Madilim na ng makauwi ako. Nagka kulitan pa kasi kami nila Yesha sa mall kanina kaya kung ano ano pa ang ginawa namin. Dumiretso ako sa dining at nakita ko sila na hindi pa nagsisimulang kumain kaya umupo ako sa tabi ni Mama para makisabay.
Dinner was great, ang kulit ni Mama tsaka ni Papa. Tawa nga ako ng tawa e. Si Kuya tahimik lang naman baka nagaway sila ni Jade.
" Hey " Bati ko kay Kuya na nakaupo sa veranda. Nagtapon lang siya ng tingin sa akin. Binalewala ko lang yung reaksyon niya at umupo sa tabi niya.
" Problema ? " Tanong ko at binangga ng balikat ko yung balikat niya.
" Jade. Galit e " Sabi niya ng hindi man lang tumitingin sa akin.
" Susme Kuya nagalit lang pala e. Akala ko naman wala na kayo " Natatawang sabi ko.
" Hindi mo alam kung paano magalit sa akin si Jade. The last time it happened she ignored me for one d*mn week ! At hindi ko kayang mangyari ulit yun " Sabi niya, matatawa sana ako kung hindi ko lang alam yung sitwasyon kung bakit siya ganito e.
I left out a chuckle.
" Alam niyong ayaw ng babae ang pinaghihintay sila. We waited for freaking 3 hours si Yesha nakatulog na sa bench, si Jade nakahiga lang sa damuhan, si Telle kung ano ano ginagawa tapos si Shane tumbling ng tumbling, hindi naman siguro halata na muntikan na silang mabaliw kakaantay diba ? At siguro kung hindi kami umalis doon, tss hindi na siguro namin kayo papansinin " Naiinis na sumbat ko sa kanya. Aba dapat lang pinagantay nila kami, buti nga ito lang natanggap niya sa akin e.
" You did'nt understand ! Lahat kami napre pressure sa championship ! Hindi namin magawang hawakan yung phone namin dahil sa higpit ng training kanina ! "
" Exactly, sana una palang sinabihan niyo na kami ng hindi na kayo makakasama kasi ganito ganyan. Tss "
" San ba kayo nanggaling kanina ? Bakit late kana umuwi ? "
" Nagmall, actually dapat nga pasalamatan ko kayo kasi kung hindi niyo kami inindian kanina hindi makakapag girl bonding " Tuwang tuwang sabi ko, nire reminisce ko yung nangyari kanina grabe ang saya talaga.
" Girl kana pala ? " Nawala ang ngiti ko at tinignan ko siya ng masama.
" Bakit muka ba akong lalake ? " Naiinis na asik ko.
" Dati nung hindi pa kayo ni Jesse " Sabi niya habang sinasabayan pa ng kamay. Oo nga pala, yung baliw na yun wala pang paramdam ah
" Kamusta si Jesse ? " Tanong ko.
" Sobrang pagod nun. Ilang beses kasi siyang pinaikot ni Coach sa court dahil sa pangungulit " Nagtatakang tinignan ko si Kuya, ngiting ngiti siya samantalang ako nagiinit ang ulo ko dahil nagagawa ni Jess na mangulit ng hindi iniisip na naghihintay ako ! Tss Great !
Naiiling si Kuya habang hindi maaalis ang ngiti sa labi niya.
" Nangungulit siya kung pwede daw bang humawak ng phone para matawagan ka, minsan pumupuslit siya. Yung totoo ? Dahil sa pangungulit niya kaya kami natagalan sa training " Natatawang paliwanang niya. Hindi ako makapaniwala, tumingin ako sa gilid para itago yung namumula kong muka.
Tumango tango lang ako kay Kuya.
" So, kwentuhan mo ako ng nangyari kanina " Biglang sabi ni Kuya
" Wooh Grabe ! Hindi mo alam kung paano nilampaso ni Kristelle si Max ! Grabe munt --
" Nakipagayaw kayo ??!!! " Eksahiradong sigaw niya. Napatakip ako ng tenga.
" Well sort of " Sabi ko na may kasamang pagpilantik ng kamay.
" What ?!! Kanino ?! "
" M.U students " Proud na sabi ko at humalikipkip pa.
" Sinaktan ka ba ? Si Jade ? Ano ginawa nila ---
" Woaah ! Sumayaw lang si Telle, grabe ! Lahat ng nasa arcade kanina halos lumuwa ang mata at malaglag ang panga sa sahig sa galing niya grabe !! " Masayang sigaw ko.
" Kanino kayo napaaway ? "
" Yung pointguard ng M.U titans, Haha wag ka nilampaso ko din siya sa basketball --
" Kayong mga bata kayo ! Pumasok na ! Gabi na ! Matulog na ! " Sigaw ni Yaya Simang. Natatawang pumasok kami ni Kuya sa loob ng bahay at nagpunta na sa kanya kanyang kwarto.
Tinignan ko yung phone ko, hanggang wala pa rin siyang text o tawag. Nagbuntong hininga ako, siguro pagod lang siya. Nag halfbath na ako at nahiga sa kama. Hindi rin nagtagal ng hilahin ako ng antok.
--------------
Nagising ako ng maaga, kaya baka maaga din akong makapasok ngayon. Naligo na ako. Pumili lang ako ng shirt tsaka ripped jeans.
Bumaba na ako sa dining at nakita ko si Mama at si Kuya na masayang nagke kwentuhan.
" Goodmorning Everybody ! " Masiglang bati ko, humalik ako sa kanila bago umupo sa upuan ko.
" So ? Your brother told me about the guy you fell in love with " Naibuga ko yung iniinom ko dahil sa sinabi ni Mama, tinignan ko ng masama si Kuya.
" Ma ! I'm not in-inlove " Depensa ko.
" Oh stop denying ! Besides it's okay for us "
" Ma I'm --
" So tonight ! We'll have a family dinner ! And I recquire the both of you to bring your lovers here ! " Excited na sabi ni Mama. I rolled my eyes and left put a sigh. What Mama wants Mama gets.
" Tonight 7 sharp I want to formally know my princess's boyfriend " Sabi ni Papa sa seryosong boses. Oh oh nakakainis naman kasi si Kuya e.
As soon as makalabas kami ni Kuya sa pinto pinuno ko siya ng sapak. Sa tyan, braso, tagiliran, dibdib at san pa. Kinakabahan ako mamaya e. Nakakainis naman kasi si Kuya e. Tss.
--
First subject, wala pa siya. I dunno kung asan siya, I'm trying to contact him pero wala akong sagot na natatanggap. Sabi ni Kuya baka nagbawi lang daw sa lakas.
Second wala pa rin, then third and so on hanggang sa maglast. Hindi siya pumasok. Tinatawagan ko siya kanina pero wala talagang sumasagot, text pero walang reply.
Nagbuntong hininga ako at pumunta sa tambayan. Nakita ko silang nagkukulitan, Nagbuntong hininga muna ako bago lumapit sa kanila.
" Nagtext sa akin si Jess kanina " Napatingin ako kay Liam. Ngumiti siya at ibinato sa akin ang phone niya.
Dude, Let's ditch class
I rolled my eyes at ibinato sa kanya pabalik yung phone. Akala mo naman ang ganda ng balita niya. Tss naupo ako sa ilalim ng puno at sumandal.
Ganun ah, hindi siya nagte text sa akin mula kahapon tapos malalaman ko na nagtext kay Liam ! Tss manigas ka ! Akala mo itetext kita ah ! Kahit wala akong dalhin para sa dinner mamaya okay lang.
" RJ !! " Tinignan ko kung sino yung tumawag sa pangalan ko. Tinaasan ko lang siya ng kilay at bumalik sa pagkakasandal sa puno.
" RJ !! " Nakatayo na siya sa harap ko. Tinignan ko lang siya. Bahala siya sa buhay niya. Ipinikit ko lang yung mata ko. Wala muna akong pakialam sa mundo.
BINABASA MO ANG
Tomboy meets Gay
Teen FictionBata palang ako yung love love na yan tinatawanan ko lang. Hindi ako naniniwala na may Love na nage exist sa puso ng mga tao. Pero naniniwala ako na ang love katha lang ng isip ng mga tao. Until I met him.. He made me feel that love is the most sav...