Chapter 16

390 8 0
                                    

Umuwi muna ako sa apartment bago ako pumunta sa building na yun. Ano naman ang naisipan ni Ashton para magbakasyon dun sa building na yun? Sa mismong building pa. Meron namang ibang magagandang pwedwng puntahan. May beach, falls, mountains at kung ano-ano pa. Hindi ko lang talaga gets ang trip ni Ashton sa buhay.



“ZHE!?” nasa may gate pa lang ako ay may sigaw na agad akong narinig mula sa loob na sa hula ko ay kay Aileen na boses yun. “SAAN KA GALING? MAY NAGHAHANAP SAYO KANINA!”


Nailing na lang akong pumasok sa loob. Pwede naman nya akong kausapin sa matinong paraan kapag nakalapit na ako pero pinili pa nyang magsisigaw. Hay naku! “Ano daw pangalan nun?”


“Nakalimutan ko eh.” nahihiyang sabi nito ng makalapit na ako sa kanya


Nangunot ang noo ko. “Seryoso?”


Nahihiyang tumango ito. “Basta mahirap bigkasin ang pangalan nya.”


“Lalake o babae?”


Ngumiti ito. “Lalake.”


Sa klase ng ngiti nito, alam kong tipo nito ang lalakeng naghahanap saken. “Huhulaan ko. Gwapo?”


Bigla naman itong napatili sa tanong ko. “OO. SOBRA.”


Sabi ko na nga ba. “Anong sinabi mo sa kanya.”


“Ang gwapo nya.”


Inirapan ko sya. “Hibang!”


Umakyat na lang ako sa taas at pumunta sa kwarto. Kung sino man yung naghahanap saken na yun ay sana makilala ko na sya at ng malaman ko kung ano ang kailangan nya saken. Kung talagang importante ang bagay na gusto nyang sabihin saken ay alam naman nya kung nasaan ako. Sa ngayon, kailangan ko munang maglinis ng katawan at magpahinga ng ilang oras bago ako sumabak ulit sa paghahanap sa nawawalang gwapo. De joke lang! Hindi yun gwapo. Konte lang.



Inihanda ko muna ang mga susuotin ko. Nang biglang mapadako ang tingin ko sa isang brown envelop sa ilalim ng box na sapatos ko ay agad ko itong kinuha. Ito yung ibinigay ni Ashton saken noong minsan na puntahan nya ako dito sa apartment. Tiningnan ko ulit ang laman nun. Inilapag ko sa kama at tiningnan isa-isa.



Ilang beses ko tinangkang tanungin si Quin tungkol sa picture na ito bago kami magkaroon ng mini-vacation ng isang linggo. Kapag lumalapit na ako para komprontahin sya ay bigla na lang may sisingit o may manggugulo. Hindi ako makakuha ng tyempo. Naisipan ko na ding tawagan o kaya ay i-text na lang ito pero naisip ko ding dapat face to face ko syang kausapin lalo na sa mga ganitong bagay. Hindi biro ang magkaroon ng picture na duguan at may hawak na baril. Kung hindi ko sya kilala, malamang sa alamang ay pag-iisipan ko na agad sya ng masama.



Napabuntong-hininga na lang ako. “Hindi ko naman pwedeng itanong kay Mrs. Perks ito. Baka atakihin pa si ma’am kapag nalaman ito.”


Si Ashton.


Oo. Pwede akong makakuha ng sagot sa kanya pero hindi ko alam kung tama o mali ang sasabihin nya. Sya na din kasi ang nagbigay saken ng mga pictures na ito. Paano kung gawa-gawa nya lang ito o nang-go-good time lang ito. Naku! Kapag nalaman kong kalokohan lang itong ibinigay nya saken ay mahahampas ko sa kanya ang accounting book na nahiram ko sa library. Subukan lang nya.


“ZHE!”


Dali-dali kong inayos ang mga nakakalat na picture saka isinilid sa envelop. Kilala ko si Aileen. Mabilis itong mapaniwala sa mga bagay-bagay. Kumbaga, mabilis itong mauto sa pamamagitan lang ng maliit na bagay. Kahit pa sabihing may lihim na pagnanasa ito kay Quin ay hindi pa din ito sapat. Nakilala ni Aileen si Quin sa isang sports fest sa tanghalan ng bayan three years ago.



Inlove With The Future YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon