Chapter 5

673 25 0
                                    

Ah! Ang sakit ang katawan ko. Masakit la ang paa ko. Masakit ang ulo ko. Masakit pa ang likod ko. Dahil sa nangyare kagabi ay sisiguraduhin ko na talagang nakauwi na ako sa apartment bago pa pumatak ng alas-syete ng gabi. Nakakadala ang nangyare kagabi. Susmiyo!







"Nasaan ako?" nangilabot ang buong katawan ko ng mapansin kong hindi ito ang kwarto namin ni Chinit. Napakurap-kurap pa ako.






Dahan-dahan akong bumaba ng kama. Tiningnan ko ang orasan na nakasabit sa dingding. Alas-otso na nga umaga. Ibig sabihin, hindi ako nakauwi kagabi. Syete! Kinuha ko agad ang lampshade na nasa gilid ng kama saka ginawang pananggalang kung sino mang tao ang nandito. Ayokong isipin na nadungisan ako ng wala akong malay pero pinakiramdaman ko muna ang sarili ko.







'When I lost my vcard, it really hurts alot especially when you stand and walk. It took me a day to regain my strength.'







Tama. Hindi naman ako nahihirapang tumayo at lumakad. Nakahinga ako ng maluwag. Aatakihin talaga ako sa puso kapag malalaman kong nawala na ang vcard ko at ang mas malala pa ay sa estranghero.






Nakarinig ako ng sigaw na nanggagaling sa ibaba. Agad akong naglakad at dahan-dahang sumilip sa pinto habang hawak ang lampshade na pananggalang ko.






"You bastard! Why did you let it happen?" galit na galit na sigaw ni Ashton.





Ashton? Oo nga pala. Iniligtas ako ni Ashton kagabi.





Flashback




Halos hindi na ako makahinga sa sobrang bilis nyang pinatakbo ang motor bike nya. Wala na akong pakialam kung gaano ako kahigpit na nakayakap sa likod nya.






"Papatayin mo ba ako?!" sigaw ko ng makababa na ako ng bike nya sa harap ng isang bahay






Pinatay nya muna ang makina ng bike nya bago ako harapin "Is that the way you say 'thank you' to your savior?"






Inirapan ko sya "Thank you ha" sarkastikong sabi ko. Pasalamat sya dahil buhay pa ako at nakaligtas sa mga lalakeng yun at sa bilis ng pagpapatakbo nya.






Ngumisi naman sya sa sinabi ko. "What did you heard awhile ago?"






"Huh?" anong pinagsasabi nya. Wala naman akong ...






Biglang nanlabo ang paningin ko. Nahihilo din ako. Bago pa man ako mawalan ng malay sa naramdaman kong may nakatusok na matilos na bagay sa tagiliran ko at may sumigaw "F*ck it!"




Present




Susko! Sino kaya yun? Sigurado akong hindi si Ashton ang gumawa nun saken dahil nasa harapan ko sya ng mga oras na yun. Juice colored! Nahabol kaya kami ng mga lalake kagabi?







"Chill man! Huwag kang magalit. We're working on it" rinig kong sabi ng isang lalake na nakawhite shirt






Nakita kong umiling-iling si Ashton "Still, it shouldn't happen in the first place"





Ano kaya yung pinag-uusapan nila? Babae? Sugal? Droga? O yung kagabe? Wait? Paano kung . . .





"Ouch!" reklamo ko dahil biglang bumukas ng tuluyan ang pinto at natumba pa ako






Sabay kong nakita na tumingin silang dalawa. "The cat is already awake." sabi nung lalakeng kasama ni Ashton "Miko" dagdag pa nito





Susmiyo! Lupa ngayon lang kita tatawagin, please, kainin mo ako. Ngayon din! Kahihiyan overload. "Pwede ka ng tumayo." habol pa nitong sabi na lalong ikinahiya ko

Inlove With The Future YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon