Happy?? Birthday.

3.3K 144 11
                                    

Jade's

Nag byabyahe na kami papuntang Bataan.

Si Althea ang kulit kulit.

Sa pagkakaalam ko, sya yung matatawag na guyish (If that's a word) saming dalawa.

E di ba kapag ganun ako dapat ang nasa may bintana?

Jusko kanina, nag aagawan pa kami sa upuan na yun.
Naghahatakan kami ng damit.
"Ano ba Jade, nakikita na yung undershirt ko." Tapos ang lakas ng halakhak nya.

Na sita pa tuloy kami ng Professor na kasama namin sa Bus.

Ayun, sya ang nanalo kaya sya ang nakaupo sa may bintana.

Most of the time nagtatawanan kaming dalawa.
"Wala naman kayong sariling mundo nyan no?" Sabi ni Batchi.

Hindi ko alam kung saan nakukuha ni Althea yung energy nya.

Binato nya ako ng piatos sa mukha, tapos titingin sya sa iba.

As if naman na hindi ko alam na sya yun, e sya lang naman nasa kanan ko.

Maya maya mamamato na naman sya.

"Wag mo nga sayangin yung pagkain!" saway ko sa kanya.

"Hindi naman sayang yun kasi sinipsip ko na yung cheese" she said plainly, tapos napaharap ako sa kanya.

Nginitian nya ako ng nakakaloko.

"Yuck! Kaya pala mamasa masa. Kadiri ka Thea!!"

"Bakit, nag toothbrush naman ako aa." Pinipigil nya yung tawa nya.

"Ikaw aa, feel na feel mo na.."

"Ang alin?" Kunot noo kong tanong sa kanya.

"Na tayo na, tinatawag mo na ako sa palayaw ko. Family ko lang tumatawag sakin ng Thea or Thei."

Napangiti ako.

"Mahaba haba kasi yung Alllllthea mo." I rolled my tongue.

Nakatingin sya sa bibig ko, tapos napalunok ako.

"Kagatin ko yan ee." she smirked.

"Edi kagatin mo." I dared her.

"Aba..."

"Aba rin.." Tapos nag bellat ako sa kanya.

"Aba naman talaga, lagot ka sakin mamaya."

"Bakit hindi pa ngayon? Suss duwag!"

Mali ata ako ng biro sa kanya, kasi naging seryoso yung mukha nya. Tapos hindi nya na ako pinansin ulit.

Lingid sa kaalaman naming dalawa ni Althea, na may mga kinikilig kaming kaibigan na nakikinig sa usapan naming dalawa.

"Althea.. Please I'm sorry na."

Ayaw nya talaga humarap sa akin.

"Love please? Lovelove?"

"Tsk! Di naman ako galit"

Tapos bigla kaming dumaan sa tunnel. Dumilim ang paligid.

"Huli ka!!"

Kinabig nya yung katawan ko sa kanya, bigla nyang hinarap yung ulo ko sa kanya.

Tapos hinalikan nya ako sa labi ng mabilis.

Bago pa sya bumalik sa pwesto nya, dinilaan nya yung ibaba kong labi.

"Akala mo aa." she said with a huge grin on her face.

I let out a heavy breath. Di ko narealize nagpipigil pala ako ng hininga.

,

"Talo ka!!" sabi nya pagbaba namin.

I knew it was You {JaThea}Donde viven las historias. Descúbrelo ahora