" Nakakainis nakakainis nakakainis !! " Singhal ko sa sarili ko. Napahiya kaya ako, masyado kong minamahal yung mukha ng katabi ko kanina." Ano nanamang pakulo yan, Rj ? " Tanong ni Jade, nag cr kami pagkatapos ng klase and since naiinis ako kay Jess na lumaki ata ang ulo nalaman lang na tinititigan ko siya.
" Wala " Sabi ko tapos lumabas na, vacant ang pagkatapos ng klase namin kaya dumiretso na kami sa Tambayan.
At dahil pare parehas kami ng kinuhang schedule e, ito sila lahat present sa harap namin at nagkukulitan. Ano pa nga bang aasahan mo sa mga yan ? Edi yan tss.
Naupo ako sa damuhan, at kinalkal yung dslr ko. Si Jess ? Malay ko dun baka nagliliwaliw.
" Rj, nakita mo na yung bulletin ? " Tanong ni Yesha saakin habang naglalaro sila ng bato bato pik ni Liam. Umiling ako kahit hindi niya nakikita.
" Mands, pakibato nga kay Rj yung school paper " Utos niya kay Mandy na sumunod naman at ibinato sa akin yung school paper.
Tinignan ko ito at kusa akong napangiti, kuha namin ni Jess habang naglalakad kami sa parking papuntang school. " THE SWEETEST COUPLE " yung headline, at yung picture ay yung, nakahawak siya sa balikat ko habang nakahawak yung isa niyang kamay sa dalawang bag namin, tapos may isa pa habang nasa room kami. Magkatabi kami, hawak ko yung phone niya at nakakurot siya sa ilong ko habang hawak ng isa kong kamay ang kamay niyang kumukurot sa ilong ko.
" Sinong kumuha nito ? " Tanong ko habang hindi maalis yung tingin ko sa dyaryo habang nakangiti.
" Sino pa ba edi ako ! Ako ang susubaybay sa love story niyo ! " Masayang balita ni Jade. Ngumiti ako sa kanya at isinilid sa bag ko yung dyaryo.
" May kuha pa ako niyan sa camera ko ? Gusto mong kunin ? " Tanong niya sa akin, tumango ako.
" Asan nga pala si Jesse ? " Tanong niya. Nagkibit balikat ako.
" Baka nagliliwa -
" Hi Myloves ! " Okay, diba ? Hindi ko pa natatapos sinasabi ko nandito na siya ?
" San ka galing ? Bakit pawisan ka ? " Nagtatakang tanong ko ng tignan ko itsura niya. May dala siyang tatlong paper bag ng jollibee tapos pawisan pa siya.
" May gumahasa sayo ? Ang bongga ah ! Nilibre ka pa ng Jollibee penge ako ! " Natatawang sabi ko habang kinukuha sa kanya yung isang paperbag sa kanya.
" Anong may gumahasa ! " Sita niya at tinapik yung noo ko.
" Aray ! " Reklamo ko, lumapit siya at minasahe ang noo ko syempre may bonus na halik sa noo. Napangiti ako,
" San kaba kasi galing? " Tanong ko, para kasi siyang basang sisiw. Pawisan kasi siya sobra.
" Sabi kasi ng Kuya mo, hindi daw kita mala lapitan hangga't hindi ko siya binibili ng lunch " Sabi niya at kumagat ng burger. Awtomatikong napatingin ako kay Kuya ng masama.
" Kuya " Kalmadong saad ko.
" What ? " Nakataas kilay na tanong niya.
" Tss " Naiiling na lang ako na bumalik sa pagkain ko.
-------------
Sabado ngayon, at dahil sabado ngayon balak ko sanang tanghali na gumising pero dahil may super gwapo at kulit akong manliligaw na alas otso pa lang e nangungulit na. Ito ako ngayon, nasa pool pinapanuod sila Kuya maligo samantalang ako ? Ito antok na antok dito.
" Okay ka lang ? " Tinignan ko siya ng masama, hello ! Muka ba akong okay ? Inaantok pa ako !
" Inaantok pa ako Ahhh !! " Tili ko nang may nagtulak sa amin parehas sa pool.
" Oh my god ! " Sigaw ko at humugot ng hangin. Dun ko narealize na nakayakap pala ako kay Jess na tuwang tuwa naman.
Bumitaw ako sa kanya which is a wrong move kasi hindi pala ako marunong lumangoy maya no choice kundi ang kumapit uli sa kanya.
" Alam mo ikaw tsansing ka ! " Anas ko sa kanya, nakayakap po kaya siya sa akin.
" Hindi kaya " Sabi niya habang hindi maalis ang ngiti sa labi.
Nilapit niya ako sa ibabaw ng pool at pinaupo sa gutter, habang siya nakatayo sa tabi ko kasi nasa pool pa din siya.
" Naaalala mo yung sinabi ko sayo dati ? " Tanong niya, tumingin ako sa kanya.
" Ano ? Wala akong maalala ? " Naguguluhang tanong ko.
" Yung every minute, every hour and every day of my life, I'm thinkng of you. Totoo yun " He sincerely said. Sheet yung puso ko lalabas na ata sa dibdib ko sa lakas ng tibok.
" Alam mo basketball player ka nga " Sabi ko
" Bakit ? " Nagtatakang tanong niya.
" Bolero mo e ! " Natatawang sabi ko, kinurot niya ako sa paa na nakalublob sa tubig.
" Ah ganon " Sabi niya ng may nakakalokong ngiti. Sinabuyan niya ako ng tubig kaya sinabuyan ko din siya ang ending nagsabuyan kaming lahat.
" Oh oh ! Anong kalokohan yan ? " Nanigas ako ng marinig ko ang boses na yun. Naiwan pa ngang nakabukas yung bunganga ko e.
" Pa !! " Sigaw ko at lumapit sa kanya. Ilang araw din kasi siyang nawala, dahil sa business trip niya sa New York. And before siya umalis nagkaroon pa sila ng away ni Mama kaya hayun si Mama ginawang stress reliever ang pagluluto.
" Hoy Jesse ! Baka nakakalimutan mong hindi ka pa sinasagot anak ko ? " Mataray na saad niya kay Jess na natigil sa kinatatayuan niya. Aba ! Natakot ang gago. Haha Buti nga.
" O-opo " Nakayukong sabi niya.
" Where's your Mom ? " Tanong niya sa akin at inakbayan ako.
" Ayan pa lagot ka ! Ano ? Na Bagansya ka ni Mama noh ? Kulit mo kasi " Natatawang asar ko. Nung isang araw kasi hindi siya pinapasok ni Mama sa bahay dahil lasing. Ni kumot at unan hindi siya binigyan.
" Silly, sige na at mag enjoy kayo " Sabi niya habang ginugulo ang basa kong buhok.
" Hoy Jesse ! Yung anak ko ah ! Maghahalo ang balat sa laman " Sabi niya, naguguluhan ako. Maghahalo ang balat sa laman ? Diba dapat maghahalo ang balat sa tinalupan.
Naiiling na umupo ako sa tabi ni Jess na busy sa pagtipa sa cellphone niya. Naka kunot ang noo niya at nakanguso. Oh my ! Ano bang ingredients sa paggawa ng magandang lalaki ? Kasi sobrang gwapo lang nitong mokong na katabi. Gosh ! Nanlalambot yung paa ko and any moment malapit na akong mahulong ng malalim sa lalaking ito.
At kung mahulog man ako, sana handa siya na sumalo kasi parang hindi ko kayang maramdaman yung nararamdaman nila sa twing naiiwan. Ayokong masaktan.
BINABASA MO ANG
Tomboy meets Gay
Teen FictionBata palang ako yung love love na yan tinatawanan ko lang. Hindi ako naniniwala na may Love na nage exist sa puso ng mga tao. Pero naniniwala ako na ang love katha lang ng isip ng mga tao. Until I met him.. He made me feel that love is the most sav...