Chapter 49

805 19 2
                                    


Last days was one of the greatest and unforgettable moment of my life. But now, He's there I'm here... like nothing happened. Like I'm just a stranger to him.

Masakit. Kasi for the nth time inatake nanaman siya ng pagkasiraulo niya. Iniiwasan nanaman niya ako.. I don't know why but everytime I approached him he always make way to avoid me. It hurts... D*mn it hurts !

Nasasaktan ako sa ginagawa niya, sinasaktan niya ako. And worst part is I already fall in love with him.. I love him..

" Hey " I quickly wiped my tears..

" Crying ? Again ? " He asked, I rolled my eyes at him.

" Don't state the obvious " I said and continued scanning my book.

" Where's he ? " I look at where he is. He's busy with his phone. Pangiti ngiti pa ang kupal ! Sapakin ko siya e ! Pachicks tong lalaking to gusto hinahabol pa. Pagulungin ko siya e !

" Haha pustahan tayo pinaglalamayan na si Jesse dyan sa isip mo " Natatawang sabi ni Kuya at umupo sa harap ko. Padabog kong isinara yung libro ko at tinignan siya ng masama.

" Hindi lang pinaglalamayan, nailibing na ! " I hissed he chuckled and I smiled. Bati na kami ng Kuya kong manhid at matigas ang puso. Haha sapukin ba naman ng Tatay ni Jade e.

" Where's Jade anyway ? "

" Nasa huling klase niya pa, ikaw ? Bakit andito ka ? " Tanong niya.

" Maaga akong dinismiss ng last class ko, kaya hinintay na kita dito " I said.

" Why ? "

" Duh, parang di moko kapatid ah ! Malamang sasabay sayo paguwi ! " Sigaw ko. Aba't, nagkabalikan lang sila ni Jade pinabayaan na niya ako ? E kung bulungan ko kaya si Jade na wag na niyang balikan itong mokong na ito. Tignan lang natin !

" Ito naman hindi mabiro, oh andyan na pala si Jade e, Tara na ! " Nakapulupot ang braso niya sa leeg ko, I raise a brow at tinignan kung san siya nakatingin.

Kapag inlove ka nga naman. Malayo palang nakita na niya si Jade samantalang ako ni hindi siya nahagip ng mata ko.

Binitbit ko na ang bag ko at tinignan siya. Kumabog ang dibdib kong ng makitang nakatingin din siya sa akin. I can see pain in his eyes. 'Nasasaktan din ako Jess please..' gusto ko sanang sabihin sa kanya yan kaso alam kong iiwas nanaman siya. I smiled at him at tumalikod na.

-------------

" Hey ! Papsy ! " Bati ko sa Ama ko na komportableng nakaupo sa sofa at nakapatong pa ang paa sa lamesa. Umupo ako sa tabi niya at inakbayan niya ako.

" Where's your big brother ? " Tanong niya.

" As usual " I said.

" Naku naman talaga yang Kuya mo oh ! Gagabihin nanaman yan sa panliligaw " Natatawang sabi ni Papa. Nagkabalikan na kasi sila ni Jade pero ngayon iba na. Magsisimula ulit si Kuya sa umpisa, sa pinakaumpisa.

Nagkwentuhan muna kami nila Papa at kumain na din. Syempre nagkasundo kaming tatlo. Nanunuod kami ng basketball habang nagpu pustahan, si Mama naman walang tigil kakasaway sa amin na tumigil pero walang nakikinig sa kanya.

" Kapag hindi niyo tinigil yan, sa kabilang bahay ako matutulog ! " Banta niya. Napatigil kami saglit pero ibinalik ulit namin ang atensyon namin sa TV. Alam naming hindi gagawin ni Mama yun dahil maski siya hindi matiis si Papa specially Me.

" ng isang taon " Napatigil kaming tatlo. Kaagad kong kinuha ang bag ko at naglakad paakyat sa hagdan...

" Where do you think your going ? " Napahinto ko. God, my Mom became a monster... again. Humarap ako sa kanya at nag peace sign habang ngumingiti ng pilit.

Tomboy meets GayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon