Chapter 8

591 16 0
                                    

Gusto kong sumigaw. Gusto kong magwala. At lalong-lalo na, gusto kong pagbuhulin ang mag-tita na sina Heathe at Ashton. Argh!





Pasimpleng bumulong saken si Ashton “Smile a little bit. Its look like you’re planning on murdering someone.”



Pasimple ko syang siniko. “Kung alam mo lang. Kanina pa kita napatay sa isip ko. Buset!”



“Pose!” sigaw ng isang photographer





Agad namang hinawakan ni Ashton ang bewang ko saka tumingin ng diretso sa mata ko. Sinamaan ko sya ng tingin pero nginitian nya lang ako. Hindi na din sya nag-react sa sinabi ko. Tss. Pake ko ba sa kanya! Kapag nakita ko lang talaga ulit si Heathe. Naku! Kahit mas matanda pa sya saken aawayin ko talaga sya. Sya naman ang puno’t dulo nitong lecheng photoshoot na ito. Nadamay lang ako.




Flashback




“You. .. . . . . .





Ramdam ko ang ugong ng sasakyan at boses ng isang babae. Pinipilit kong imulat ang mata ko pero hindi ko magawa. Buhay ang diwa ko pero hindi angkla sa katawan ko.





“I already told you. I’ve got a substitute for your models. To top it up, I’ve got two. So, wala na tayong problema.” sabi ng boses babae at alam kong si Heathe ang nagsasalita. “Yes. We’ll be there before 7pm. Alright. Bye”




Argh. Ramdam ko pa din ang hilo. Ano bang pinag-uusapan nila? Kasali ba ako? At saka, bakit ako nandito eh sa simula pa lang ay wala naman talaga akong kinalaman. Hay naku! Kailangan ko ng umuwi. Ang dami ko pang gagawin. Pahamak naman kasi si Heathe.





“I’m really sorry Zhenaida. Badly needed.” sabi nya habang hinahaplos ang buhok ko “Don’t worry. It’ll just take minutes to take away the side effects. Alam ko din naman na di ka papayag kaya santong paspasan na ang ginawa ko. You’ll just pose infront of the camera together with your partner and that would be Ashton.”




Present





And the rest is history. . .




“Perfect!”





Tiningnan ko ang photographer na si Mitsu. Tuwang-tuwa ito habang tinitingnan ang picture na nakuha nya. Aba! Ang baklang ito. Natutuwa pa talaga sya. Eh, pulos nakasimangot lahat ng picture ko dun. Malamang sa alamang, panget ako dun at natuwa pa sya. Tss.





Nginitian nya kami “Its perfect! Nakuha ko na ang gusto kong picture. Salamat dahil nabigay nyo ang gusto ko. I loved it. Mukha talaga kayong model at may chemistry kayo. Next time kapag may time kayo ay kukunin ko ulit kayong model.” inilabas nya ang maliit nyang calling card saka ibinigay saken. “Call me, okay.”





He clapped his hand afterwards then shouted. “Its a wrap! Well done guys. The food is on me.” saka nagsigawan ang lahat.


Napasimangot ako. Bakit ganun? Ngayon lang ako nakaramdam ng pagkadisgusto sa libreng pagkain. Tss. Nakakawala ng gana kapag nangyare sa inyo kung anong nangyare saken. Hay susmiyo!


-


“Kelan naman ang balik mo?” nakakalungkot talaga. Bumungad sake sa pag-uwi ko ng kinabukasan ay ang paalam ni Chinit na aalis ito sa kung saan mang lugar na hindi ko alam



Napakamot ito sa kanyang batok “Basta. Babalik din ako.”



Sinimangutan ko sya. “Anong ‘basta’ ka dyan? Malay ko bang yang ‘basta’ na sinasabi mo ay pang-long term. Five years? Ten years?”



Binatukan nya ako imbis na bigyan ako ng matinong sagot. “Gaga!”



Impit na napatili ako sa sakit. Putspa! Ang ipanghampas ba naman saken ay yung brush nya sa buhok na sobrang lapad. “Grabe ha!” reklamo ko



“Huwag ka kasing mag-isip ng ganun at huwag kang maging nega. Babalik din ako. I’ll just fix something important.”



Tiningnan ko sya. Sinusuri ko kung totoo ang sinasabi nya. “Tungkol ba ito sa nakaraan? Kaibigan? Pamilya?”



She heave out a sigh “All of the above.”





Tumahimik na lang ako. Masaya akong sya na mismo ang nagkusa para ayusin ang dapat ayusin pero alam ko din na hindi magiging madali sa kanya ang lahat at tanggapin ng buong-buo. At sana, maayos nya ang lahat. Palagi syang umiiyak sa gabi kapag alam nyang natutulog na ako pero hindi nya alam na buhay pa ang diwa ko.




Dahil sa pagtahimik ko ay linapitan ako ni Chinit saka niyakap. “Don’t worry. It will not take forever. Babalik ako. Promise. At sa pagbabalik ko, maayos na maayos na ako.”



“Pinky swear” nang kumalas ako sa pagkakayakap ay ipinakita ko sa kanya ang hinliliit (smallest finger) na daliri ko. “Kailangan mong mag-promise.”



Tinawanan nya ako pero pinagbigyan nya ako. “Promise!” then we sealed our deal with a pinky swear.



Tinulungan ko si Chinit na mag-empake matapos ang mini drama naming dalawa. Mamimiss ko talaga sya kahit na nabu-bwisit ako minsan sa kanya “Zhe!”



“Oh?”



Lumapit saken si Chinit. “Favor? Pwede bang bilhan mo akong nutella sa department store.”



Napairap ako. “Nutella na naman?”





She’s head over heels inlove with nutella. Susme! Ok lang na wala syang ulam sa tanghali basta may sigurado syang nutella ay solve na agad sya. Kapag bad mood ay yun din ang stress reliever nito. Hindi sya pwedeng mabuhay ng walang nutella. Lalo namang hindi sya pwedeng umalis ng walang nutella na dala.





“Same old habit”



Nailing-iling na lang ako. “Kapag ikaw nagkaroon ay diabitis ay hindi na ako magtataka. Ang takaw mo sa nutella.” sermon ko sa kanya “Oo na. Bibili na ako isasabay ko na sa toiletries ko. Ilan bang nutella ang kailangan mo?”


“Yes! Dalawang bote lang. Thank you.”



“Yah yah yah! Oo na.”






Mabilis lang akong nakabili ng nutella. Kilala na din naman ako dun. Suking-suki na kasi kami ng tinda nilang nutella. Konteng toiletries lang naman ang kailangan kong bilhin kaya hindi na din ako nagtagal pa sa department store.




Bago ako umalis ng department store ay bumili muna ako ng cornetto. Dahil sa sobrang init ng panahon. Susmiyo! Nakakahilo talaga ang init. Lalo na at hapon ngayon. Isama na din na naglalakad lang ako. Walking distance lang naman ang department store kaya ok lang na maglakad ako.




Paubos na ang kinakain kong cornetto ng may biglang nakabangga saken. “Sorry po.”





Nalaglag ang cornetto na kinakain ko. Hay! Mabuti na lang at malapit ng maubos kaya hindi ako ganung nanghihinayang. “Ok lang yun---” napatigil ako saglit “Ano ba!” hinila ko sa kanya ang palayo ang mini bag na palagi kong dala. Ramdam ko kasing may kung anong ginawa sya dun “Mind your own bag! Please. Mamili ka nga ng nanakawan mo. Mukha ba aking mayaman?” sarkastikong sabi ko “Huwag ka ng magpapakita saken! Buset.”





Tss. Mga tao talaga ngayon. Wala ng magawang matino sa buhay. Pati ba naman ako pagti-trip-an na nakawan. Eh, wala naman silang makukuha sa bag ko kundi wallet ko lang na ang laman ay bente pesos na may sampung piso pa. Yun lang. Grabe talaga!




Kinuha ko muna sa labas ang mga natuyo ng damit na nilabhan ko nang makarating ako sa bahay. Inilagay ko yun sa basket ko saka ko hinanap si Chinit. “Yuhoo! Nutella wrecker. Nasaan ka na?”





I frown. Saan naman kaya nagpunta yun? “Chinita?”



Nakarinig ako ng kalabog sa may likod kaya agad akong tumakbo papunta dun. “W-wala sya dito. Pwede ka ng umalis.” mahinang sabi ni Chinit sa kausap nyang lalake



“Really? You’re not really good at lying my dear ---” nanlaki ang mata ko. Anong ginagawa ni Miko dito?



“STOP IT!” sigaw ni Chinit “I don’t want to hear any of it so shut up!”



Nakita ko pang lumalapit si Miko kay Chinit pero pinigilan agad sya nito “Don’t you ever dare move a bit!”



“Bakit naman? Nabili mo na ba itong lote na ito para pagbawalan ako?” may halong pang-aasar na sabi ni Miko



“Miko del Prado! Stop playing games, can you? I’m sick of it”



“You started it not me.” seryosong sabi naman ni Miko



Ayoko mang maging bastos pero kating-kati na akong malaman kung ano ba ang meron. “Ehem” I fake a cough “Nakakaistorbo ba ako?”



Mukha namang nakakita ng multo si Chinit ng magpakita na ako habang si Miko ay nasa natural nitong hilatsa “Hello there little crazy cat.”



“K-kanina ka pa?” tanong naman ni Chinit



“Kadarating ko lang.” sorry. I lied



Mukha namang nakahinga ng maluwag si Chinit sa sinabi ko. “Ganun ba. Mabuti naman. Nga pala, hinahanap ka NYA. Maiwan ko na kayo.” sabi nya saka iniwan kami ni Miko. She’s suspicious.





Tiningnan ko si Miko at naghintay ng sagot pero tanging ngiti lang ang ibinigay nya saken. Ilang  minuto pa ang hinintay ko pero lumipas lang ang oras at hindi man lang sya nagpakita ng interes na sagutin ang tanong ko. Oh oh! Things are getting suspicious. Ako ba talaga ang pinuntahan niya o si Chinit? Teka? Magkakilala sila? Kelan pa?



--

I’m sorry. I am really sorry. It took time for me to update this story. Sisihin nyo si Nona. Dinaanan nya ang probinsya namin which is Oriental Mindoro. One week kaming walang kuryente. Susmiyo! It was damn as hell. Anyway, MERRY CHRISTMAS! :-D


Note: This won’t be the last update before the end of the year :)

Inlove With The Future YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon