Jade's
"Althea, how about you're.. You're Dad?" Nakatingin ako sa kanya ng diretso.
"Aray Lovelove! Ang sakit mo mang basag ah!"
Gusto ko sana matawa kaso seryosong usapan to ee.
Kilala naman nating lahat ang Tatay nya di ba?
"Love, I'm serious." Hinawakan ko pa sya sa kamay.
She sighed.
"Does it matter? I mean, we've been through this before right?"
"Ofcourse it matters!"
"Alright. But if he doesn't still approves to the two us, we'll runaway." Hinalikan nya yung kamay ko.
"Again? Until now? That's your plan? I mean, not to fight? Puro.. puro runaway?"
Sunod sunod kong tanong, napa kamot sya ng ulo.
"Althea, I love you. I love everything and anything about you. And that includes your family."
Sinandal nya ang ulo nya sa upuan ng Driver's seat at tumingan sakin ng nakangiti.
"Iba ka talaga." She shrugs. "Kaya ikaw lang talaga ang para sakin ee." Kumindat pa sya.
"I know right?! I'm one of a kind!" I exclaimed.
"Yeah you are!" She said while laughing.
"Hindi ako mag sasawang sabihin sayo araw araw kung gaano kita kamahal Althea.
Sana maging masaya lahat ng taong mahal natin, para satin."
"Aww, ang sweet naman ng future wife ko."
Natigilan ako sa sinabi nya.
"Hala sya! Pagulat gulat epek ka pa! Hahahaha" Ang lakas ng tawa nya.
"Hala rin sya makatawa! Hahaha."
At dyan, nakalimutan na namin pag usapan ulit ang Family nya.
"So where to go?" She asked.
"Kahit saan, basta kasama kita." Tumaas taas yung dalawa kong kilay.
"Wow. Banatan kita dyan ee!"
Tumawa na naman kami pareho.
Andito kami ngayon sa building ng Condo paakyat.
"Jade?"
Pareho kaming napalingon.
"Ate!" Susme! Nakalimutan ko na, may Ate pa nga pala ako.
Can you blame me? Hahaha
Niyakap nya ako.
"Bakit di ka na dumadalaw?" Tinignan nya ako mula ulo hanggang paa, hanggat sa na punta yung tingin nya sa kamay naming dalawa ni Thea.
"Oooh, I see na kung bakit."
I blush.
"Ate naman!"
"Jade aa, mukha kang batang pinapakilig ng crush nya." Kinurot ako ng Ate ko sa tagiliran.
"Try mo kong ipakilala kesa nag haharot ka dyan."
Natawa ng malakas si Althea.
Aba naman talaga!
Tinignan ko sya ng masama hindi nya talaga mapigil tawa nya. Nababanas ako.
Inakbayan nya lang ako.
"Ate, si Althea.. Ano ko uhmmm.."
Nag aantay naman si Ate, tapos si Althea tumigil na kakatawa. Sumimangot na.
ESTÁS LEYENDO
I knew it was You {JaThea}
FanficThe Best Love Story is when you fall in love with the most unexpected Person at the most unexpected Time.