Jade's
"Ang laki ng bahay nila Althea."
"Kaya naman pala parang nagdalawang isip yung gwardya ng Village kung papapasukin tayo. Muka kasi tayong hampas lupa."
"Tumagil ka nga. Ikaw lang yun no! Dinamay mo pa kami."
"Nagtatalo na naman kayong dalawa."
"Kasi to eh!" Sagot ni Wila.
"Ikaw yun!"
"Good evening, kayo po ba yung mga kaibigan ni Ms. Althea?"
"Ah, opo kami nga po."
"Dito po, pasok po kayo.."
"Bongga!" Bulong ni Batchi
Pagpasok namin, lahat ng tao napatingin samin.
"Sakin ba sila nakatingin?" Tanong ni Batchi.
"Asa ka naman" Tapos tumingin sakin si Wila. "Kay Jade sila nakatingin."
"Here's your table po. Tawagin nyo lang po ako kung may kailangan kayo."
"Sige po." Sagot ni Sally.
"Mamaya po, mag uumpisa na ang party. Konting hintay lang po, bababa na sila."
Tumango lang kami lahat.
"Kinakabahan ka pa rin ba? Kanina ka pa walang imik dyan ee."
"Oo ee." Hinawakan ko yung dibdib ko. Ngayong andito na ako, hindi na talaga mawala yung kaba ko.
"Andito naman kami ee." Hinawakan ni Sally yung kamay ko.
"Wow Pres! Ang lamig ng kamay mo."
Bumuntong hininga ko.
"Ikaw ang pinaka magandang babae ngayong gabi, dapat walang kaba dyan sa puso mo ngayon. Be confident!"
Napansin ko nga, iba yung mga tingin ni Batchi ngayon.
Kanina pa ako sinisenyasan ni Sally."Salamat. Sana nga ganun lang kadali."
"Ma'am drinks po?"
Kumuha kami ng tig iisang red wine.
"Pampa wala ng kaba!" Inistraight ko yung inumin ko at kumuha ulit ng bago.
"Woah! Hinayhinay lang Jade"
"Wala naman tayo sa campus ee." I grinned at them.
Ang totoo napaso yung lalamunan ko.
"Ladies and Gentlemen.."
Sabay sabay kaming napalingon sa stage.
"Governor Felix Guevarra and his Family."
"Tsong! Tsong, dito tayo sa kabila tumingin wag dyan."
Tumingin kami sa tinuro nya, sa may sliding door mula sa bahay papasok dito sa Garden nila.
Unang lumabas yung Daddy ni Althea kasama yung Mommy nya. Akala mo nabuhay si Aphrodite tsaka si Ares sa katauhan nila.
Yung sumunod siguro Ate nya yun naka angkla kay Alcris.
Nakita ako ni Alcris at kinindatan ako.
Maganda din sya. Napansin kong hindi nila kamukha si Althea.
Si Althea na mas maganda pa sa Dyosa.
Ang bilis ng tibok ng puso ko. Ngayon ko lang sya nakitang ganyan ka seryoso ang mukha.
"Ang ganda ni Althea." Bulong ni Sally.
Tumango lang ako.
Tapos napadako yung tingin nya sa lugar namin at nakita nya ako.
KAMU SEDANG MEMBACA
I knew it was You {JaThea}
Fiksi PenggemarThe Best Love Story is when you fall in love with the most unexpected Person at the most unexpected Time.