Althea's
"Okay na ba kayo mga bata?" Ngiti sa amin ng Mommy ko.
Naiiyak ako kasi, napaka buti nya talagang tao, asawa at lalo na bilang magulang.
"Naipaliwanag ba sa inyo ni Felix ng maayos?" Dugtong nito at Tumango si Jade.
"Ayos ka lang ba anak?" Tumingin sya sakin.
"Ayos, Ayos na ayos Mama." Tapos niyakap ko sya. "Napaka buti mo po talaga. Maswerte ako kasi ikaw ang Mama ko."
"Aww, ang baby ko umiiyak." Hinaplos nya ako sa buhok. "Felix, anong ginawa mo sa binata natin? Bakit sya umiiyak?"
"Hala? Binata?!" I exclaim
Natawa sila Jade.
Nataranta si Dad at napakamot ng ulo.
"Ah eh,"
Natawa si Mom.
"Hali na kayo sa loob, mag hapunan na tayo." Humiwalay ako sa pag kakayakap sa kanya.
"Jade hija, pasok?" Ngumiti sya kay Jade at niyakap rin to.
Susunod na sana ako sa kanila sa paglalakad ng hinawakan ako ni Dad.
"Anak, halika. Mag usap muna tayong dalawa." He said gently.
Umupo ako sa tapat nya.
"I'm sorry."
"Dad?" Hindi naman na nya kailangan mag sorry, lalo na sa kwento nya kanina.
Napatawad sya ni Mama sa pagiging..alam nyo na. Pero tinanggap pa rin sya.
Ako pa kaya? Eh, anak lang naman ako.
Pero may kulang ee, so I let him..
"I'm sorry anak, I'm sorry for being so hard on you."
"Bakit nga ba kasi Dad? Akala ko tuloy noon, hindi nyo talaga ako anak ni Mommy. Na, ampon lang ako.
Sa aming magkakapatid, ako lang napag buhatan nyo ng kamay na parang you didn't feel sorry after."
"Anak, gusto ko lang na magising ka na mali lahat ang desisyon na ginagawa mo."
"It's wrong to be? Gay?" I raise a brow at him.
"Yes. No"
"Why?"
"Yes, because I experienced to be bullied because of it. Masaktan ng sobra, madurog. Ayoko lang maranasan mo yun anak. Natatakot ako para sayo."
"But Dad its for me to handle, ako dapat ang mamroblema nyan, hindi kayo."
But still, he continued.
"Alam mo ba, muntik pa ako iparape ng lolo mo sa isang GRO sa sobrang kahihiyan sakin?"
Nagulat ako sa sinabi nya na yun.
"I fell inlove with the same sex, na inlove lang ako pero bakit ganun? Mali bang mag mahal? Tinanong ko ang sarili ko ng mga ganun dati."
He paused for a moment.
"Bakla! Salot! Malas ka! Ikaw ang kahihiyan namin! I'm so disappointed in you!"
Sunod sunod nyang sabi sakin.
Akala ko sakin nya sinasabi.
"Lahat sila yun ang sinasabi sakin, kahit hindi ko kakilala.
Ang sakit, Althea. Wala akong kakampi.
Pasensya ka na anak kung umayaw ako sa pagiging ganyan mo. Inisip ko lang na yun yung makakabuti sayo.
Akala ko lang.." Bigla syang nag punas ng mata.
![](https://img.wattpad.com/cover/50275081-288-k797370.jpg)
VOCÊ ESTÁ LENDO
I knew it was You {JaThea}
FanficThe Best Love Story is when you fall in love with the most unexpected Person at the most unexpected Time.