Forever? Forever.

2.3K 96 2
                                    

Jade's

Dalawang linggo ko ng hindi nakikita si Althea.

Ang Ate ko kasi, magpamiss daw muna kami sa isat isa.

Jusko, hindi pa ba enough yung limang taon na pagkakahiwalay namin?

Tawag at text lang ang pwede naming gawin ngayon.

Miss na miss ko na sya.

Mag buhay dalaga daw muna kasi ako, bago ako tuluyang ikasal.

Hindi pa ba ako ikinasal? Sagot ko sa kanya.

"Jade, sigurado ka ba? Baka magalit si Althea.."

"Ate naman, wala naman akong gagawing masama."

Nakatingin lang sya sakin.

"Masama bang dumalaw? Tsaka kaibigan ko si David."

"Alright." she sighed. "Walang sisihan pag nabadtrip si Althea."

Tumango ako.

"Jade? Bakit andito ka?"

Nagulat ako sa itsura nya, ang payat payat nya.

Parang may malubhang sakit, tapos naalala ko, meron nga pala talaga.

"Oh, bakit ganyan ka makatingin sakin?"

Napa kurap pa ako ng ilang beses.

"Wag mo sabihing napopogian ka pa rin sakin hanggang ngayon?" Natatawa pa sya.

"Ang kapal mo! Never nangyari yun no!" Biro ko sa kanya.

Mukha naman syang nasaktan, Ooops sorry.

"Hay, alam ko naman yun ee." Lungkut lungkotan nyang sabi.

"Binibiro ka lang eh!"

"Hi Ate! Kamusta po?" Hindi na nya ako pinansin.

"Ayos lang Dave. Ayos ka lang ba dito?"

"Ayos naman po, nakakahinga naman." Ngumiti sya kay Ate.

"Ayos ka lang ba sa mga kasama mo sa loob? Hindi ka ba napapa away?"

"Hindi naman po. Sa pelikula lang nangyayari yung mga bugbugan Ate. Pakiramdam ko nga mas matitino pa sakin yung mga yun." Naka ngiti nya ulit na sagot.

Naaawa ako sa kanya. Loko loko rin kasi.

"Dave bakit ka pumayat?" Tanong ko sa kanya.

"Alam mo na." Kinindatan nya ako. Tumingin samin yung Ate ko. "Alam mo na, hindi masarap pagkain dito. Hindi katulad ng Da Besssst mong luto!" Pambawi nya.

Alam naman na ni Ate lagay ni Dave, kaya lang ayoko ng banggitin yung sakit na yun.

"Nag gagamot ka ba?" Tanong ko ulit sa kanya.

"Uhm? Oo. Kasi libre lang naman yun ee. Pero ganun talaga ee.." Hindi na nya tinuloy. Nagkibit balikat lang sya.

"Ano pala yang mga dala mo?" Tanong nya.

"Mga damit, pagkain at Bible."

"Ah," Tumango sya.

"Pasensya ka na nga pala kung ngayon lang ako ulit naka dalaw.."

Napatingin sakin yung Ate ko at pinandilatan ako ng mata.

Sabi na nga kasing matalik kong kaibigan si Dave!

Natawa si David.

"Ayos lang yun. How's Althea?"

"She's fine."

I knew it was You {JaThea}Donde viven las historias. Descúbrelo ahora