Chapter ThirtySix

6.7K 102 5
                                    

Ang bilis lang lumipas ng araw. Nung simbang gabi, lagi kaming nagsisimbang magkakaibigan minsan kasama din ang mga parents namin. Tapos kapag kasabay naman namin magsimba ang celebrity friends namin na si Cha, and Dj, jusko dumadagundong ang simbahan. -___-

Fangirls. Psh. Pero okay lang, minsan din naman ako naging ganun eh. Haha kaya alam ko kung anong nararamdaman nila.

Nung Dec.16, cinelebrate namin birthday ni Sky at Althea, akalain mong magkabirthday pala yung dalawang yun. Si Migs tuloy nagselos. porket magkabirthday lang selos agad? Para talagang ewan yung lalakeng yun! Haha.

Nung pasko at bagong taon, syempre kasama ko pa din magcelebrate si Sean pati ang pamilya ng isa't isa. Lumalaki na nga daw talaga ang tyan ko eh.

Alangan namang lumiit diba? >_

At ngayon Valentines day, hayy. May naalala ako sa araw na 'to. Parang kelan lang ah, gumawa ng surprise sakin si Sean at pinakanta pa ang celebrity crush ko noon na kaibigan at magiging ninong ng anak ko, si Daniel. Swerte ng kambal ko, ninong at ninang nila dalawang artista. Tarayy! Hihi.

Pero ngayon. heto't magcece;ebrate pa din kame ng V-day, pero pinilit ko lang sya. Sya kasi eh, ayaw ako palabasin, kesyo baka daw mapagod ako, baka daw kung anong mangyari. Napaka-nega talaga nitong lalakeng to.

Eh ang advice ng nga OB ko, maglakad lakad kasi ka'bwanan ko na ngayon, at anytime pwede na silang lumabas.

Woooh! Goodluck! AJA! Kakayanin mo yan Monique! ^__^

"Tss! Hindi nga pwede Monique, ang kulit mo. Magtigil ka nga!" :( galit na naman sya, ang sungit na naman sakin. Pinipilit ko kasi syang maglaro kami ng baril-barilan sa may WOF.

Eh ang kaso ayaw daw nya, bawal daw buntis dun. Eeeeh!!!!

"Hmp! Bahala ka nga!" tumalikod na ako at maglalakad na sana kaso..

**

Sean's POV

Ang kulit talaga nitong si Monique oh! Kanina pa ako kinukulit na mag'WOF eh! Ayoko nga, madaming makukulit na bata dun baka mapano pa sya, masagi pa sya dun eh.

May practice nga dapat ako ngayon para sa gig namin mamaya ang kaso nga kasi Valentines ngayon at ayoko namang wg idate si Nix diba.

Napakawalang kwenta ko naman kung hahayaan ko lang mag-isa si Nix sa araw na to diba? Saka buntis pa.

Pagkatapos nya kong talikuran, nagtataka ako kung bakit hindi pa sya naglalakad.

"SEAAAAAAAN!!!!"

O___O Dali dali akong lumapit sakanya. Bakit--bakit may tubig?

"Monique umihi ka? Langya laki laki mo na--aray!!" binatukan pa ako eh sya na nga tong gumawa ng dumi dito.

"LOKO KA! MANGANGANAK NA AKO! KUPAAAAAAAAAAL! DALHIN MO KO SA OSPITAL!!!!" H-ha Ah eh!

Di ko alam gagawin ko, bakit naman dito pa. Bakit ngayon pa!

"T-teka lang.. Di ko alam wait lang teka tatawagan ko sila.." binuhat ko sya kahit napakabigat pa nya, kahit pinagtitinginan na kami ng mga tao dito sa mall.

Ang dami pa ngang tumatawag sakin, yung iba ewan baka dati kong classmate, o mga schoolmate namin ni Nix. Buti na lang dala ko yung kotse ko, kaya pagkababa ko sakanya sa shotgun seat mangiyak ngiyak na sya sa saket.

Nagmamadali akong magdrive buti na lang 5minutes na lang dito yung ospital, kinuha ko yung phone ko at tinawagan sila.

(Relax Sean, everything will be fine. Nasan ba sya?) Tita Julia.

His 200 Pound Girlfriend (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon