" Rj, diba sinabihan kita na dalhin mo dito si Francis para masukatan kayo ng susuotin niyo ? " Sabi ni Mama habang kumakain, nasapo ko ang ulo ko. Oo nga pala, ang daldal kasi nila Kristelle kaya nalimutan ko e." Sorry Ma, don't worry I'll tell him tommorow " I said. Were having dinner at ito ang pinagu usapan namin, why ? I don't know. Nasasabik lang siguro si Mama na makita ako in girl's wear. Lagi kasi akong naka pants and shirt diba ? So siguro nga excited siya. I'm their only princess, siguro naman hindi sila matutuwa kung tumagilid siguro ako. Buti na lang kamo na kontra, sa pagdating niya.
" Alam mo, mas gusto ko talaga si Jess e " She said for the nth time, si Jesse ata ang anak niya e hindi ako mas gusto niya yung baklang yun kesa sa akin e.
" Ma " I said on a warning tone she just chuckled.
Buti na lang at mabilis kong tinapos ang pagkain ko kaya hindi ako gaanong ininterrogate ni Mama, si Mama minsan akala mo manok e putak ng putak. Ang awkward kasi ng eksena kapag siya ang pinagu usapan, para kang nakikinig sa kwento ng ex mo na mahal mo pa din. Ang hirap diba ? You feel me ? Haha.
Binuksan ko ang phone ko at hindi tumigil katutunog ang phone ko dahil sa kakapasok ng messages, from who ? From Jesse. The hell right ? Why would he waste his time sending almost a hundred text messages to me if he have the girl who's head over heels on him ? Diba ? What's the point ? Nasa kanya na ang pinaka magandang benefit which is Queenie ? Wala makukuha sa akin diba ? Well noted na pala ang puso kong nakuha na niya at unti unti niyang winawasak.
Binasa ko isa isa ang message niya.
Answer my call please...
Where are you ? ....
I'm outside your house...
Agad akong napabalikwas ng bangon ng magregister sa utak ko na nasa labas siya ng bahay namin. Sinilip ko siya sa balcony only to find him sitting on the gatter accross the house, his arms are resting on his knees. Isa lang masasabi ko, muka siyang problemado. I dialed his number at nakita ko kung paano siyang magmadaling sagutin ito. Napangiti ako, ito ba ang nanti trip ? Advice nga !
" Hello " He said halatang pagod siya base sa boses niya.
" What are you doing there ? " I asked, naiirita ako. Bakit niya ako pupuntahan dito ? Tss. Ang gulon ng baklang to ! Sobra !
" Waiting for you " Sabi niya, nakatingin lang ako sa kanya. Nasa balcony ako siya nasa baba, nagsalubong ang tingin namin. I saw how he smiled.
" Please, come down " He said, umiling ako at pumasok na sa kwarto. Iniwan ko siya doon. Tama kaya ang ginawa ko ? Siguro, kasi diba pinagla larian ka lang niya. So wag kang magpa apekto, batikan na sa paglalaro ng puso ng mga babae si Jesse kaya dapat hindi ka masali sa nabiktima niya. Tama ignore him.
-------------
" Bakit hindi mo man lang pinapasok si Jesse kagabi ? " Bati sa akin ni Kuya na salubong ang kilay.
" Goodmorning huh ? " Sarkastikong sabi ko. Nauna pa ang sermon sa akin kesa sa goodmorning at halik sa noo ? Tss
" Bakit hindi mo siya pinapaso --
" Kuya, sino ba ang lumayo ? Diba siya ? Anong gusto niyong gawin ko ? Habulin ko siya ? Well News Flash Kuya hindi ako aso " I said, sumubo ako ng pagkain at hindi na pinansin pa ang sinabi niya.
" You should've let him in, alam mo ba kung anong oras siya umuwi ? News Flash Lesby alas singko " Sabi niya ng may diin, natigil ako. Konsensya tigilan mo ako please, ang tanga mo Rj. Pinairal mo ang pride mo kesa sa kapakanan ng kapwa mo pilipino.
" Really ? Good for him, Now he know na hindi ako basta basta " Huling sabi ko at iniwan na ang pagkain ko sa lamesa. Nawalan ako ng gana. I have to show them the strongest me, I have to ignore what they are feeling para hindi na ako masaktan.
" You're so selfish " Asik ni Yesha, I sighed lahat na lang ba sila magagalit sa ginawa ko ?
" Ako ? Ako nanaman ang selfish ? Whu don't you blame him cause he made me like this !! " I shouted.
" Lahat naman siguro ng ginagawa niya may dahilan diba ? Why can't you understand that ? " - Kristelle.
" I won't and I can't ! " Sabi ko at tinalikuran sila. Pupuntahan ko na si Francis dahil yun ang bilin ni Mama.
Nagpunta na ako ng gym at nakita ko kung gaano sila kapuspusang magpraktis. Kaya minsan naawa ako sa mga to e, kasi nagpapakahirap sila sa pagte training para lang itaas ang SCPU diba ?
" Oh ? Boys may bisita kayo ! " Sigaw ng coach na ikinagulat ko. Lahat sila nakatingin sa akin kasama na dun ang matalim na tingin ni Kuya. Huminga ako ng malalim.
" Hmm, si Francis po sana coach " Magalang na sabi ko, hinanap ng mata ko si Francis pero na magnet ang mata ko sa lalaking tumakbo paikot paikot sa loob ng court. Tumatagaktak ang pawis niya mula ulo hanggang sa abs, naka focus siya sa pagtakbo at ni hindi man lang naramdaman ang presensya ko.
" Wait lang miss, 5 mins na lang " Sabi ng coach nila, tumango na lang ako at umupo.
Gaya ng sabi ng coach nila, saktong 5 mins ng matapos ang training nila. Pero nalipat ang atensyon ko sa babaeng pumasok sa loob ng gym na pinagti tinginan ng lahat ng lalaki sa loob ng gym. Umirap ako, napaka attention seeker talaga ng babaeng ito.
Nagtapon lang ng tingin sa akin si Kuya at ganun din ang ginawa ni Jesse, nanatili lang akong nakaupo nang lumapit sa akin si Francis.
" Hey " I smiled at him, grabe bakit kay gwapong nilalang nito.
" Magre refresh lang ako tapos alis na tayo, okay ? " He said I nodded and look at him as he run towards the locker room.
" What are you doing here ? "
" Nothing " Sabi ko ng hindi nagta tapon ng tingin sa kanya. Wala sa hinagap ng utak ko ang bigyan siya ng pansin.
" Siguradong kang wala lang ? " This time nakuha na niya ang atensyon ko. Ano bang gusto nitong babaeng ito ?
" Oo "
" You're making him jealous "
" Excuse me ? " I said raising a brow, now she's accusing me.
" That's what I think, you're making him jealous. What for para bumalik siya sayo ? Well I think Lesbians is not his thing " She said, tumaas lahat ng dugo ko sa ulo.
" Magtataka pa ba ako ? E yan lang naman ang kaya ng utak mo, I'm not surprised na nagpapaka obssesed ka nanaman sa lalaki dyan ka naman magaling diba ? Kapag may gwapong lalaki gagawin mo ang lahat para makuha for what ? For display, for popularity. Kaya mo nga dinate si Jess diba ? Para sumikat ka ? Funny. Your making yourself a slut just to be famous " Haba ng dialog ko diba ? Nai imbyera ako dito sa babaeng to e. Nung dinate niya si Jess nagalit ba ako ? Hindi diba pinabayaan ko sila, tapos ngayon sinusundo ko lang si Francis kung makareact siya akala mo girlfriend. E dine date palang siya atleast ako nililigawan na.
" What the ! How dare you to insult me ! " Sigaw niya, inaantay ko na lang palad niya sa muka ko pero lumipas na ang ilang segundo wala pa akong nararamdaman sa pisngi ko. Idinilat ko ang isang mata ko at halos lumuwa yung dalawa mata ko sa nakikita ko. Galit ang makikita sa mukha niya at sigurado ako na kapag pumalag itong si Queenie deads siya.
" Don't you dare lay a hand on my girlfriend "
BINABASA MO ANG
Tomboy meets Gay
Teen FictionBata palang ako yung love love na yan tinatawanan ko lang. Hindi ako naniniwala na may Love na nage exist sa puso ng mga tao. Pero naniniwala ako na ang love katha lang ng isip ng mga tao. Until I met him.. He made me feel that love is the most sav...