan?