Chapter Twenty

6.8K 123 10
                                    

Ngayon na yung birthday party ni Tita Kath, at kahit ayokong pumunta. Kailangan daw sabi ni mama, syempre bestfriend nya si Tita Kath eh, at kabastusan naman kung hindi pupunta yung anak ng bestfriend nya diba? 

Kaya kahit alam kong magkukrus ang landas namin ni Sean dun, hayy. Sige go na lang. 

"There you go, ang ganda mo talaga bestfriend! ^_^" si Althea kasi ang nag-ayos saken, ano bang malay ko sa pagmemake up at paglalagay ng kung ano ano sa mukha.

At kahit ano na gawin nya sa mukha ko, wala akong pake. Isa pa, wala na akong dahilan para magpaganda pa. 

Para saan pa? 

Para kanino pa? 

Eh kung iniwan na lang akong basta-basta. 

At ang masaklap, hindi ko alam ang totoong dahilan. 

Mabuti pa si Lewis, kahit sobrang nasaktan ako noon dahil mas pinili nya ate ko, alam ko yung totoong dahilan. 

Pero sya..? 

Mas malala pa pala sya. 

Nakakainis lang. 

At minahal ko ang isang katulad nya ng lubos, sa ganung kaiksing panahon. 

"Tara na mga pretty girls." si mama pala, at kahit anong gawin ng nanay ko, kahit hindi mag-ayos, ang ganda pa din talaga nya. 

At proud akong sakanya ako nagmana ^____^ 

"Oh tara na daw Nix, handa ka na ba?" 

"Wow, Korina Sanchez ikaw ba yan? --Aray! Makabatok naman." 

His 200 Pound Girlfriend (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon