Maaga akong pumasok para maiayos yung inuutos ng magaling naming Presidente.
I texted them na magkikita kami sa quarters at exactly 7 am." Guys gather 'round " I said. Kaagad naman silang sumunod, mabuti naman at marunong silang sumunod kasi kung hindi sila ang papakuin ko mamaya !
" Okay, goodmorning. Today we'll start the exhibit. Ngayon kailangan nating ayusin yung paglalagyan ng pictures okay " I said they all nodded.
" So boys, in charge kayo sa pagpapako at pagpipintura. Girls, kayo yung bahala sa pagpapaganda, ng exhibit hindi ng mga muka niyo "
" Okay, Leggo ! "
Sabay sabay kaming lumabas ng quarters, sinama ko sa akin si Darryl at Francis para kunin yung kahoy na pinadala ko kanina pati pintura.
I sighed this is really is it is it !! Kailangan makalikom kami ng medyo malaking pondo para sa outreach.
Pinanuod ko sila, lahat kami nagtutulungan. Paano kaya kung nandito siya ? Siguro hindi ako makakagawa kasi sobrang kulit niya. I smiled at that thought, ganyan kalakas ang epekto niya sa akin
" Iniisip mo siya ? " Tanong ni Jade sa tabi ko habang nagpipintura. Tumingin ako sa kanya at umiling.
" Baka naman " I said.
" Tss Okay sabi mo e " Naga asar na sabi niya.
" Alam mo Jade wala naman sana akong pakialam e, kaso nai insulto ako e alam mo yon ? Yung aalis siya ng isang linggo without telling anyone then babalik siya na parang hindi ka niya ulit kilala. Nakaka.... gago " Sabi ko ng puno ng hinanakit, Oo e. Nakakagago yung ginawa niya.
Before kung makaharot siya sa akin akala mo wala ng bukas, ngayon kung makalayo siya akala mo may sakit ako. Mga lalaki nga naman talaga e noh ? Makalandi akala mo kayo na pero pag na fall ka hindi ka na kilala. Mga siraulo nakakaasar.
" Wala naman akong magagawa e " Kibit balikat na sabi niya, Tss lagi naman e.
Tinuloy ko yung ginagawa namin. Kami na lang yata yung College na wala pang booth e, kasi lahat mayroon na. Halos mapuno nga ang ground e, may stage pa para sa Battle of the bands. Natawa ko, para saan ba tong ginagawa ko. Para sa akin ba to ? O para mapansin niya ako ? Hindi ko na alam, basta ang alam ko. Namimiss ko siya That's all.
Ako na muna ang pumalit sa pagpapako, kasi sila Darryl tinutulungan yung gurls na isabit yung designs.
" Hi ! " Hindi ako pwedeng magkamali sa boses na yon, natatabunan siya ng tunog ng pagpukpok ko pero kabisado ko yun. He's voice is like music to my ears.. Corny.
" Sh*t ! " Yung totoo ? Kailan pa naging pako ang daliri ko ? Ang tanga lang, diba ? Dahil sa mga iniisip ko, napukpok ko sarili ko.
" Ahh ! " Sigaw ko ng may inis at sakit, sh*t ang bobo ko. Sh*t ang sakit pala nito.
" What happened ? " Feeling ko nawala yung sakit na nararamdaman ko ng marinig ko yung boses niya. Hinawakan niya ang kamay ko, gosh how I missed him holding my hands. I sighed and faced him.
" Okay lang sanay na, Hmm Jade samahan mo naman ako " Sabi ko at umalis sa harap niya. Ito nanaman maguumpisa na naman ako, sa panahon kung kailan hindi ko siya kilala at wala akong nararamdaman sa kanya.
Pumunta kami ng clinic at nanghingi lang ng band aid, wala lang trip ko lang lagyan ng band aid kahit walang sugat. Parang ako akala mo okay kahit yung totoo hindi naman talaga. When you're inlove, you're the best actress too, right ? Nagagawang mong magpanggap.
Isa isa kong nilagay yung mga masterpieces namin, Yeah masterpieces kasi pinaghirapan namin yun e. And I'm proud of it. In no time ang dami ng pumipila sa exhibit namin, syempre si Darryl at Francis kaya ang nagbe benta ng ticket. Tawa nga kami ng tawa ng may naghingi sa kanya ng Kiss tapos todo ayaw siya, maganda yung babae kaso parang ayaw niya talaga e. Pag ibig nga naman oh, nagagawa kang pagbawalan gawin yung mga ginagawa mo dati.
" I can't believe na ganito pala kadami ang naniniwala sa talent natin " Sabi ko sa katabi ko habang nakatingin sa mga nakapila nang nakangiti.
" Yeah "
" Kanina ka pa diyan ? " Nagtatakang tanong ko, kasi sa pagkaka tanda ko si Jade ang katabi ko hindi siya. Bakit hindi ko naramdaman yung presence niya ? Asar !
" Yes " Pormal na sabi niya, nakalagay yung mga kamay niya sa dibdib niya at yung tingin niya nasa mga tao.
" You know what ? I can never be this happy " He said. What is the meaning of this ?
" What ? " Umilling siya kaya ibinalik ko ang tingin ko sa mga tao.
Ilang minuto pa kaming naghintay bago tuluyang buksan yung exhibit na tinayo namin, nakita ko na din ang unti unting pagdami ng tao dahil paggabi na.
Bago tuluyang magdilim naubos yung ticket na ginawa namin at masasabi kong naging maganda naman ang ginawa namin. Kumain na din kami at pagkatapos nun nagkaya yaan kaming maki enjoy sa mga tao sa ground.
Pero dahil isa akong dakilang tao, nanatili ako dito. Ako ang nag ayos ng mga photos na ginamit namin kanina, ako na din ang nagligpit ng pinagkainan namin.
Nasa gitna ako ng paglilinis ng makita kong bukas ang pinto.
" Sinarado ko to ah " Sabi ko at isinarado ang pinto.
Nagpatuloy ako sa pagwawalis ang pagsasalansan ng mga ginamit namin. Ganito ako kasipag kapag nasa school ? Pero kapag sa bahay wala. Kasi may mga katulong naman bakit ka pa magpapa pawis diba ? Ganyan ako hangga't may tutulong wala akong gagawin pero kapag wala dun ako gagawa. Baliw noh ?
And the next thing I knew yakap na niya ako, hindi ko alam pero nagulat din ako. Ang natatandaan ko nakatayo ako sa gilid ng lamesa tapos bigla niya akong hinila at niyakap, nadukdok ang muka ko sa dibdib niya at masasabi kong napaka bango niya.
Namiss ko yung panahong niyayakap niya ako at inaakbayan.Ramdam ko ang bigat ng paghinga niya, nagtaka ako. Anong meron ? May problema ba siya ? Sinabi ba niya sa inyo ? Chika niyo naman sa akin oh para kahit paano may alam ako.
" I will be dating Queenie " He said. Teka naguguluhan ako, diba iniiwasan niya ako ? well hindi naman totally iniiwasan pero yun ang nararamdaman ko.
" Bakit mo sinasabi sa akin to ? " Naguguluhang tanong ko, kahapon lang ipinahiya niya ako sa tropa ah. Ngayon okay na ? Tss
" Para alam mong hindi ako seryoso sa kanya " Sabi niya, pumiglas ako pero hindi niya ako pinakawalan.
" And what does it mean ? Ano bang meron bakit nilalapitan mo ako ? As far as I can remember ikaw ang lumalayo ! " Asik ko kahit nakayakap pa din siya sa akin. Jesse what are you doing to me ! Na Fall na ako e, don't make me fall ...... hard.
" Ssshhh, I want to feel this moment. Me hugging you " Bahagya siyang natawa at base sa paghinga niya, maluwag na. Hindi katulad kanina, pero naramdaman ko ang pagyugyog ng bandang balikat niya.
Don't tell me umiiyak siya ? Teka naguguluhan talaga ako. Bakit siya iiyak e hindi ko naman siya sinaktan, ano bang mabigat na dinadala niya ? Wala na yatang mas gugulo pa sa mga susunod na sinabi niya, bago ko maramdaman ang halik sa noo ko at madinig ang pagsarado ng pinto.
" Myloves, I missed you. I really really really missed you "
BINABASA MO ANG
Tomboy meets Gay
Novela JuvenilBata palang ako yung love love na yan tinatawanan ko lang. Hindi ako naniniwala na may Love na nage exist sa puso ng mga tao. Pero naniniwala ako na ang love katha lang ng isip ng mga tao. Until I met him.. He made me feel that love is the most sav...