Chapter 19

421 9 0
                                    


Potek! Ayoko na. Mababaliw na talaga ako. Ang dami ko ng nalaman. Information overload, susmiyo! Sana hindi na lang pala ako nagtanong at hindi na lang ako nagpumilit pa. Ako din pala ang masasaktan at mahihirapan sa huli.

"Is she ok?" rinig kong sabi ni Chinit. May epekto pa ang pampatulog na binigay nila saken kanina kaya hindi ko pa magawang imulat ang mga mata ko.

"Of course she is. Malalampasan din nya ito. Malakas syang babae." rinig ko naman sabi ni tito Nick

"Hindi po ba ako masyadong sumobra sa sinabi ko kanina? Did I shocked her? Wala na kasi akong maisip pa kundi ang sabihin ang totoo. Ayoko ng magsinungaling pa sa kanya. Ayoko na! Alam ko din kung paano mag-isip si Ashton kapag nalaman nyang buhay pa si Kiana. He will do everything just for her." nanlulumo naman ang boses na sabi ni Chinit

There were silence. A long silence before I heard tito Nick's voice. "In some part, tama ang ginawa mo pero hindi mo pa din maiaalis na masaktan sya sa sinabi mo. She had it through all of it in just one day. Kung hindi ko pa ata sya tinurukan ng pampatulog ay hindi na sya magkakaroon ng peace of mind."

"Sana tama lang yung ginawa ko. At sana, hindi sya nagalit sa naging desisyon ko."

---

Hapon na ako nakabalik sa apartment. Ayaw man akong pauwiin nina tito Nick at Chinit pero hindi pu-pwede. Kailangan kong mag-isip. Kailangan kong pagnilay-nilayan lahat ng mga sinabi nila. Of all these years, I never thought I am living with a lie. A fvcking white lie!

"Ok ka lang ba Zhe?" tanong agad ni Aileen ng makita ako.

I nodded. "Oo naman. Medyo pagod lang. Sige akyat na ako."

"Teka lang!" pigil nya saken "Nanggaling nga pala si Tyler dito kanina. Hinahanap ka." natigil ako.

Ashton. Tss. Just hearing his name makes me cringe. Uminit agad ang ulo ko. Walanghiya sya! Magsama sila ng nanay nyang inggitera! Pwe.

"Anong sabi nya?" I said with a poker face

May inabot sya sakeng papel. "Tumawag ka na lang daw sa kanya. O ayan ha! Improving ako no? I learned my lesson." nagbiro pa ito

Kinuha ko ang papel na binigay nya at hindi na nag-aksaya ng panahon para basahin yun. "Salamat." umalis na ako matapos kong makapagpasalamat.

Patalon akong nahiga sa kama ko. Kailangan ko ng mahabang oras para makapag-isip ng maayos. Hindi sasapat ang isang oras lang. I felt like I am wasted.

"Tss. Call me call me. Ulol!" sabi ko habang tinitingnan ang papel na pinabigay ni Ashton kay Aileen

Ano na namang pakulo ito? Pakshit sya! Magpapabida ba sya? Gago! Ulol.

Nagulat ako ng may biglang nagsalita. "Sinong kaaway mo?" natatawang tanong ni Aileen. Sinundan pala nya ako dito.

Napapikit na lang ako. "Pasensya na Aileen. Wala ako sa mood. Pwede bang iwan mo muna ako?" pakiusap ko

"May problema ba? Pwede mo akong pagsabihan ng sama ng loob mo."

Tumayo ako. Tiningnan ko sya. Sa lahat ng naging kasama ko sa apartment na ito, sina Chinit at Aileen lang ang naging super close ko. Hindi naman pwede si Chinit. Sya na nga ang may alam ng lahat pati na ang buhay na nakalimutan ko. Siguro nga mas magiging magaan ang pakiramdam ko kapag may napagsabihan ako ng sama ng loob.

Napabuntong-hininga ako. "Nakaranas ka na bang paglihiman ng isang napaka-importanteng bagay sayo?" panimula ako

Nangunot ang noo nya saka naupo sa tabi ko sa kama. "Paglihiman? Meron. Yung dati kong bestfriend na lalake. Hindi nya sinabi na bading sya. Eh, halos araw-araw na kaming magkasama noong mga bata kami tapos malalaman ko lang sa tita ko na bading pala sya. Nakakasama talaga ng loob pero ok na din kami kahit papaano. Bakit?"

Umiling ako. "Wala lang. Napaisip lang ako. Naalala ko kasi yung kapatid ko."

"Bakit? Anong meron sa kapatid mo?" usisa pa nito pero umiling lang ulit ako.

"Ok naman sya. Nami-miss ko lang talaga siguro ang kapatid ko." sabi ko "Aileen magagalit ka ba kung sakaling malaman mo na yung pinagkakatiwalaan mo ay nagsinungaling sayo at may nagawa syang kasalanan sayo pero hindi nya sinasabi?"

Natawa lang ito sa sinabi ko. "Ano ka ba! Natural lang yun. May kriminal bang kusang loob na pupunta sa pulis para sabihin na nakapatay sila? Diba hindi? Maliban na lang kung may konsensya pa ito na natitira sa katawan."

Kriminal? Patay? Mga salitang parang punyal na tumusok na naman sa puso ko. Ang sakit tanggapin. Ni hindi ko man lang naranasan na makasama ang mga magulang ko ng matagal. Nakasama ko nga sila ng sampung taon, hindi ko naman maalala.

"Hala! Zhe bakit ka umiiyak?" hindi magkandaugaga na sabi nya

Hinaplos ko ang pisnge ko at tama nga sya. Umiiyak ako! Hindi ko namalayan na tumutulo na naman ang pesteng luha ko. Hindi ko na napigilan ang sarili ko. "Hindi ko ata kaya Aileen. Hindi ko kaya!" hagulgol ko

Niyakap naman ako agad ni Aileen. "Hush. Hush. Sinasabi ko na nga ba't may problema ka. At saka, kahit ano pang klase ng problema ang kinakaharap mo ay alam kong malulusutan mo. Ang laki kaya ng bilib ko sayo! Ikaw pa." pagpapagaan nya sa loob ko

Sa sinabi nya, mas lalo akong napahagulgol sa iyak. "Iba kasi ito Aileen. Hindi lang kasi ako ang apektado sa problema ko kundi pati ang kapatid ko! Kakayanin ko pa sana kung ako lang ang masasaktan pero involve na ang kapatid ko."

Hindi na nagsalita pa si Aileen. Niyakap na lang nya ako. Yung yakap na kailangan ko. Wala na akong pakealam kung basa na ang damit ni Aileen ng luha at laway ko. Wala akong pakealam. Ang gusto ko lang ngayon ay ang mailabas ko lahat ng sama ng loob ko. Hindi man malutas ang problema ko pero kahit papaano ay mababawasan naman ang bigat na dala-dala ko.


Sana lang nandito ang kapatid ko. Isang mahigpit na yakap lang nya ay solve na solve na ako. Sya kasi ang stress reliever ko.

---

Sunod-sunod na katok ang nakapagpagising saken. Pakiramdam ko magang-maga ang mata ko. Shet. Ramdam na ramdam ko na nagdoble ang talukap ng mga mata ko.

"Zhe?" napabangon ako ng wala sa oras ng marinig ko ang boses na Chinit

Dali-dali kong binuksan ang pinto at bumungad saken si Chinit. "Ang aga mo." sabi ko habang yakap nya ako

"Hindi no! Anong maaga ka dyan? Magta-tanghalian na po. Anong nangyare dyan sa mata mo? Umiyak ka ba ng magdamag? Zhe naman!" sunod-sunod nyang sabi

Napakamot ako sa ulo matapos nya akong yakapin. "Tanghali na? Nasobrahan na naman ang tulog ko."

"Huwag mong ibahin ang sagot na gusto kong marinig. Umiyak ka ba ng magdamag?" halata sa boses nito ang pag-alala

Napababa ang tingin ko. Halata ba? Teka. Kaninong paa itong ...

"Hi ate Kokak!" napanganga ako sa narinig ko

Nangingilid na naman ang luha ko dahil ramdam na ramdam ko! "Kokak ko!"

Hindi man ako pinagpala pagdating sa ibang bagay, sobra-sobra naman akong pinagpala dahil binigay NYA saken ang kapatid ko. He's my world. He's my life. And he's my everything. Masaktan na ako, huwag lang sya.

Inlove With The Future YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon