Sunshine

3.3K 146 8
                                    

Jade's

It's been a week since yung nangyari samin ni Althea sa rooftop.

Wala mang nagtatanong samin kung kami na ba talaga, pero malinaw pa rin saming dalawa na nagmamahalan kami.

Na ikwento nya sa akin kung anong buhay nya dati, at sobrang saya ng damdamin ko nang malaman kong ako ang dahilan kung bakit sya nag bago.

Kakaiba raw kasi ako tumingin. Nahahatak ko raw sya kahit wala naman akong ginagawa.

"Gusto kong maging bagay tayo.." she said.

"Ayoko naman sabihin ng iba na ang talitalino ng girlfriend ko, tapos ako ee mukhang ewan."

Natigilan pa sya sa salitang girlfriend pero nginitian ko lang sya.

Kahit pa walang confirmation na kami na, pakiramdam ko girlfriend nya na ako at gusto ko ang pakiramdam na yun.

Tinotoo nga ni Althea na gagalingan nya sa gawain sa school.

Naka rinig ako ng usapan sa G.E. Faculty na pinag uusapan ang isang baguhan na estudyante na laging nag iistand out.

Hindi nga ako nagkamali dahil binanggit nila si Guevarra.

I felt proud. Meron kasing mga times na sabay kaming nag aaral sa Condo ko o sa kanya.

Kapag may tanong sya, naka kunot pa ang noo nya habang nagttanong. Eager to learn new things.

Kapag naman nirereview ko sya, lahat ng tanong ko nasasagot nya.

Taas noo nyang sasabihin:
"Ang galing ko no?"

Sa mga kwento nya sakin, parang ayokong maniwala na pasang awa lang sya dati.

Dahil to be honest, konting aral lang kaya nya na.

Samantalang ako, nagkakanda duling duling.

Kayo mas lalo akong naging proud sa kanya. At lalong lumalim ang pagmamahal na nararamdaman ko para sa kanya.

"Bagay na ba tayo?" bigla na lang syang magtatanong.

"Pero wag muna, kailangang maging dean's lister din ako."

Natawa kami pareho.

"Gusto ko ang self confidence mo." isasagot ko sa kanya.

Kung alam nya lang, matagal na akong impress sa kanya simula pa nung sinabihan nya si Dave na makapal ang apog nito.

Hindi ko alam kung anong nangyari sa kanila para masabi nya yun. Kapag tinatanong ko si Althea, kibit balikat lang ang sagot nya.

,

Andito ako ngayon sa SC office, gumagawa ako ng seating arrangement para sa fieldtrip sa susunod na araw. While si Sally ang mag aayos kung sinu sino ang magkakasama sa room.

Tinutulungan ni Batchi si Sally sa pag aayos.

Marami kasing studyante ang nakikiusap na magsasama silang magkkaibigan.

"Ahm Sec?"

"Po? Pres."

hindi ko alam kung paano itatanong kay Batchi kung nasan ngayon si Althea.

Pero parang na basa nya sa mukha ko kung ano ang sasabihin ko.

"Kasama po ni Wila. Sa canteen." she grinned at me.

Namula tuloy ako sa hiya.

"Oh." yun na lang yung naisagot ko sa kanya.

"Uhm Pres, mawalang galang na pero anong real score sa inyo ni Althea?" Direktang tanong ni Batchi.

I knew it was You {JaThea}Where stories live. Discover now