Chapter 6

714 24 0
                                    

He's your blockmate Zhe. Bakit? Is there any problem?

Eto ang mga masasakit na salitang hindi ko matanggap mula kay Mrs. Perks. Pilitin ko mang umayaw pero wala na akong magagawa. Classmate ko na sya at sa lahat pa ng subjects ko. Hay naku!

Sa isang araw na gaganapin ang Trade Fare at Cultural Arts. So far so good. Naayos namin lahat sa awa ni Batman. Wala pa naman akong naririnig na bad response o feedback sa mga estudyante o sa kahit sinong empleyado. Ibig sabihin, lahat ay umaayon sa plano.

"Zhe may naghahanap sayo." sabi ni Min

"Sino?"

Nagkibit-balikat sya "Malay ko. Pinapasabi lang ni Ditas." Ditas-nerd of school

Ibinaba ko muna ang hawak ko "Ganun ba. Sige. Nasaan ba sya?"

"Sa room 365."

Napakunot ang noo ko. "Bakit hindi na lang sya mismo ang lumapit saken? Tss. Kailangan ko pang umakyat sa third floor. Kainis!"

Pinagtawanan naman ako ni Min. Alam na alam nya kasi na inis na inis ako kapag pabalik-balik sa hagdan lalo na sa third floor. Masakit kasi sa binti at paa kakalakad. "Ang bait mo talaga." sinamaan ko sya ng tingin pero kinindatan lang nya ako

Kahit naiinis ay nagpunta pa din ako sa third floor. Ayoko namang maging bastos. Kailangan kong harapin ang bisita ko sa ayaw ko man o hindi. Bibilisan ko na lang sa pakikipag-usap sa kanya kung sino man sya.

Madaming estudyante. Usual na yun lalo na sa third floor pero sa estimasyon ko ngayon ay mas dumami. May kumosyon pang nangyayare. May mga babae pa akong naririnig na nagsasalita ng masasamang bagay at masasakit na mga salita. Sino na naman kaya ang 'bully of the day' nila. Napairap na lang ako.

"Freah" hindi na ako nagtaka pa ng makita ko sya. Palagi na lang nyang ginagawa ito kapag nabu-buryo na sya o walang magawa.

Lumabi si Freah habang tinitingnan ang 'BOD'(bully of the day) nya at kasama ang kanyang grupo. "How pathetic you are? Bakit ka nakapasok sa school na ito? This is a private ang exclusive school?" maarte pang sabi ni Freah

Pinilit ni Ditas na lumayo pero hinarangan ng mga kaibigan ni Freah ang daan. "Ayoko ng gulo."

"Well" maarte pa din nitong sabi "Sorry duckling but seems that trouble loves you so much."

Wala pang ilang minuto ay natumba at natapunan na agad ng tubig na may food color ang suot na puting blusa at kupas na maong ni Ditas. Hindi na sila nagsawa. Palagi na lang.

Tumakbo ako papunta kay Ditas para tulungan sya dahil walang may balak tumulong na iba dito. Hindi pa ako nakakalapit sa kanya ay may biglang humila sa kanya patayo na naging dahilan para matahimik ang lahat pati ako.

"Get the hell out of here" madiin na sabi ni Ashton

Anong ginagawa nya?

Bakas sa mukha ni Ditas ang pagkagulat pero mabilis naman nitong sinunod ang utos ni Ashton. Nang makalayo na si Ditas ay saka lang natauhan si Freah. Lumapit ito kay Ashton at umarte pang matutumba kaya nasambot ito ni Ashton ng wala sa oras.

Pwe! Drama Queen.

Nang makakuha ng pagkakataon si Freah ay agad nitong nahawakan ang batok ni Ashton. Mabilis ang naging reaksyon ni Ashton at nabitawan nito agad si Freah.

Umirit pa ito sa sakit "Ouch!"

Tiningnan lang ni Ashton si Freah. Hindi nya ito tinulungan. May kabutihang taglay din pala ang taong ito. In all fairness.

Inlove With The Future YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon