Chapter 1

2.8K 34 0
                                    


Credits to  thanks sis for my nice cover :) until next time. Hehe.

¤¤¤¤¤

(Chapter 1)

Forever21. H & M. Target. Penshoppe. Samsung. Apple. Chanel. Prada.

'Susko po! Nahihilo ako sa mga mamahaling gamit at pangalan ng mga tao dito. Hindi ba sila natatakot na mawala ang mga gamit nila?'

Nasa gate pa lang ako ng school pero kitang-kita na agad na halos lahat ng mga estudyante dito ay mayayaman at mga desente. Yung iba nga, may hawak ng cellphone sa kanang kamay meron pa sa kaliwa at may nakasabit pa sa leeg na camera. Rich kids nga naman.



Ipinakita ko sa bagong guard ang registration form ko na nagpapatunay na dito ako sa school na ito pumapasok. Tss. Sino ba naman kasi ang mag-aakala na dito ako makakapasok. Hindi ko din naman masisisi si manong bagong guard dahil katakataka naman talaga. 



"Pasensya ka na hija. Bago lang ako sa trabaho." napapakamot sa ulo na sabi ni manong bagong guard.

Ikinumpas ko ang kamay ko sa ere saka ko sya nginitian "Ayos lang yun manong bagong guard. Everyone commits mistake"

'Char! Napapa-english na ako ng wala sa oras. Nemen!'

Napangiti naman ng pilit si manong bagong guard saken at hinayaan na akong pumasok sa school ground. Hindi na ako nagkaroon ng pagkakataon na mag-ikot dahil sobrang limitado lang ang oras ko. Alam ko naman kasing madaming gawain ngayon lalo na at first day of school.



"Good morning ma'am" nakangiti kong bati ng pumasok ako sa 'Office of the Dean'



Nginitian naman ako ni Mrs. Perks at sinenyasan na lumapit sa kanya. Inilapag ko lang muna sa ilalim ng desk ang backpack ko saka ako lumapit. Alam ko na kasi kapag ganitong eksena.

'Ipu-pusta ko ang tsinelas kong tig-75 na uutusan ako ni Mrs. Perks na pumunta sa cafeteria para bumiling kape dahil na kukunsumi na naman sya sa mga bagong saltang estudyante.'

"Can you buy me coffee with cream, please" sabi nya habang ibinibigay ang 100 pesos saken.

Pasimple akong napangiwi. Sa vendo machine ako bibili ng kape pero buong 100 pesos ang ibinigay. Mataray pa namang yung ale sa cafeteria lalo na kapag umaga dahil walang panukli. "Yes ma'am. Bibili na po ako"



Kinuha ko lang ang wallet ko na puro barya. Kapag nandun si aleng mataray ay aabunohan ko muna pero kapag wala ay magpapabarya ako sa kanila. Game!



Hindi naman malayo ang cafeteria kaya agad akong nakarating. Ilang beses din nga akong nabangga ng mga estudyante dahil literal na nagwawala ang ilan sa kanila. May mga nakaugalian na kasi ang mga dating estudyante dito na kailangang lahat ng papasok dito ay may pagdaraanang orientation. Hindi simpleng orientation kundi  isang dare. May pagpipilian naman, truth, dare o consequence. Depende na din sa tao kung ano pipiliin nya. Nung ako ay bago pa, ang pinili ko ay dare. Kapag dare ang pinili ay isang beses ka lang io-orient habang kapag truth o consequence ay ilang beses kang io-orient hanggat hindi sabihin ng 'leader' nila na tama na ay tama na. Ang dare na ibinigay saken ay ang magpintura ng pinto ng old canteen gamit lang ang paint brush. Bait nila noh? Tss.



Hay naku! Mga siraulo talaga ang ilang estudyante dito. Opps! Halos lahat pala. Iilan lang ang matitino.

"Manang Pasing!" tawag ko sa mabait na kusinera sa cafeteria. Nakangiting nilapitan ko sya. "Kumusta na po?"

Inlove With The Future YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon