Sean's POV
"Gusto mo ba talaga syang maging asawa paglaki mo?" um-oo lang ako kay mama, tapos tumawa sya. Bakit? May nakakatawa ba sa sinabi ko?
"Gagawan natin ng paraan yan anak. :)" yun lang tapos umalis na sila. Baka may pupuntahan na namang business.
Ako na lang ang naiwan sa bahay, pati si Josef, ang kapatid ko.
"Kuya, ano sinasabi ni mama?" 6 years old pa lang si Josef, pero tulad ko isa na ring sobrang pasaway. Magkapatid nga talaga kame.
"Ah yun? Gagawin kong asawa si Monique balang araw." taas noo ko pang sabi sakanya.
Halata namang nagulat sya, pero hindi ko na lang pinansin yun, umalis na lang ako.
14 years old.
Lagi akong nakatanaw, nakatanaw sa isang babaeng hindi ko magawang lapitan, katulad ngayon, ayun sya kasama ang ate nya at si Lewis.
Alam kong mahirap para sakanya. Gag* rin kasi tong kaibigan ko eh, akala ko ba si Nix ang gusto nya? Pero bakit bigla na lang yung ate ni Monique yung niligawan nya?
Pauwi na sana ako samin nang may marinig akong iyak ng isang babae. Kaya hinanap ko yun, at nakita ko ang isang babaeng lagi kong natatanaw.
Lagi kong iniisip, unang babae kong nagustuhan, pero hindi ko magawang lapitan.
"Bakit ba ako nasaktan ng ganito? Minahal ko lang naman sya, nagparaya na nga ako pero bakit ako pa din ang nagmukhang masama?" nakikita ko yung mga lungkot sa mata nya.
At ako ang nasasaktan para sakanya.
Gusto kong punasan yung mga luhang pumapatak galing sa mata nya, at palitan ng ngiti ang mga labi nya.
Kaso hindi ko magawa, at hindi ko alam kung bakit hindi ko kaya.
Tang*na, ang torpe ko!
Ang dami daming babaeng lumalapit saken, ang daming gustong makipagkilala, yung iba pinapansin ko baka sakaling mabaling sakanila yung pagkagusto ko kay Monique.
Pero hindi eh...ang hirap!
Damn, bakit ganito? Ang lakas ng tama ko sayo Monique.
Pag-uwi ko ng bahay, lumapit sakin si mama at may sinabi.
"Oh nak, alam kong si Monique padin ang gusto mo. So...wanna hear the good news?" kumunot yung noo ko.
"Iaarranged namin kayo pagdating nyo ng 17 pareho. Saka namin sasabihin sainyo. :)"
ARRANGE?
*End of Flashback*
Oo, simula pa lang alam ko ng iaarrange kaming dalawa. Hindi ako umayaw, kasi bakit ko gagawin yun? Kung sa ganung paraan ko na lang magagawang lapitan si Nix.
Tumayo ako at umalis, saka bumalik sa kwarto nya. Natutulog sya, at ang himbing ng tulog nya.
Hinaplos haplos ko ang buhok nya, napapangiti ako dahil ang payapa nya at parang walang problemang natutulog, ang ganda pa din talaga nya.
"Nix, alam kong masakit sayo ang lahat ng nangyayari ngayon. Pero sana, sana...sa tamang panahon at pagkakataon, mapatawad mo pa din ako. If you need some time to think, to breathe, I'll give you. Pero sana, sakin ka pa din bumalik, ako pa din ang tinitibok ng puso mo. " kinuha ko yung kamay nya, hinawakan yun at tinapat sa dibdib ko.
"...kasi ako, ikaw lang ang tinitibok nito...At mananatiling ikaw lang...heart...bu.."
"Hihintayin kita, maghihintay ako kahit gaano pa katagal. At hinding hindi ako susuko." naglakad na ako palabas ng kwarto nya.
**
Nix's POV
Pagka-alis nya, ay namulat ko na lang yung mga mata ko. Umiiyak na naman ako.
Hinaplos ko ang tyan ko, saka ngumiti.
"Kahit kelan ang drama ng tatay nyo.." Oo, totoong hindi namatay ang mga anak ko.
Pagkatapos kong marinig sya kanina na nagdadasal, nagsisi ako, nagsisi akong sinabi ko sa doctor na sabihin kay Sean na namatay yung mga bata.
Yun lang kasi ang naiisip kong paraan para wag na nya akong lapitan pa, sobrang galit ako sakanya, sobrang naiinis ako.
Ang daming pumasok sa utak ko, bigla akong nagkaroon ng mga insecurities.
Panget ba ako magbuntis kaya naghahanap sya ng iba?
"Anong sabi mo Nix?" nanlaki yung mata ko nang biglang dumating sila mama, kasama ang mga kaibigan namin.
N-Narinig ba nila?
"Ma, Pa, Guys, sorry..." lahat sila nagulat, kasi ang inaakala nila, patay na talaga ang mga anak ko.
"...pero please sana wag nyo munang sabihin kay Sean 'to." kahit naman hindi na ako galit sakanya, andun pa din yung takot. Paano kung magkatotoong mawala ang mga anak ko ? Na wag naman sana..
Paano kung ulitin na naman nya yun?
At paano kung mas malala pa ang mangyari?
"Nix, may karapatan si Sean sa bata." mama.
"Alam ko po.."
.
.
.
"Let's go to US, dun ka muna, at pwedeng dun ka na din manganak."
O_O
"...p-pero Pa.."
"Stephen ano bang pumapasok sa isip mo?" mom.
--
5 chapters left.
BINABASA MO ANG
His 200 Pound Girlfriend (KathNiel)
Fanfiction..bakit ang bilis natin mahulog sa panlabas na kaanyuan?