Chapter ThirtyFour

6.1K 119 5
                                    

Lewis' POV

Ilang araw ko na atang nakikitang ganyan yang kaibigan ko, dati rati parang ako yung ganyan kay Nix ah? Pero ngayon sya na.

Lagi syang umiinom, pero hindi nalalasing. Isang linggo na din simula nung pangyayaring yun.

At ako? eto nagmumukhang pipi, dahil hindi ko masabing hindi naman talaga nawala ang anak nila.

Pabor na din samin ni Tito Stephen na wag sabihin kay Sean, sobrang nagalit sya sa nangyari. Pero si Tita Julia gusto ng ipaalam kay Sean.

Ewan, hindi ko tuloy alam kung sinong pakikinggan ko.

May gig kami ngayon, at etong si Sean gusto munang uminom bago tumugtog. Tsk!

"Grabe hindi ko na kilala si Sean." tumango ako sa sinabing yun ni Sky.

"Ibang klase talaga nagagawa ng pag-ibig." Kalvin.

"Oo nga pre, kaya tamo ikaw. Simula nung nagka-pag'ibig ka, gumwapo ka. Nakanang!!" loko talaga 'tong si Sky kahit kelan.

Lumapit ako kay Josef at binulungan sya.. "Sa tingin mo, papuntahin kaya natin si Nix?'"

"Pwede rin,kaso gabi na. Alam mo naman, buntis yun diba?" Oo, at pati sya alam nya din. Tanging si Sean lang talaga ang hindi nakakaalam.

"Magjacket kamo sya." Sky.

"Loko!" pero kung sabagay.. haha. joke XDD

Tinry kong tawagan si Nix, sumagot naman sya, at ang sabi nya 'pupunta ako, namimiss ko na sya' . Gusto na din kasing makausap ni Monique si Sean.

Ang kaso...

Ayaw ni Tito Stephen.

Narinig ko naman na ang mga totoong nangyari, na set-up lang ang lahat. At alam kong alam na din ni Nix ang tungkol dun, dahil sya mismo ang nakarinig nun.

Paulit ulit na naming pinapaliwanag kay Tito ang lahat, pero ayaw nya pa din maniwala. Ang lagi nyang sinasabi, 'iresponsable pa din syang tao' .

Naaawa ako sa kaibigan ko mga par, grabe talaga.

"H-hoy! Tara na, tagal nyo.." biruin nyo, nakailang bote na sya nyan ah? Pero hindi pa din lasing...

Ginawa na atang tubig yung alak. -___-

"Itong tutugtugin namin ay iniaalay ng kuya ko sa babaeng mahal nya, at gusto lang nyang iparating na He's really sorry..." si Josef ang nagintro.

Pinakiusap din samin ni Sean na kung pwede sya ang kumanta sa chorus.

(Now playing : Im Sorry - The Maine)

Nagsimula ang tugtog namin, at saktong dating naman ni Nix. Naka'jecket nga, at natawa naman ang diwa ko dun, dahil naalala ko yung sinabi ni Sky.

Lahat kami napansin sya, pero si Sean hindi. Wala kasi sya sa sarili nya�palagi naman eh.

Nakita kong naluluha na si Nix, ako ata ang nahihirapan para sakanilang dalawa.

Bakit ba kasi hindi pa nya sabihin?

Alam ko namang hindi na mauulit ang mga nangyari, may tiwala naman ako sa kaibigan ko.

Alam ko naman ang pagkagusto nya kay Monique simula noong bata pa lang kame.

"I'm sorry.. I'm not what you wanted.

I'm sorry, im sorry that I let you down.." nanginginig yung boses ni Sean, tae naman!

Iiyak na naman ba sya?

His 200 Pound Girlfriend (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon