Salamat po sa mga Vote! :) :)
Vote lang po ng Vote!! :D
Ang pinaka hihintay na PoV ni Althea. Naka apat na pala ako na puro kay Jade. Di ko napansin haha
Althea's
*Flashback*
Mabigat sa aking iwan si Jade kanina, kaya lang nakikita kong nahihirapan sya at nasasaktan. Ayokong maramdaman nya to ng dahil sakin.
Sinundan ko sya kanina nung pag alis nya sa lamesa na kinakainan namin.
Alam kong nagpipigil lang sya, alam ko.. kasi ganun din ako.
Nung huminto sya para umiyak, dun ko na nasabi sa sarili ko na I needed to settle things with Kathleen.
Gusto ko, alam ni Jade na buo ako na para sa kanya.
Hindi ko na sinundan si Jade at bumalik ulit kila Batchi.
"Sigurado na ako Batch. Mauuna ako umuwi para pagdating natin ng Manila, makampante na si Jade sakin." sabi ko kay Batchi.
"Iiwan mo sya? Dito? Mag isa? Hindi ba sya masyadong kawawa? Deserve nya ba to? Ano pang kailangan mong sabihin sa Kathleen na yan? Ee di ba sabi mo tatlong taon na kayong wala? Ano to? Bitter ka pa?"
Susunod nyang tanong. Alam kong inis sya sakin.
"Tapatin mo nga ako Althea! May nararamdaman ka pa ba sa babae na yun? At hindi naman siguro lingid sa kaalaman mong ikaw ang first love ni Jade di ba?" Dugtong pa nya.
Napatingin ako sa mata nya.
"W-wala na! Ano ka ba?" Para akong na konsensya, pero bakit?
"Anong 'w-wala'? Bakit ganyan ka mag salita? Bakit parang di ka pa sigurado?"
"Di ko alam Batch!"
"Putang ina Althea! Do your self a favor! Ayusin mo yang sarili mo! And give Jade a favor!! Bigyan mo sya ng space!!"
At dun, dali dali siyang tumayo at umalis.
Napabuntong hininga ako.
Napansin ko nasa harapan ko pa pala si Wila.
"Ano bang nararamdaman mo para kay Jade?"
Tanong nya. I blink several times kasi ngayon lang nya ako kinausap ng ganito.
"Mahal mo ba sya?" Tanong nya ulit.
"Oo naman! Head over heels!"
"Bakit di ka makasagot kay Batchi kanina?"
Nakatingin lang ako sa kanya.
"Malinaw naman kung anong nararamdaman mo kay Jade ee, Ee dun sa ex mo? Ano nararamdaman mo sa kanya?"
"I'm.. I'm confuse.."
"Fuck it!" she whispered, hindi sya nakatingin sakin.
"Kung ako sayo, sundin mo na lang si Batchi. Ayusin mo to." she said calmly..
Tumayo sya at hinawakan ako sa balikat.
"Kung anong nandyan sa puso mo, yun yung gawin mo."
Saka sya umalis.
Pagdating ko sa kwarto namin, namumugto yung mata nya habang natutulog sya. Nilapitan ko sya, may tumulo pang luha sa mata nya.
Parang dinudurog yung puso ko. Parang kanina lang, ang saya saya pa namin. Pinunasan ko yung mata nya.
Bwisit! Dahil lang sa nalaman kong andito si Kathleen, nagkaganito na kami.
Tumayo ako at pinagmasdan lang sya.
KAMU SEDANG MEMBACA
I knew it was You {JaThea}
Fiksi PenggemarThe Best Love Story is when you fall in love with the most unexpected Person at the most unexpected Time.