Hope

2.1K 104 17
                                    

Althea's

Apat na araw ko ng hindi nakikita si Jade.

Ang bigat bigat sa pakiramdam.

"Oh Ate bakit bumaba ka?"

Hindi ko sya pinansin.

"Di ba may sakit ka pa?" Tanong ulit ni Alcris

"Pwede ba Althea, tigilan mo nga yang kaartehan mo. Your so stubborn." Sabi ng Ate ko.

"Bayaan nyo sya. Sya naman ang may sakit ee." Sabi naman ng Tatay ko.

Hindi ko sila pinapansin o tinitignan. Kumuha lang ako ng pagkain at gamot ko.

Kailangan kong maging malakas. Ayokong makita ako ni Jade na ganito kahina.

Kung gusto kong bumalik sya sakin for a hundredth time, dapat malakas ako para lahat magawa ko.

Sana hindi pa sya naaagaw sakin ng kahit na sino man. Hindi ko kakayanin.

Sobrang sakit nung nakita kong hinalikan sya ni Joyce.
Paano pa kaya kung talagang sila na.

Ito ang pinaka kinakatakot ko, yung mawala sya sakin. Alam kong hindi na ako makakahanap ng gaya nya.

She's one of a kind. At dapat, kami lang ang para sa isat isa.

Kaso ako eto, ang bobo bobo. Pinili ang pamilyang wala namang pakialam sakin.

Ni wala manlang nag abalang magabot ng gamot.

Si Mama kasi umuwi ng Mindoro si Alcris pinagagalitan pag lumalapit sakin.

Nalaman ng Tatay ko na may condo ako kaya hindi ako makabalik dun.

Iniisip ko kung paano ako makakatas. Para mapuntahan ko na sya, para hindi na kami ulit magkahiwalay. Para maging masaya na talaga kami.

"Ano bang pinakain sayo ng babae na yun? At pati kaming pamilya mo nagagawa mong hindi pansinin!?"

"Ewan ko ba sa kapatid nyo na yan, ang hilig sa mga babaeng pinipick up!"

"Dad please tama na. Wala naman ng ginagawa si Ate aa."

Hindi ko na matiis yung mga pinagsasabi nila.

"Althea tigilan mo yang kahibangan mo ha! Mukha namang malandi yung babae na yun!"

"Shut up! Shut the hell up!!"

"Althea! Yang bibig mo!" Sabi ng Ate kong akala mo Santa.

"Ikaw! Ikaw ang tumigil at yang bibig mo! Hindi ninyo sya kilala!"

"Why should we? Pera mo lang ang habol nya!"

"Hindi sya katulad ng iniisip ninyo! Matalino sya!"

"Aa, oo nga kaya ka nga nya ginagamit di ba?!"

Pagtatalo naming dalawa ng Ate ko.

"Tumigil ka! Hindi nyo kilala ang taong mahal ko! Hindi nyo ba nakikita? Siya yung nakapag pabago sakin na kahit na sino man sa inyo, hindi ninyo nagawa!"

"Sya lang yung bumago sakin, sya lang nakapagpasaya sa buhay ko ulit. Kaya wala kayong karapatang laitin sya! Kahit na sino man sa inyo, walang karapatan! Dahil pera lang natin ang wala sya pero kung tutuusin mas mayaman pa sya satin dahil sa magandang loob na meron sya!"

Hinihingal ako.

"Hindi katulad nyo! Hindi katulad nating lahat! Puro lang kayo salita! Sana man lang isipin ninyo yung mga tao sa paligid nyo, hindi lang laging sarili ninyo!!"

I knew it was You {JaThea}Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu