Chapter 14

1.6K 59 0
                                    


" RJ !! " Sigaw ni Jade. Kasama ko si Kuya. Naglalakad papasok sa sari sarili naming klase.

" Bakit ? " Tanong ko.

" Pinapatawag ka ng Dean pumunta ka daw dun Asap " Sabi niya at umalis na.

Ako ? Pinapatawag ni Dean ? Bakit kaya ? Naglakad ako papunta sa office nila. At nang makita ko ito ay agad akong kumatok bago pumasok.

" Yes Dean pinapatawag niyo daw po ako ? " Tanong ko. Nakatayo ako sa harap niya ngayon.

" Oh Miss Villafuentes andyan kana pala " at agad na itinigil ang ginagawa niya.

" Umupo ka " Gaya ng sabi niya umupo ako masunurin kaya ako.

" Bakit niyo po ako pinatawag Dean ? " Tanong ko. Malelate na kasi ako sa klase ko e.

" Anong araw ngayon? " Tanong niya. Itinaas niya ang kalendaryo at parang sinisipat iyon.

" Ahm. August 12 **** Monday po ngayon bakit po ? " Wala ba silang kalendaryo sa bahay nila ? At haya't na nga't nasa harap niya ang kalendaryo at tinitignan bat nagtatanong pa siya ng petsa ? Adik siya ?

Nakailang ulit pa niyang sinipat ang kalendaryo. Hindi ata marunong magbasa si Dean. Palipat lipat lang siya hanggang sa may nakita ako. Pulang bilog sa numero. Literal na napasapo ako sa noo ko. F*ck bat diko naalala yun ?

" Mukang alam mo na kung bakit kita pinatawag Racey " Yuck Eaw Duh Racey ? E RJ pangalan ko tss.

" Dean -

" Yes. The outreach will be 3 days from now and anong ginagawa ng club mo ? " Pagsusungit niya. Kinakabahan na ako. Nakakainis naman e. Akala ko pa mandin ligtas na ako sa init ng ulo ni Dean kasi hindi na ako ang presidente ng club.

" At akala mo ba hindi nakarating sa akin ang balitang NAGPA ELEKSYON KA NG HINDI KO MAN NALALAMAN !!! " Sigaw niya. Wooh tagaktak na pawis ko dahil sa kaba ko rito. Piste ka Jesse !!!

" Teka lang po Dean kasi -

" At ngayon ano ? Nawawala ang pondo niyo !! " Beast mode na talaga si sir. Natatakot na ako.

" Sinuggest mo tong Club na ito diba ? For almost 3 years na nagtagal ang club na yan ngayon ka lang pumalpak !! " Sigaw niya. Hindi na ako makakahanap ng palusot nito. Lubog na lubog na ako

" Akala ko ba aalagaan mo ? Asan ang pagaalaga na sinasabi mo Miss Villafuentes ? Bat hindi ka gumaya sa Mama mo na may isang salita !! " Aba't dinamay pa si Mama. Magsasalita pa sana ako ng bigla siyang nagsalita. Patay ka sa akin Jesse !!

" Kapag hindi mo nahanapan ng pondo yabg programa niyo at hindi nagawa sa Biyernes Iteterminate ko ang Club na yan sa ayaw at sa gusto niyo !! Mga sakit kayo sa ulo !!! "

" O-opo " Nauutal na sagot ko. Ayaw kong mawala ang Club halos tatlong taon kong inalagaan yun. Kaso hindi rin madaling maghanap ng pondo. Kung hindi kasi ako nagwalk out sa basket nung isang buwan edi sana may 15 k ako ngayon kaso aanhin mo yun nahipuan ka naman diba?

" Teka dean how we find fund for 3 days ? " Tanong ko. Tatlong araw hahanap ka ng pondo, at hindi lang pondo malakihang pondo. Niloloko ata ako ni Dean.

" At ako pa mamo mroblema niyan ? " Sarkastikong sagot niya. Binigyan niya ako ng folder tinignan ko yun. Ito yung list ng mga in demand at known courses sa school. Ewan ko bat ganito pa.

Tinignan ko iyon. Nangunguna nga talaga ang IT at sumusunod naman ang Accounting,then pangatlo kami Photography

" Don't you know na before mabuo ang club na yan e isa kayo sa nabibilang na least known course dito sa University ? " Tanong niya. Nagulat ako. Sa dami ng student ngayon ng Photography bakit mahuhuli kami diba ? Well sabi nga ni Dean before so ibig sabihin hindi uso ang camera non ?

" Nagtataka ka noh ? Na sa dami niyo isa kayo sa nangungulelat but let me tell you this, simula ng mabuo ang club mo e dun din nagumpisang umusbong ang photography sa school na ito " Okay ...

" at ang outreach program na yan. Kung hindi lang niyan nirerepresent ang school hindi ko yan pipirmahan e !! "

" E sir pano ko nga po hahanapan ng pon --

" Do what you have to do !! "

" E sir hindi dapat ako ang kinakausap niyo. Si Jesse siya po ang presidente "

" Sa tingin mo ba ipapatawag kita dito kung hindi nawawala ang presidente niyo !! "

" Huh ? --

" On the 3rd day at wala pa akong nakikitang papel dito sa mesa ko. Say goodbye to your club " Ma awtoridad na sabi niya. Hinablot niya ang hawak kong papel. Umupo siya sa upuan niya at ipinagpatuloy na ang ginagawa niya.

Huminga ako ng malalim at lumabas na ng opisina niya. Yari ka sakin Jesse. Pinapahamak moko ah !

Tomboy meets GayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon