The Past

2.5K 97 3
                                    

Jade's

"Hi Lovelove, good morning." I whispered. Nakasara pa mata ko.

"Love?"

Pagmulat ko, napangiti ako. Ang himbing pa rin ng tulog nya.

Anong oras na ba?

Napatayo ako, 10am na.

Ibig sabihin absent na kami pareho.

Calling Sally..

"Hello Vice?"

"Oh, Pres bakit ka absent?"

"Ano kasi.."

Napatingin ako kay Althea.

"Tinanghali kami..Ako. Ng gising."

"Kami??.. Ah, si Althea."

"Oo,"

"Hanep!" Tumawa sya sa kabilang linya.

"Huy ano ka ba. Green aa." Natawa rin tuloy ako.

Gustuhin ko man kasing may mangyari, lagi namang nauudlot.

"Wala akong sinasabi."

"Pero yung tawa mo naman may laman."

"Hahaha biro lang. Sige na, ako na muna dito. Enjoyyy."

"Sira! Bye."

Napailing na lang ako sa pang aasar ni Sally.

"Lovelove?

Tara breakfast na tayo?"

Pinilit nyang tumayo.

"Ok ka lang? Tanghali na ee.
Absent na tayo.."

Ngumiti sya.

"Talaga?" She said in a raspy voice.

"Oo. Lika?"

,

"Love, bakit mahilig ka sa sinangag?" Tanong nya sakin.

"Kasi kadalasan, pag nasa school hindi na ako nakaka lunch sa dami ng ginagawa."

Napakunot naman sya ng noo.

"Dapat lagi kang kumakain, lalo na sa tanghali.. Lagi ka pa namang pagod sa school."

" Opo. Ang sweet naman talaga. Maalalahanin pa." Kinurot ko yung ilong nya.

Ngumiti sya.

"So yun, kaya nasanay akong kumakain ng kanin pag gising ko. Ikaw ba?"

"Okay na ako sa pancakes. Gusto ko kasi mga tinapay."

I Nod

"Magkanin ka rin minsan. Sabay na tayo lagi mag breakfast oara magluluto ako."

"Gusto mo lang ako makasama ee." Nginitian nya ako ng nakakaloko.

Natawa tuloy ako.

Tok tok tok

"Si Mrs. Carlos?"

"Huh? Ang aga naman?"

"Oo nga ee."

..

"Uhm, Dito ba nakatira si....
Uhm.. Jade?" Tinignan pa nya ng mabuti ang hawak nyang papel.

Maganda sya. Long hair, maputi. Parang model. Meron syang beats na headphones sa leeg. Naka skinny jeans sya at white long sleeves.

"Oo, ako yun. Sino ka?"
She studied me, tapos tumango tango.

"Sabi ng Tita ko ikaw daw makakasama ko ngayon?" she smirked at me. Mayabang ang dating nya.

I knew it was You {JaThea}Where stories live. Discover now