Chapter 37

1K 30 1
                                    


Kagaya ng kondisyon ni Papa, sinundo nga ako ni Jess. At dahil makapal ang muka niya, niyaya lang siya ni Mama ng breakfast nakikain naman.

At ito siya sa tapat ko, katabi ni Kuya at sarap na sarap sa pagkain.

" Tita, ang sarap po ng luto mo ! " Puri niya kay Mama na natuwa naman. Inirapan ko nga at sinabihan ng 'sipsip!'

" Malamang, makakapagtayo ba si Mama ng restaurant kung hindi siya masarap magluto " I murmured. Tss baka akala niya wala siyang kasalanan sa akin. Ni hindi man lang kaya siya nag Goodmorning sa akin, si Papa at si Mama lang binati niya. Tss.

" Rj " Saway sa akin ni Mama, okay umiiral nanaman pagka maldita ko.

Nang matapos kumain, umakyat muna ako para kuhanin yung blazer at bag ko. Uniform kami ngayon.

Saktong magsusuot ako ng black shoes ng lumabas si Mama, Papa at Jess sa kusina. Si Kuya nauna na ata susunduin pa nun si Jade e.

Inagaw niya sa akin yung sapatos ko at siya na ang nagsuot. Napangiti ako what a gentleman, kung bumabawi ba naman siya sa sweet things edi nagkakasundo kami.

" Thanks " Sabi ko ng matapos siya sa paglalagay ng sapatos at footsocks.

" Anything for you " He said at nagbigay nanaman ng matamis na ngiti, yung puso ko please.

" Jesse, yung pinagusapan natin kagabi. Baka magkalimutan tayo " Banta ni Papa bago kami lumabas ng bahay.

" Opo " Sagot naman ng katabi ko at iginaya ako palabas.

Pinagbuksan niya ako ng pintuan ng sasakyan niya tsaka siya pumasok.

" Where's the necklace I gave you ? " He asked, I looked at him with confused. Necklace he gave me ? Kelan ? Wala ata akong matandaan na nagbigay siya.

" The necklace like this ? Where is it ? " Sabi niya habang pinapakita yung kwintas na suot niya. Nasapo ko ang noo ko, siya pala ang nagbigay nun. Bakit hindi ko naalala ?

" Ahh, nasa box niya. Sinauli ko pagkatapos kong gamitin kagabi " Paliwanag ko, he sighed in relief at nagumpisa nang magmaneho.

Sa buong 30 mins na biyahe nakatingin lang ako sa labas ng bintana. Ewan ko pero wala ako sa mood sa kulitan. May time na kinakausap ako ni Jess pero puro at tango lang at kung minsan maiikling salita lang ang naisasagot ko.

" Pa park ko ba muna ? O una ka na ? " Tanong niya.

" Sabay na tayo " Sabi niya, tumango siya at lumiko papunta sa parking.

Hindi naman kami natagalan sa paghanap ng paparkingan, hindi na ako nag antay na pag buksan niya ako ng pinto lumabas na ako at sumandal sa sasakyan niya. Tumingin ako sa wristwatch ko, 7:45 palang may 15 mins pa kami.

Sabay kaming naglakad ni Jess papasok, pero bago pa kami makapasok inabutan na ako ng kamalasan.

" Aray ! " Inda ko ng matamaan ako ng hindi kagandahan na katawan na pagmamay ari ng hindi kagandahan na nilalang.

" Ow, sorry I did'nt saw you " Maarteng sabi niya, aba ! Wag niya akong ma ano ano ngayong wala ako sa mood ah at baka imbis na kausapin ko siya bugbugin ko siya.

" You okay, Myloves ? " Tanong sa akin ni Jess nang makaayos ako sa pagkakatayo.

" Myloves ? Eeew. Mas maganda pa din pakinggan ang Babe, right ? " Sabi uli niya, inirapan ko nga.

" Oo nga mas maganda pakinggan, tawagan naman ng karamihan " Mataray na sabi ko, hinigit ako ni Jess sa beywang at tumango.

" Tss " Yan na lang ang nasabi ko at iniwan si Queenie don.

Umakyat na kami ni Jess sa room namin. As usual naka upo ako malapit sa bintana at siya nasa tabi ko.

" Anong nilalaro mo ? " Tanong ko ng makita ko siyang kumakalikot sa cellphone niya, naglalaro lang pala.

" Piano tiles 2, bakit ? " Tanong niya na sige pa rin sa katatap sa cellphone niya.

" Palaro ako " Sabi ko, bahagya siyang napatingin sa akin.

" Nasa mood kana ? " Tanong niya, tumango ako at ngumiti.

Inabot niya sa akin yung phone niya, at itinuro sa akin yung dapat kong gawin. Hindi naman siya mahirap pero dapat maagap ka at mabilis kang tumap.

Nagpapataasan kami, pero syempre hindi ako mananalo sa isang veteran na kagaya niya. Ang bilis niya kaya nakaka abot siya sa pangatlong crown samantalang ako laging nasa unang crown lanh nakaka abot.

" Andaya naman niyan e ! " Reklamo ko ng manalo nanaman siya sa akin.

" Oy ! Walang madaya ah ! Sadyang hindi ka pa magaling " Pagpapagaan niya ng loob ko.

" Laging ikaw nananalo, bakla ata phone mo e ! " Depensa ko.

" Ito naman, magdownload ka sa phone mo para masanay ka " Sabi niya at inakbayan ako.

Natigil kami sa paghaharutan ng bumukas ang pinto at pumasok ang prof namin sa Phil Lit. Nagtatakang tumingin siya sa amin.

" Mr. Garcia and Ms. Villafuentes " Sabi niya.

" Po ? " Sabay na bigkas namin ni Jess.

" Are you a couple ? " Tanong niya, umiling ako. Hindi pa naman kami ah ? Sa pagkaka alala ko nanliligaw pa lang siya.

" Then why is Mr. Garcia nodding ? " Tinignan ko ang katabi ko pero nagiwas siya ng tingin habang may nakakalokong ngiti.

" Jess " Bulong ko. Tumayo siya at tumikhim.

" Nanliligaw pa lang po Mam " Sabi niya at tumango ako.

" I see, you look good to each other " Sabi ni Mam at napanganga ako. Yung totoo ? Nagpalit ba siya ng subject na itinuturo ? Kailan pa nagkaroon ng Love na subject ?

Tumango na lang ako kahit naguguluhan ako, nagdiscuss lang si Mam. Syempre nakakahiya naman sa katabi ko na tahimik na nakikinig sa kwento ni Mam.

" Tungkung langit is a very responsible man, that despite of Alunsina'sselfishness and laziness he was able to love her " Pagpapaliwanang ni Mam. Love nga naman, kahit ano o kahit sino walang pinipili e.

" But because of Alunsina's jealousness she sent sea breeze to spy on his husband "

" That's why Tungkung langit got angry and they have quarrel, Alunsina left Tungking langit and still she never came back "

Tumango ako at tinignan yung katabi ko, nakapangalum baba siya habang nakikinig sa Prof namin na nagke kwento sa harap. Napangiti ako, nakakatunganga lang to e.

Ang gwapo talaga ng katabi ko, his eyes, his perfect nose, and natural pink lips. Ang sarap lang sa pakiramdam na dinadaan pa ako sa ligawan nito. Kung sabagay sino nga ba ako para idaan pa sa ligawan nito, kay gwapong nilalang. Kung sa iba pustahan tayo isang minuto lang Girlfriend na niya,ako pa kaya ? Ang swerte lang.

Ngayon pa lang nai imagine ko na ang future ko sa nilalang na ituu. I mean I never been like this. Love is'nt my thing since birth promise ! Kasi nako kornihan ako, tapos feeling ko ang pangit pakinggan but this person made me realize that falling in love is'nt a bad thing at all. Yieee.

" Ms. Villafuentes, hindi mo ata maalis ang tingin mo sa katabi mo ? " Nagising ako sa pagkakatunganga ko ng may pumindot sa ilong ko.

" Can't take your eyes off me ? "

Tomboy meets GayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon