Chapter 21

1.6K 63 1
                                    


Grabe eto na ata ang pinaka nakakabang moment. Nandito na kami sa taas ng jeep as in sa bubong. Kanina lang natutuwa at naeexcite ako ngayon hindi magkamayaw ang pawis ko sa pagtulo.

" Anong muka yan ? Parang di ka matae diyan ! " Asar ng katabi ko. Si Jesse. Nandito kasi ako sa gilid tas siya na sa may gitna. Bali kapag tumagilid ang jeep na wag naman sana e, ako ang unang malalaglag.

" Tss. Dun kanga ! " Anas ko sa kanya.

" Hubarin mo na nga yang hoodie mo ! Pinagpapawisan ka oh ! " Sabi niya sabay punas ng pawis sa noo ko. Tumagilid ako para maitago yung namumuong ngiti sa labi ko.

" Hoy ! Jesse ! Baka kung ano na ginagawa mo sa kapatid ko ah ! Babangasan kita ! " Sigaw ni Kuya. Tumawa lang kami ni Jesse sa kanya.

Hinubad ko na yung hoodie dahil nakakaramdam na din ako ng init. Kinuha sa akin yun ni Jesse at nilagay sa kandungan niya katabi nung kanya.

Hindi rin nagtagal ng mapuno yung jeep. Hindi ko din maitatanggi na sadyang may tumabi sa akin na tatlong lalaki. Kaya ang ginawa nila. Nasa likuran si Jade tapos nasa tabi niya si Kuya. Ganun tapos si Jesse nasa likod ko. Nakatalikod ako sa kanya. And the rest pinaligidan ng mga miyembro na lalaki yung mga babae kaya ang nangyari parang may wall. Pero waepek kasi katabi ko pa din yun lalaki kanina.

" Don't worry, one wrong move from that guy he's dead " Jesse assured me, I sighed.

Maya maya pa napakapit ako sa katabi ko dahil sa biglaang pag uga ng jeep. Na dapat hindi ko ginawa kasi hinawakan niya yung kamay ko. I gulped so hard while looking at him na pinagsisisihan ko kasi ang kung tignan niya ako para niya akong hinuhubaran. Nanginginig yung kamay kong binawi sa kanya yung kamay ko pero ayaw niyang bitawan yung kamay ko.

" Bebe, Hehe " Tawag niya sa akin. Tinignan niya yung hita ko pero tinakpan ko agad to.

" Aaahhhh ! " Tili ko. Okay natatakot na ako ayaw niya kasing bitawan kamay ko.

" Oh ! Wag yan ! Liligawan ko pa yan e " Sabi ni Jesse. Marahas na tinanggal ni Jesse yung kamay ni Kuya sa kamay ko.

Dahil masikip na hindi na namin magawang makapagpalit ng pwesto. kaya ang ginawa niya. Ipinatong niya yung hoodie ko sa hita ko. At pinulupot niya yung kamay niya sa akin.

" Hipo pa sa mga kasama ko ! Putol yang kamay niyo ! " Sigaw ni Kuya. Natawa ako kahit kailan talaga gago e.

Grabe ang sarap dito sa taas. Ang daming pwedeng makita. Nafufull view ko yung nasa baba. Ang sariwa ng hangin, tapos ang ganda ng paligid.

Gift, Sa isang word na yan ko dine describe yung mga nakikita ko. This is all a gift from god. Regalo niya napa pakinabangan natin pero inaabuso. Oh gosh. Grabe nakakabusog sa mata.

Exciting na daan yung zigzag kasi para ka talagang tatagilid. Buti na nga lang nakakapit sa akin si Jesse kasi everytime na liliko sa kanan yung kaba ko tumitindi.

" Oh god !! " Sigaw ko ng biglang umuga yung jeep, yung umapak sa bato bato. Mauga.

" Nasa lubak na tayo " Bulong niya at ramdam ko na ang pag uga ng jeep dahil sa lubak na dinadaanan namin.

Malubak yung daan tapos kaliwa't kanan pa yung bangin kaya sobrang kapit ako kay Jesse kasi baka anytime malaglag ako sa jeep at dumiretso ako sa bangin.

" Wag ka magalala hindi ka malalaglag, enjoy the view " Bulong niya, tumango ako at nilabas yung dslr ko.

Picture dito picture diyan, yan ang ginawa ko. Tawa pa nga ng tawa sa kin si Jesse kasi kung ano ano kinukuhaan ko. May time din na kinukuha niya sa akin yung dslr para siya yung kumuha.

May nadadaanan kaming mga bahay, ang kulit nga e kasi ang lalayo ng bahay. Yung tipong may bahay tapos mga ilang metro pa bago ka pa ulit makakita ng bahay. Tapos pili lang yung bahay na sementado at may kuryente. Para ngang ang creepy e kasi diba magkakalayo yung bahay tapos wala pang kuryente.

Sa buong biyahe akala mo kami lang yung dumadaan na jeep kasi wala kaming nakakasalubong na sasakyan o jeep except sa motor. Sobrang tahimik tapos ang sarap ng hampas ng hangin sa muka mo. Wooh grabe ang sarap.

Kinuhaan ko yung mga bata na naliligo sa sapa. Ipapakita ko to kela Mama. Tapos may mga basketball court naman kaso half nga lang tsaka hindi siya covered.

Mga ilang oras pa kaming bumyahe bago ko naramdaman yung init pero hindi alintana kasi sumasabay yung ihip ng hangin, bumaba na din yung lalaki kong katabi sa basketball court na nakita ko kanina.

" Oh ! Dulo na to dulo na to ! " Sigaw nung konduktor. Tinignan ko si Jesse at tumango siya.

Nakakahiya kasi hindi ko alam kung paano bumaba, diba nasa taas kami tapos kung tatalon ka naman baka makatapak ka ng bato. Si Jesse ang una bumaba at inalalayan niya na lang ako. Kinikilabutan padin ako everytime na malapit siya sa akin at kasabay nun ang walang humpay na pagtibok ng puso ng mabilis.

Hinawakan niya ang kamay ko at tumalon ako, kaya nahawakan niya ako sa bewang at napahawak naman ang isa kong kamay sa dibdib niya.

" Oh ! Tama na yan ! " Sigaw ni Kuya habang nilalayo niya ako kay Jesse gamit ang noo ko. Imba to e. Hawiin ba naman ako sa noo. Buti na lang at hindi ako nabigla kundi mapapaupo ako sa batuhan.

Tinarayan ko siya at tumabi kay Jade na halata mong masaya kasi kasama niya si Kuya, alam ko na ang meron sila.

Tinignan ko ang view, ang lawak ng ilog. Hinahati pa siya sa dalawa gamit ang tulay. Kapag tumingin ka ng diretso makikita mo yung mga bundok, kapag tumingin ka naman sa kanan may bundok doon na may puno ng balite sa taas.

" Wag " Nilingon ko kung sino ang humawi ng camera ko, matandang lalaki. Tapos nakatingin siya sa akin ng masama.

" Sorry po " Magalang na saad ko at tumango pa.

" Wag mong kukuhanan yan kung gusto mo pang makauwi ija " Sabi niya at umalis na. Nakahinga naman ako ng maluwag doon. Kinabahan naman ako doon.

Yung Van kanina pa pala nandito dala yung mga ibibigay namin, tapos yung mga lalaki nagkakabit na ng tent. Si Jesse naman tsaka si Kuya nakikipag coordinate sa lalaki.

Ginawa ko na ang tungkulin ko, inayo ko na yung mga donations sa isang lamesa habang tinutulungan ako ni Jade. Yung iba naman kumukuha ng pictures para sa documentation.

I look at the view again. I inhaled the air. So fresh. Tinignan ko banda kung nasa si Kuya abd I saw him. Nakaakbay siya kay Jade habang si Jade nakahawak sa likod niya. I saw how they laugh and the way they look at each other. Sana hindi na sumingit pa si Rain kasi ngayon ko lang nakitang ngumiti si Kuya at gayundin si Jade.

Tomboy meets GayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon