Faith

2.4K 119 3
                                    

Sorry po Late UD, busy po sa School ee :)

Jade's

"I'm sorry Hija, I didn't recognize you."

Hindi ako makatingin sa Mommy nya. Hiyang hiya ako, sana lunukin nalang ako ng couch na inuupuan ko.

"Bakit ba kasi nagtatago ka dun?"

"Ma, h-hindi sya nagtatago dun. Ano uhmm, nag hahanap sya ng lapis! Tama.. yun nga!"

Halatang halatang nagsisinungaling sya.

Napatingin ako sa Mommy nya na tumango lang.

"I hope you don't mind me asking Hija.."

"A-ano po yun Ma'am?"

"Don't call me Ma'am na ano ka ba, Tita na lang."

"Tita. Ano po yun?"

"May panloob ka ba?"

Napayakap ako sa throw pillow na hawak ko.

"I see." Dugtong ng Mommy nya.

"So sayo nga to?" May inangat sya sa inuupuan nya na pwesto namin ni Althea kanina.

Napatingin ako kay Althea para humingi ng tulong. Kaya lang tulala sya at nagpipigil tumawa.

Nung nakita nyang nakatingin ako sa kanya.

She snorted!

"No Ma! Sakin yan, bago.."

"Really?" Hindi naniniwala Mommy nya sakanya. Sa akin lang nakatingin.

"Yup. Bought it just yesterday. Hindi naman porke di ikaw bumili, hindi na yun sakin."

"Okay?

Hmm

So I'll be leaving now. Dumaan lang ako to check up on you and Alcris."

"Oh. Wonderful."

"Gusto mo ba sumabay sakin palabas Hija?"

Ang hirap tumanggi sa Mommy nya kaya tumango ako.

Narealize kong wala nga pala akong bra, kaya hanggang lumabas kami ng unit ni Althea, nakayakap ako sa unan.

Okay nang mukha akong tanga sa kakayap ng unan kesa naman sa mahalata na wala akong suot.

Bago pa ako makapasok..

"Jade?"

"Po?"

"Mahal mo ba ang anak ko?"

"P-po?" Sa kwento kasi ni Althea dati, hindi sya tanggap ng pamilya nya sa kung ano sya. Kaya natatakot akong sumagot.

Nakayuko lang ako.

"Wag kang matakot, hindi naman ako magagalit." Nginitian ako ng Mommy nya, yung ngiti na tulad ni Althea na nakaka warm ng feeling.

I just nod.

"Halata naman sa inyong dalawa."

she sighed.

"Kaya lang hindi ko siguradong magugustuhan ito ng Ama nya at ng Ate nya."

Napatingin ako sa kanya.

"Honestly, ako rin. Di ko rin alam kung papayag ako sa ganyang gawa nya.

Kaya lang, Nanay ako. Nakikita kong masaya si Althea, masaya sya..Sayo.

Alam ko rin na hindi ko sya mapipigilan.

Nakita ko kung gaano sya kamiserable nung umalis si Kathy. Ayoko ng maulit pa yun. Nakakadurog ng puso na makita ang anak kong sinisira ang buhay dahil sa kapwa nya babae.

I knew it was You {JaThea}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon