Chapter 15

428 9 0
                                    

Bumalik ako sa building na yun kinabukasan ng umaga. Gagawa ako ng paraan para mahanap ang lecheng pinto na yun. Tss. Hindi lang pala tatlong pinto ang meron dito. Higit pa sa sampu. Mukhang mahihirapan ako neto.

Kaya mo yan Zhenaida! Go lang ng go.

Pampapalakas ko sa sarili ko. Even with a broad daylight, the building still looks creepy and scary. Kahit sa malayuan ay nakakatakot na agad.

"Saan ka pupunta?" napatalon ako ng may biglang magsalita sa likuran ko "Anong ginagawa mo dito?" seryoso pa nitong sabi

I bit my lower lip. Paktay! Paano ko malulusutan ito. Hays! Bahala na nga. Dahan-dahan kong hinarap ang taong yun. Halata na sa hitsura nito na may edad na. "Magandang umaga po." bati ko

"Anong ginagawa mo dito?"

I cursed silently. Ano ng gagawin ko? Pwede akong makasuhan ng 'trespassing' kung sakali man. "M-may kinuha lang po ako." I lied

"Hindi mo ba nakita ang napakalaking karatola sa labas. 'NO TRESPASSING!' Sa tagalog, bawal ang pumasok. Naiintindihan mo ba yun?" halata na sa tono nito ang pagkainis"Alam mo bang pwede kang makasuhan sa ginagawa mo. Invading private privacy ang tawag dyan."

Nanatili lang akong tahimik. Wala akong masabi dahil guilty ako. “Sorry po. Hindi na po mauulit.”


Umalis na lang ako ng kusa para hindi na ako mapagalitan ng todo. Ako naman talaga ang mali pero may rason naman ako. Yun nga lang, hindi ko pwedeng sabihin ang rason ko. Kapag nalaman ng caretaker yun, siguradong sasabihin nito sa may-ari ng building na ito na may ibang tao na tumatambay dito. Baka mapurnada pa ang mga plano ko.


Nag-tyaga na lang ako na tumingin sa malayo. Hindi talaga kasi pwede. Nakita kong ini-lock ni Mr. Caretaker yung gate ng building. Ayoko naman na umakyat pa sa gate para lang makapasok. Baka mapagkamalan pa akong magnanakaw or worst, budol-budol girl.


“Ano ba yan! Ano ng gagawin ko?” frustrated ko kausap ko sa sarili


Kinuha ko ang phone ko saka tinawagan si Chinit.

"Oh?"  she said in a sleepy tone "Problem?"

"Chinita!" I tried to calm myself pero hindi ko makontrol ang boses ko

"What happened?"

"Can you remember the favor of Mrs. Perks. May problema kasi ako eh."

"About Mr. Villegas again"

"Oo eh. I found out that he is doing illegal. Fighter sya sa isang illegal underground kickboxing. Nasabi saken ng kaibigan ko na sinabi naman ng ka-blockmate nya na palaging present dun. Gusto ko sanang kumpirmahan yun mismo sa sarili ko para masabi ko na din kay Mrs. Perks na may kasama pang ebidensya."

"Its trouble you are asking Zhenaida. Huwag mo ng simulan pa."


Napanganga ako ng bigla akong binabaan ni Chinit. Seryoso? This is the first time she did this to me. Ginulo-gulo ko ang buhok ko sa iritasyon. Wala na naman akong nakuhang matinong sagot sa kanya. Hay. Sabihin ko na lang kaya kay Mrs. Perks ang nalaman ko. But I have 'what if's' in me.  Pero paano kung ...


Isumbong ni Mrs. Perks sa mga pulis ang pinagkaka-abalahan ni Ashton?


Teka. Hindi naman siguro ipapahamak ni Mrs. Perks ang estudyante nya lalo na at kilala pa nito ang tatay ni Ashton. Hindi naman siguro nya magagawa yun. Pero paano naman kung ...



Inlove With The Future YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon