Rivals

2.6K 105 3
                                    

Althea's

Isang linggo na simula nung iniligtas ni Joyce si Jade. 3 days na din kaming nagkasundo. Pero asar pa rin ako sa kanya.

Don't get me wrong, I'm grateful. Kaya lang nag selos ako. Naiinis ako kasi dapat ako yung nagliligtas sa girlfriend ko. Dapat ako lang hero nya, ngayon may iba pa.

Atsaka tagos din sakin yung tanong nyang, mahina pa rin daw ba ako? Pati tuloy ako, napapatanong.

Sa pagdating nya, nadagdagan na naman yung karibal ko kay Jade.

Yung Dave, ultimo kapatid ko na si Al. Tapos ngayon si Joyce, na mabait.. na kahit straight na babae.. Bumabaluktot.

"So, you're going to ask Jade sa party nyo sa Mansion?"

"Ofcourse."

"Talaga? Di ka na takot?" Asar nyang tanong sakin.

"Kung matatakot ako ng matatakot, paano kami uusad? Tsaka iba si Jade.

I don't wanna lose her because of that. I can't. I won't. Kaya kahit bugahan ako ng apoy ng tatay ko. I'll fight for her.

Ayoko nang maulit yung nangyari samin ni Kathleen dati. Pagod na akong maging duwag.."

"Sayang.."

"Anong sayang?" Sasapakin ko to eh!

"Akala ko may chance na kami." Seryoso sya sa sinabi nya.

I just nod.

"She's one of a kind. Ipaglalaban ko sya.

Naiintindihan ko kung bakit maraming nagkakagusto sa kanya"

"Iba nga sya, she's too.. she's too nice." Ngumiti pa tong nang aagaw na to! Well, I can't blame her. "So, goodluck. Nasa party nga pala ako, ininvite ako ng Mommy mo. And andun si Papa nun."

"The Vice and The Gov."

"Yes."

"Buti ka pa tanggap nila."

"Hindi din naman naging ganun kadali sa kanila. Alam mo, matatanggap ka rin sa inyo. Kung talagang mahal ka nila, at kung talagang pamilya ka nila."

I Let out a nervous laugh.

"I hope so. Pero.. Hayy! Alam mo naman. Dapat perpekto kami. Jusko! Pati pagtawag kay Mommy ng Mama ipinagbawal. Para san? Para maging sosyal?"

"Malamang. Alam mo naman yun di ba. We're in a higher class family, politician ang Dad mo, dapat intindihin natin yung mga ganun"

Tumango lang ako ulit.

"Gusto ko lang maramdaman na, ordinaryong pamilya kami. Para naman hindi galing sa hirap ang angkan namin."

"Dude, kaya nga galing ee, ibig sabihin dati."

"That's crap! Ayoko lang na parang ang matapobre na."

Hindi na sya sumagot, kasi totoo naman ee. At kung may nakakaalam man ng nararamdaman ko ngayon, sya yun!

"Gusto mo sumama sa bahay ng bestfriend ko?"

"Sige, saan ba yan?"

"Sa Bulacan."

"Basta ikaw magdridrive."

"Tayo!"

"Huh?"

"Motor tayo. Ayokong sumakay ka sa motor ko, magagasgas Hahaha."

"As if naman na pasasakayin rin kita sa Harley ko."

Tinawanan ko lang sya.

,

I knew it was You {JaThea}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon