Jesse's POVHi everyone :-) syempre part ako ng storyang ito so tama lang na magkapov ako right ?
" Ma ! Wag niyo ng ipilit ! " Sigaw ko sa Nanay ko na prenteng nakaupo sa sofa. She raised a brow at me at tinignan ako ng masama.
" What ? Susuwayin mo ako para lang sa kanya ? Muka atang nahuhumaling kana ? And that's ......... good, gawin mo ang napagplanuhan at pwede mo ng gawin ang kahit anong gusto mo. Pwede ka nang bumalik sa France if that's what you want. Just do what we plan get it ? " She said ng hindi man nagtataas ng tingin. Naiiling na kinuha ko yung susi ko.
" You're unbelievable Ma ! I hate you ! " Huling sabi ko at iniwan siya sa bahay, I don't understand why Mom wants me to do this ?
Lumabas ako ng bahay at padabog na sinarado ang pinto.
" Fvck ! " I hissed at tinapon ang susi ng kotse ko. Tang ina namang buhay to o !!
Ayoko na ! Suko na ako sa Nanay kong may sira sa ulo ! Napaupo ako sa kinatatayuan ko kasabay ng pagpatak ng luha ko. Bakit kailangan pang gawin yun ?
" What now huh ? Iiyakan moko ? " Napatingin ako sa pintuan then I saw my Mom glaring at me.
" Mom please stop this nakikiusap ako " I begged, hindi ko talaga kaya. Ayoko
" No ! Bakit ba sinusuway moko ! " Sabi niya at binigyan ako ng isang malakas na sampal.
" That's it, I'm done ! " Sabi ko, pumasok ako muli sa loob ng bahay.
Dumiretso ako sa kwarto ko at kinuha yung pinakamalaking maletang meron ako. Inimpake ko lahat ng damit na meron ako, uuwi na ako. Kung saan ako dapat, ayoko na !
" What ? Aalis ka ? Pupunta ka sa babaeng yon ! Go ! " She said. I sighed at binuhat ang maleta, nilagpasan ko siya palabas ng kwarto.
" Hello Pa " I dialed my Dad's number bago sumakay sa kotse.
" Yes nak ? "
" I want to go back to france, now. For good " I said.
" Why ? Bakit biglaan ? "
" I can't stand Mom anymore ! Ayoko na ! Pinilit ko Dad pero, ayoko na ! Bullshit !! " I shouted at pinalo ng kamay ko ang steering wheel. I heard a sigh on the other line.
" Fine, pero wag ngayon. Stay there for maybe 2 weeks. Please "
" Dad I won't stay in this house ! I won't stay in hell !! " I shouted, Oo ganyan kami ng Tatay ko. Sa Nanay ko lang talaga ako hindi close, I hate her she hates me. Fair right ?
" A'right, I'll come home tomorrow. I'll talk to your Mom " He explained, Umiling ako.
" I don't need you to talk to her ! I want you to take me away from this house ! From Mom ! Dad please ! " I begged, ayoko na talaga dito. Aalis na ako, sounds gay right ? Lumaki ako sa Tita ko. Siguro once in a blue moon ko lang makita si Mommy then si Daddy naman pasalubong lang and minsan dumadalaw dalaw.
Mabait si Tita Claire, She taught me how to be brave kahit wala ang mga magulang ko sa tabi ko. Sabi ni Tita, Mom had her nervous breakdown daw kaya kailangan niya munang ipa therapy. Hanggang sa umuuwi ako nagbe breakdown pa din si Mommy pero hindi na tulad ng dati. Dad told me how he love Mom, na kahit gusto akong ipalaglag ni Mommy pinigil niya kasi Mahal niya si Mommy. At mahal niya ako.
I sighed, I remember that time. That time she almost killed me..
Flashback
I heard a sound sa kitchen kaya nagpunta ako.
" Mom ? " I asked, but there's no one here.
" You ! Ikaw ! Ikaw ang sumira ng buhay ko ! " She shouted, Nanigas ako sa kinatatayuan ko ng makita ko siyang may hawak na bote.
" Mommy ... " I tried to reached her but she walked backwards. Nagtatakang tinignan ko siya.
" Don't touch me ! You're not my son ! Ayoko sayo ! " Again itinaboy niya ako, binasag niya yung bote sa mismong harap ko kaya nalaglagan ang paa ko at tumalsik ang iilang bubog sa muka ko. I was thankful then na hindi tumalsik sa mata ko dahil kundi baka bulag na ako ngayon.
" Waaaahhhh. Mommmmyyyy ! Daaadddyyyy ! " I cried pero nagpatuloy siya sa paglakad sa akin palayo. Naglakad ako papunta sa kanya kaya dama ko ang bubog na natatapakan ko.
" Mommmyy *sob* save me please ! Mommmyyy ! " I shouted at halos maubusan ako ng boses katatawag sa kanya, but she never came back.
" Mommy ! " Bulong ko, nanatili akong nakatayo sa pwesto ko kung saan mismo binasag niya ang bote.
I looked at my foot at napupuno na ng kulay ng dugo ang paa ko, nakakaramdam na din ako ng hilo.. Tinignan ko yung pintuang nilabasan niya. She left me, My Mom left me when I'm here dying....alone.
I cried and cried and cried hanggang sa nandilim na ang lahat....
End
" Okay okay, relax. Stay at my condo for 2 weeks and I'll talk to your Mom okay ? Relax " He said.
" Okay Dad " I said at tinapos na ang tawag.
Nagdrive ako sa condo ni Dad na medyo malayo sa impyernong yon. I won't come back anymore. Not now, not ever.Inayos ko ang gamit ko at umupo sa sofa. Ano bang dahilan kung bakit galit na galit sa akin si Mommy ? Dad never told me about their past. Ang alam ko lang there is a guy named Ace, na humaling na humaling si Mommy. Then she wants me to do this. To break someone's heart. To break her heart.
Umiling ako, Ano ba ang dapat kong gawin ? Sundin si Mommy ? O ang puso ko ? Yes, I do love her. Love at first sight I guess but I'm sure na kapag hindi ako lumayo, masasaktan siya.
Ang bakla ko noh ? Hindi ko alam kung ano at sinong haharapin ko. Natatakot nanaman ako. Well this is life, this is my life. Is it easy to be me ? No. Hell no ! Nagmahal ako sa babaeng gustong saktan ng Mommy ko. Alam kong hindi ako ang may pinaka malaking problema, pero alam kong isa palang to sa paghihirapan ko. Dahil kung mananatili akong nagtatago dito, mabubuwag ang mundo ko. At kahit gaano ko pa kagustong makita siya alam kong hindi pwede kasi kapag ginawa ko yun....
Baka hindi ko na kayang iwan pa siya.
BINABASA MO ANG
Tomboy meets Gay
Novela JuvenilBata palang ako yung love love na yan tinatawanan ko lang. Hindi ako naniniwala na may Love na nage exist sa puso ng mga tao. Pero naniniwala ako na ang love katha lang ng isip ng mga tao. Until I met him.. He made me feel that love is the most sav...