Chapter 26

1.4K 50 1
                                    


Muka akong tanga na silip ng silip dito. Ewan ko ba nacu curious ako dahil magkasama si Queenie tsaka si Jesse sa cafeteria. Nasa likod ako ng poste at kitang kita ko kung paano patunguhan ng pilit ni Jesse si Queenie.

" Anong ginagawa mo dito ? " Sinilip ko kung sino ang bumulong at hindi na ako nagulat nang makita ko ang tropa sa likuran ko.

Unang nakisilip si Kuya, tas ayun sunod sunod na sila. Mga muka nga kaming timang at pinagtitinginan na kami ng mga tao dito.

" Anong sinisilip mo dito ? " Tanong ni Kuya. Sumandal ako sa poste at inilag ang braso ko sa dibdib ko.

" I was curious, diba ayaw ni Jesse kay Queenie ? How come na magkasama sila ngayon ? " Tanong ko.

Naikwento ko na din kasi sa kanila ang nangyari at lahat sila tutol sa ginawa ko. Ewan ko ba sa mga to.

" Oo nga e. Diba ayaw mo din naman kay Jesse ? E bakit nangi stalk ka ngayon ? " Ayesha said frankly nasamid ako.

" Hindi ako nagi stalk ah ! Curious nga lang ! " Depensa ko.

" Oh really ? Anong ginagawa mo diyan ? Don't tell me gutom ka at nagce crave ka sa halaman ? " Sabi ni Jade. I glare at her.

" Mga wala talaga kayong kwenta ! " Sigaw ko.

" Tama na nga yan ! Tara na maglunch na tayo ! " Sigaw ni Kuya sabay akbay kay Jade.

We end up at Cozy's this is Tito Tristan's coffee shop. Nagorder na kami ng kanya kanya and I ordered Frappe and oreo cake. Favorite ko to since dito daw kami pinaglihi ni Mama.

" Naka sched na yung game namin laban sa southfield sa sabado next week " Umpisa ni Mandy. Varsity silang apat ng Basketball.

" Oh ? Anong oras yan " Tanong ko. Okay na magkaroon ako ng mapaglilibangan kasi kapag wala napipilitan akong i-stalk sila Jesse.

" Last game kami actually, siguro mga 3 ? " Sabi ni Liam tumango na lang ako habang sumusubo ng oreo cake.

" Manunuod kaba kung ? " Naguguluhan akong nag angat ng tingin sa kanila. And to my surprise lahat sila parang inoobserbahan ako.

" What ? " Pagtataray ko.

" What if malaman mong ..." Putcha pabitin pa si Tristan e.

" Sabihin niyo na kaya ! " Sigaw ko.

" Kasali si Jess " Hmm. Jess I use to call him that. I shrugged.

" So ? Ano naman ? Hindi naman siya ang papanuorin ko " Balewalang sabi ko. It's true so ? Paki ko ? Hindi ko naman dapat malaman ah.

" Yan si RJ ! Wooohh Let's drink to that ! " Sigaw ni Liam na kasunod ay batok galing sa dakila niyang girlfriend. Muntikan ko pang maibuga yung kinakain ko dahil sa pagtawa.

" Bakit ?? " Kunot noong tanong ni Liam kay Yesha.

" Kundi ka din timang ano ! Let's drink to that ka dyan e kape yang hawak mo ! " Sabi ni Yesha at natawa kami sa reaksyon ni Liam.

Pagkatapos nang mahaba habang kwentuhan sabay sabay kaming bumalik sa school. Busy sila sa paglalandian samantalang ako busy sa cellphone at pagkuha ng litrato nila. Maganda to para sa project ko.

We we're silently walking at the hallway ng makasalubong namin si Jesse together with Queenie, at nang papalapit na sila sa akin sinadya talaga nilang iparinig sa akin yung tawanan nila. I rolled my eyes for nth time.

" It's okay " Sabi ni Kuya sa akin at inakbayan ako, hinawakan naman nila ang kamay ko.

" Ano ba kayo ! Of course I'm okay ! I'm not even affected " Depensa ko. Oo hindi kaya ako apektado kahit tumambling pa sila sa harap ko noh.

" Yeah you're not " Natatawang sabi ni Jade. Natatawang pumunta kami sa tambayan.

Nahati kami sa dalawang grupo. Yung mga lalaki hayun at nagkukulitan at kaming nga babae naguusap. Ang ingay nga nila e kanina pa namin yan sinasaway.

" So kaya ba siya umiiwas kasi binasted mo siya ? " Tanong ni Kristelle.

" Well Yeah. This was the third time I am answering the same question Kristelle " I said. Ang sarap buhusan nitong si Kristelle.

Binatukan siya ni Ayesha at hinila naman ni Jade ang ilang hibla ng buhok niya. Wala siyang nagawa kundi ang magikot ng mata.
Natatawang sinaway ko sila.

" Asan nga pala si Shane ? " Tanong ko. Kanina lang katabi namin siya ngayon nawawala na.

Ininguso nila si Tristan. Tinututor nanaman siya ni Shane. Naiiling na ibibalik ko ang tingin ko sa nga kausap ko.

" So does it hurt ? " Tanong ni Kristelle. Kunot noong tinignan ko siya.

" Huh ? " Gulong tanong ko.

" When you see him happy after you rejected him ? Does it hurt ? " She asked again.

" Hmm. No. I have ni feelings for him so why would I be hurt ? " Tanong ko. Bakit ako masasaktan e wala naman akong nararamdaman. Oh diba oh diba ?

" Wala nga ba ? Alam mo, I think denial ka lang talaga " Sabi ni Yesha.

" Wala akong dapat itanggi okay " Pagdepensa ko.

" Okay Fine. Then what are you doing behind the bushes earlier huh ? " Tanong ni Jade.

" I said I was curious ! "

" Then why would you feel curious ? " Tanong naman ni Shane. Sumingit pa ang bruha sa tatlo nga di na ako magkanda ugaga dumagdag pa siya.

" Hindi ko alam ! " Naiinis na ako. Kanina pa sila tanong ng tanong natutuliro na ako.

" See ? RJ you're on the stage of discovering your feeling for him " - Kristelle

" Oh diba ? Discovering pa lang ibig sabihin wala pa " - Ako

" I think meron na. Tanga ka lang talaga " - Shane.

" I also think na kahit naman hindi no aminin sa sarili mo nararamdaman mo diba ? " - Ayesha.

" Yeah. Those butterfly on the stomach, goosebumps, stammering and fast heartbeat. Right ? You felt that ? " - Jade. I nodded at sabay sabay silang tumili.

" Girls anong meron diyan ? " Tanong nila. Hindi naman sila pinansin at lahat ng atensyon ng mga bruhang ito ay nakatutok sa akin.

" Really ? Naramdaman mo yun ? " Kinikilig na saad ni Shane.

" Clarifying stage na to " Natatawang sabi ni Jade. Nagtatakang tumingin ako sa kanila. San nila nakukuha yan ?

" San niyo naman nakukuha yan ? " - Ako.

" Gawa gawa lang namin " Natatawang sabi ni Kristelle, at nag harutan nanaman sila.

" Oy wag niyo naman kawawain si Kris ! " Sigaw ni Mandy. I smiled mga binata yung mga kababata ko.

" Love you Baby ! " Sigaw ni Kristelle kay Mandy at hiyawan na ang kasunod..

" I just hope na hindi mo marealize yung feelings mo nang huli na, kasi alam mo ang pinagdaanan sa akin ng Kuya mo ng sinukuan ko siya " Seryosong sabi ni Jade. Napaisip ako. Oo nga pala. Kuya was once stonehearted pero natunaw ni Jade yun.

Before Kuya realized his feeling for Jade sumuko na si Jade kaya araw araw at gabi gabing nanliligaw si Kuya sa kanya.

I sighed. Sana yung mga nararamdaman ko wala lang. Kasi kapag meron nga, hindi ko alam gagawin ko.

Tomboy meets GayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon