Waiting

2.5K 123 6
                                    

Jade's

"Ano ba? Sino ba yang Kathleen na yan at banggit ka ng banggit?" tanong ni Batchi sa kanya.

Kaya ba binitawan nya yung kamay ko? Confuse pa sya?

"Ex girlfriend ko." sagot ni Althea

"Oh ex mo lang pala ee! Su--"
Naubo sya bigla.
"Ex mo? Ex mo pala bakit pinangangalandakan mo yung pangalan?"
Tapos tumingin sakin si Batchi.

"B-Babe.. hindi sa ganun."

"Okay lang, okay lang.. I trust you di ba?" I half smile

"Babe, wala na sa buhay ko si Kat-- siya.."

Hindi ako makasagot sa kanya. Parang kahit sya hindi sigurado sa dinadahilan nya sakin.

"Ikaw na ang buhay ko ngayon"

Parang sarili nya yung kinukumbinsi nya, hindi ako.

Hindi na ako sumagot. Kasi parang hindi naman ako yung kausap nya, parang sarili nya ee.

"Tara na? Busog na ako ee." Aya ko sa kanila.

"Babe.."

"Althea, okay lang.. Batch, kain lang kayo.. Una na ako."

Pinipigil ko yung luha ko, hindi naman kasi malabong may nararamdaman pa sya. Pati sarili nya sinakripisyo nya dati para dun sa babae na yun.

Nung alam kong nakalayo na ako, hinayaan ko na yung luhang kanina ko pa pinipigil.

Ang sakit. Halata kasi sa kanyang hindi ako nag iisa sa puso nya.

Mas maganda pa ata kung diniretsa nya na lang ako.

Sinara ko ang kwarto namin.

Please, gusto ko lang mapag isa. Sana hindi na muna sya pumunta dito ngayon.

Nasasaktan ako.

,

"Pres?"

May kumakatok.

"Pres? Andyan po ba kayo?"

"Tanga ka ba? Naka lock nga ee, edi ibig sabihin andyan sya." Narinig ko si Wila

"Tumigil ka nga Wila. Mas maganda pa nung hindi ka nagsasalita ee." Sagot ni Batchi

"Grabe ka sakin!"

Narinig kong nag uusap sila sa labas ng pinto.

Nalungkot ako, kasi akala ko si Althea yun.

Pagtingin ko sa labas, madilim na. Gabi na pala.

Paano yung laban ng team namin??!!

Napatayo ako tapos binuksan ko yung pinto.

"Batch ano nangyari sa laban namin?" Nagkatinginan silang dalawa.

"Ah.. Pres natalo kayo ee. Bukas awarding na. 2nd Place kayo."

"Nakalimutan ko, nakatulog kasi ako ee."

"Okay lang yan, sinabihan sila ni Althea na may sakit ka."

Nangingilid na naman yung luha ko.

"A-asan sya?" Hindi ako makalunok.

"Nauna na po sya umuwi sa Manila." Nakita ko naman yung awa sa mata nilang dalawa ni Wila.

"Wag po kayo malungkot. May aayusin lang daw po sya tapos babalikan nya kayo.."

Nginitian nila ako.
Kaya nginitian ko na lang rin sila.

"Salamat.."

"Tara kwentuhan tayo.." Yaya ni Batchi.

I knew it was You {JaThea}Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin