Chapter 17

1.6K 55 0
                                    


It's been a long day, kung san sang barangay kami nakarating ni Jade. Mainit, Pawisan, Gutom at Pagod yan ang naramdaman namin ni Jade ngayon. At eto nga papunta na kami sa last destination namin.

Nagcommute lang kami ni Jade. Bus, taxi, jeep at tricycle na ang mga nasakyan namin. Grabe amoy araw at pawis na kami.

" Jade last na to ah kaya natin to " Sabi ko sa kanya. Kanina pa daw kasi siya nahihilo. Wala naman akong magawa kasi kailangan talaga namin gawin to.

" Okay na ako, ako na kakausap sa huli nating pupuntahan " Sabi niya. Tumango ako. Pag kasi siya ang kumakausap bumibigay kaagad e kapag sa akin kailangan pa ng mahaba habang usapan.

" Para po !! " Sigaw ni Jade at bumaba na kami ng Jeep.

Naglakad lang kami ng kaunti hanggang marating namin ang tanggpan ng congressman.

" Goodafternoon sir " We said. Tinignan niya kami mula ulo hanggang paa. Manyak.

" Goodafternoon Ladies " He said. Lalapit sana si Jade pero pinigilan ko siya. Naguguluhan siyang tumingin sa akin.

" Ako na manyak to e " Sabi ko sa kanya. Tumawa siya ng mahina at hinampas pa ako sa braso.

" Goodafternoon sir. We are from Saint Claire Parish University " I said.

" Bakit kayo nakarating dito ? " Marahan kong iniabot sa kanya ang papel.

" We're just asking for some donations for our project "

" For what ?"

" For the outreach program po "

" Para sa simpatiya ng iba huh " Sabi niya.

" Mayayaman naman kayo bakit pa kayo nanghihingi ng donasyon saming mga mahihirap ? " Sabi niya.

" As you say sir mayayaman kami, pero hindi po lahat kami ng nagaaral sa SCPU ay may kaya. Kaya nga po ginagawa namin ito para po makatulong sa iba"

" Then --

" at hindi po namin to ginagawa para sa simpatiya ng iba, kung nakikita niyo po diyan. Ang school at kahit mga magulang namin ay hindi tumulong para sa proyektong ito. Kami lang po na mga kasapi ng Photography club ng SCPU ang nagpumilit nito upang makatulong sa iba "

" Bueno kagaya nga ng sinabi mahirap lang kami so mas kailangan namin ng tulong niyo at hindi niyo kailangan ng donasyon --

" Mukang wala na po tayong dapat pagusapan dito, nagaksaya lang po tayo pareha. Maraming salamat po sa mapanliit na salita nabusog po kami yun lamang po salamat " Sabi ko hinablot ko sa kanya ang papel at tumalikod na.

" Abat --

" Ako nga po pala ang APO ni David VILLAFUENTES at ANAK ni Ace VILLAFUENTES " Sabi ko ng may diin at tinalikuran na siya. Well baka takutin niya kami e inunahan ko na siya.

" Kailangan mo ba talagang sabihin yun ? " Tanong sa akin ni Jade habang naglalakad kami.

" Kung hindi natin gagawin yun babastusin niya tayo baka hindi pa tayo makalabas ng Birhen dun sa office niya " Sabi ko at pumara ng Jeep.

" Balik na tayo sa school alas singko na oh " Sabi ni Jade.

" Oo nga e baka nandun nandin sila " Sabi ko.

" Cr lang ako RJ ah " Tumango lang ako kay Jade. Umupo muna ako sa isang bench.

Nagmuni muni lang ako. Nakakapagod tong araw na to. Partida ah first day palang paano pa kaya ang second and third. Hayy.

" Here " Tinignan ko kung sino ang sumira ng pagmumuni ko. Siya nanaman po. He gave a cup of Nestle ice cream.

" I don't like sweets " I said. Totoo ayoko sa matatamis mas gusto ko pa ang maasim.

" Hindi naman masamang ipakita mo minsan na sweet ka wala namang mawawala e " Sabi niya at binuksan ang Ice cream niya. Ganun din ang ginawa ko.

This is not the first time na titikim ako ng Ice cream actually it's my second time promise. Chocolate flavor. Sumubo ako ng isa masarap nga. May ipagtatapat ako sa inyo kaya hindi na ako kumakain ng Ice cream and sweets kasi nagkaroon ako ng tonsilitis noon at sinabayan pa ng sakit sa ipin kaya natakot na akong magkaganoon ulit. Mashaket kaya. Hihi

" Magkano nalikom niyo ? " Tanong niya. Iniabot ko sa kanya ang sobre.

" Sorry yan lang e " Sabi ko. Kung hindi lang talaga ako ang humarap siguro hindi din ganito kaliit yung nalikom namin.

" It's okay " He said.

" Oy teka !! " Angal ko hablutin ba naman ang bag ko. Taka niyang binuksan ang bag ko.

" Ano to camping? " He said while laughing. Kinuha ko sakanya ang bag ko.

" Tse ! Palibhasa hindi ka inaasikaso ng Nanay mo !! " Sigaw ko. Kinuha niya uli sa akin ang bag ko at kinuha ang towel dun.

Bigla niya akong pinunasan sa muka dahilan para manigas ako, sunod sa leeg  sheet ano tong nararamdaman ko ? Bakit ganito.

" A-a- ako na ! " Hablot ko sa kanya ng towel.

" One day you'll let me do that to you " Sabi niya na bahagyang ikinatingin ko.

" Tse ! In your dreams !! " Sigaw ko.

" Ayiieee Pres ah !! " Biglang sulpot ng mga kasamahan namin. Iniabot muna nila yung mga sobre kay Jesse at nagsiupo.

Ay yung sandwich ni Mama. Binuksan ko uli yung bag ko at inilabas yung pagkain. Inabot sa kanila yun. Isa isa silang nagpasalamat tango lang naman ang binalik ko. Pagkatapos nun ay bumalik na uli ako sa pagkakaupo ko.

Takang tinignan ko yung relo ko. 5:30 na ah bakit wala pa si Jade ?

To: Jade

Bruha ka asan kana ?

Sent ✔

* Bzzzttt *

From: Jade

Umuwi na ako. Nagagalit na kasi si Papa e sorry :(

Sabi niya nilagay ko na lang uli ang phone ko sa bulsa ko. Nagtataka lang ako. Imposibleng hindi alam ng Papa niya na nagsolicit kami kasi lagi naman siyang nagpapaalam. Tsaka hindi marunong magalit Papa niya kasi nagi isa lang siyang anak ? So bakit siya magdadahilan ng ganun ?

Tomboy meets GayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon