Chapter ThirtyFive

6.7K 119 2
                                    

Sean's POV

*Boggsshh*

Pangalawang suntok na ata yang natanggap ko mula kay Tito Stephen, okay lang. Kung tutuusin kulang pa.

"Pa stop it!" Nix.

Naglakas loob na akong lumapit kay Tito, humingi ako ng tawad. Inexplain ko na ang lahat, wala na akong magagawa kung hanggang ngayon galit pa din sya sakin. Ama sya eh, at alam ko sooner or later mararamdaman ko na din ang mga nararamdaman nya ngayon.

Kasi magiging ama na din ako.

"Oh heto." ano to? tuwalya? Aanhin ko naman to.

"Ipunas mo dyan sa dugo sa labi mo, umayos ka lang Sean! This is your last chance! At kapag naulit---"

"I promise, hindi na po mauulit."tinaas ko pa yung kanang kamay ko, na parang nagpa-promise talaga.

"Good." yun lang at umalis na si Tito Stephen.

"Omygosh Sean, are you okay? Yari ako nito kay Ate Yen. Tsk, that Stephen, kokonyatan ko talaga yan eh!" natawa naman ako kay Tita Julia, para talagang teenager, or feeling teenager. Jusko tita magkakaapo ka na oh!

"Di po okay lang ako, maiiintindihan naman po siguro ni mama si Tito. Ako na po ang bahala."

"Are you sure na okay ka lang talaga?" nag-nod ako kay Nix. Although masakit yung sapak ni tito sakin, okay lang talaga ako.

-

Nix's POV

Month : December, 7months.

Ang laki na talaga ng tyan ko ngayon, medyo nahihirapan na nga akong matulog eh. Minsan hindi ko alam kung tatagilid ba ako o kung nakatihaya lang.

Nagiging mabigat na din tong dinadala ko, ilang bwan na lang at makikita ko na sila.

"Naramdaman mo yun heart? Sumipa sya! I mean sila pala." nakakapit lang si Sean sa tyan ko at nakikita ko kung gaano sya natutuwa.

Naghohome study pa din ako, kasi gusto ko makasabay sa pagtatapos nila. Gusto ko na kapag nanganak na ako, makakapagcollege na ako.

Si Sean? Ayun naging pursigido sa pag-aaral, ang tataas ng mga grades nya. Balita pa nga daw sa school na buntis ako, at magiging ama na sya.

May mga ilang natutuwa kasi, kami daw nagkatuluyan kahit bata pa kami, at may ilang nanghuhusga.

Natutuwa pa din ako kapag nakikita ko ang page ng 'SeNix' kasi naman, wala lang, nakakatuwa talaga. Kasi andyan pa din sila to support the both of us. Kahit mga hindi ko sila lahat kilala ng personal.

Ang mga kaibigan naman namin, madalas dumalaw dito, kahit sila Chandria at Daniel basta lahat sila. Kapag gusto nilang magliwaliw, kung dati magbabar sila, ngayon didiretso sila sa bahay para dito na lang magkasiyahan, magkakainan, inuman, pero syempre sila lang ang nagiinom baka masapok ako ni Sean pag nagkataon.

Ano daw yun? Sa tyan pa lang lasenggo at lasengga na anak namin?

Aba hindi naman ako papayag nun, syempre dapat paglaki nila honor students, matalino, hindi pariwara, sporty, at syempre mapagmahal.

"Excited na talaga ako." kinuha nya yung kamay ko at hinalikan yung parte kung saan andun yung singsing.

Oo, suot ko ulit yun. Alangan namang hindi,diba? And would you believe?

Pagtapos kong manganak, magpapakasal na kami. Take note ah, after kong manganak.. Hindi after college graduation.

Napaaga ba? Ewan ko din kung bakit eh. Pumayag naman pareho ang mga parents namin, basta daw ipagpapatuloy pa din namin ang pag-aaral namin ni Sean.

His 200 Pound Girlfriend (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon