Chapter 2

1.3K 32 0
                                    

(Chapter 2)

Ang ganda ng dagat. Kalmado at may sariwang hangin. Ang sarap pagmasdan. Hinding-hindi ako magsasawa sa mga nakikita ko ngayon. Ganito ang buhay na pangarap ko. Mamuhay ng malapit sa dagat. Pakiramdam ko kasi ay napaka-peaceful at nagkakaroon ako ng peace of mind kapag nakikita ko ang dagat. Kung panaginip lang ito, sana hindi na ako magising.

"Zhenaida!"


Napalinga-linga ako. May tumawag ba saken? Pero paano? Mag-isa lang naman ako dito. Nagtingin-tingin pa ako pero wala naman akong nakita. Baka ilusyon ko lang yun.


Nang akmang maglalakad na ako may may bigla akong nakitang nakatalikod na tao hindi kalayuan saken. Tumakbo ako pero lumalayo sya. "Sandali!" sigaw ko pero mukhang wala itong narinig

Takbo pa din ako ng takbo para maabutan ko sya. Nakakapagtaka nga din kasi hindi ako napapagod kakatakbo kahit kanina pa ako tumatakbo. "Hintay! Huwag ka munang umalis!" sigaw ko ulit pero waepek pa din.


Tumigil ako sandali sa pagtakbo at tumigil din sya. Napangiti ako. Titigil din naman pala sya papahirapan pa ako. Magsasalita na sana ako ng bigla syang napunta sa harapan ko at natulala na lang ako. Paano nangyare yun? Nang makabawi ako at maibalik sa huwisyo ang sarili ko ay sisilipin ko na sana sya ng bigla syang nawala sa harapan ko. Teka? Paano na naman nangyare yun? Ano bang nangyayare? Argh! Naguguluhan na ako.

"ZHENAIDA JOSEFA MONTEJO!"

Napabalikwas ako sa pagkakahiga. Hingal na hingal at pinagpapawisan ng malamig. Leche! Nanaginip na naman ako pero bakit parang totoo. Yung dagat? Pati yung boses? Bakit parang pamilyar saken.



"Hoy Zhenaida Josefa! Uso ding bumangon at tulungan akong magligpit" sarkastikong sabi ni Arianne Chiny Soh - bestfriend/dormmate ko. Nag-aayos na kasi sya ng hinigaan nya.

"Nanaginip na naman ako" nakatulala ko pang sabi

Narinig ko namang nag-tsk sya. "Yan ang napapala mo sa kakabasa ng kung ano-anong comics sa library. Tantanan mo na kasi!"

Napasimangot naman ako "Hindi naman cartoons ang napanaginipan ko kundi lalake. Nakatalikod nga lang." sabi ko habang bumabangon sa pagkakahiga.

Nag-unat muna ako. Ano kaya ang problema ko? Palagi na akong nakakapanaginip ng kung ano-ano. Napatingin naman ako sa gawi ni Chinit na masama na ngayon ang tingin saken "Opo. Wag na pong magalit manang Chinit. Eto na po" naiiling kong sabi

"Huwag mo akong simulan Josefa" pagbabanta nito

Natatawang tinulungan ko sya sa pagliligpit "Ikaw kaya ang nauna. Josefa ang tawag mo saken. Josephine yun hindi Josefa" pagtatama ko dito

Napairap naman sya "Whatever"


Palihim na natawa ako. Kahit kelan ay hindi nanalo sa asaran saken si Chinit. Buhay prinsesa kasi ito sa kanila kaya walang nagtatangkang mambara sa sinasabi nito. Only child pa. Nakakatuwa din kasi. Ako lang ang nakakagawa nun. Sa katunayan nyan, naglayas si Chinit sa kanila. Masyado kasing istrikto ang tatay nito. Lahat dapat ng gusto nito ay sundin ni Chinit maging sa pananamit. Ayun, hindi na nakaya ni Chinit kaya umalis na lang ito. Kayang hanggang ngayon, wanted pa din yang si Chinit sa kanila.


"Hoy Josefa" biglang nagsalita si Chinit ng malapit na kaming matapos "Alam na nila kung nasaan ako"

Natigilan ako. Alam ko na kahit hindi pa nya sabihin kung ano ang tinutukoy nya. "Kelan pa?" ang alam ko kasi ay palaging nasa ibang bansa ang parents nya.

"Kahapon lang. Nagpunta dito ang isa sa mga body guard ni papa. Pinapasabi daw ni papa na umuwi ako ng kusa. Kapag hindi, sya na mismo ang pupunta dito at hihilahin ako palabas ng apartment na ito." malungkot nyang sabi

Inlove With The Future YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon