Chapter 4

711 29 0
                                    

Letsugas barabas hestas! Bwisit talaga ang lalakeng yun. Akala mo kung sinong napakaimportanteng tao. Pasalamat lang talaga sya dahil sa utos ni Mrs. Perks. Nunka naman na lalapit ako sa kanya ng kusa. Mangarap sya! Bwisit.




“Zhenaida!”



Napatalon ako sa gulat ng may biglang sumigaw sa tenga ko. “Ay barabas!” napahawak ako sa dibdib ko dahil sa gulat “Leche ka Quin! Wala ka na namang magawa sa buhay.” singhal ko pa



Hindi naman mapigil sa kakatawa si Quin sa nakita nyang reaksyon saken. Gustong-gusto talaga nyang pagtawanan ako. “Really? You’ve been my laughing stock. Thanks Zhe. You’re my stress reliever.” tatawa-tawa pa nitong sabi



“Ganun ba? Ang saya naman. Mabuti naman at nasiyahan ka.” sarkastik kong sabi. At talagang sayang-saya sya.



Lalo naman syang natuwa ng makitang nagtagumpay sya sa pang-iinis saken. “Leche ka. Aalis na nga lang.”



“Sandali lang!” pigil nya saken kahit natatawa pa din ito “Huwag ka ng magalit. Ako nga dapat ang magalit sayo eh.”



Penamewangan ko sya. “At bakit naman?”



“Pinapaalala ko lang naman sayo na may usapan tayo kahapon. Dapat sinundo mo ako at ililibre kita” natigil na sya sa pagtawa



“Ah” nasabi ko na lang. Oo nga pala, nakalimutan ko yun. “Hindi naman kita pinilit na ilibre ako kaya ok lang kahit hindi ako pumunta.”



“Kahit pa. Tinatanggihan mo ang grasya ni Lord. Masama yun” at ang lokoloko, ina-guilty pa ako.



Napairap na lang ako “Oo na. Oo na. Ako na ang mali. Madami lang akong ginagawa kahapon kaya hindi ko naalala.”



Ngumiti sya sa sinabi ko. Oh oh! Hindi ko gusto kapag ngumingiti ang loko-lokong ito. “Tara!” nagulat pa ako ng bigla nya akong hilahin ng walang pagundangan.



“Quin ano ba!” reklamo ko. Ang higpit kasi ng hawak nya



Nilingon nya ako habang hila-hila ako. “Huwag ka ng magreklamo. Ili-libre na nga kita, magre-reklamo ka pa.”



Hinayaan ko na lang syang hilahin ako. Once in a blue moon naman syang manlibre kaya hahayaan ko na lang sya sa gusto nyang gawin. “Oo na.”




Street food at dirty ice cream ang binili nya. Mas gusto ko din kasi kapag ganito para hindi mahal at sakto sa budget. Noong una kasi ay ang sabi nya ay sa ‘MCDO’ pero nagprotesta ako. Ang layo ng MCDO sa school at mahal din ang pagkain. Mas mabuti pang sa may kanto na lang sa school. Madaming street food na tinda doon. Hindi lang malapit, mura pa. Saan ka pa? (Biglang naging endorser? XD)




Matapos akong ilibre ni Quin ay bigla nya akong iniwan. Hindi ko alam kung bakit pero nakita ko sya bago umalis na may kausap sa phone. Nagtaka din nga ako kasi nag-iba sya. Base sa boses ay ibang-iba. Nakakatakot nga sya habang nagsasalita. Malayong-malayo sa Quin na may sapak at makulit na kilala ko. Nagpasalamat na lang ako sa kanya bago sya umalis para quits na kami.




Mabilis naman na nagdaan ang araw. Katulad ng nakaugalian, matapos ang dalawang linggo simula ng first day ay may event na gaganapin sa school. May ‘Trade Fare’ at ‘Cultural Arts’ na gaganapin sa school. Ang bawat department ay dapat representative. Depende sa department kung ano ang magiging tactics nila basta ang mahalaga ay kumita sila mula sa ‘Trade Fare’ at sa pamamagitan naman ng pageant at art works ang basehan sa ‘Cultural Arts.’ Kung sino mang department ang may pinakamalaking nakita (profit) at madaming puntos ay magkakaroon ng refund na 50% ang department nila mula sa kinita nila.




Dahil sa sobrang busy sa darating na ‘Trade Fare’ at ‘Cultural Arts’ ay hindi ko man lang napansin kahit isang beses si Quin sa loob ng tatlong araw simula noong ilibre nya ako. Nabanggit din saken ni Mrs. Perks na kapag nakita ko si Quin ay agad ko daw itong dalhin sa kanya at huwag hayaang umalis. Halata din kay Mrs. Perks ang pag-alala. Hindi na din kasi nagpakita si Quin kay Mrs. Perks na mismong nanay nito. Wala naman daw na ibinigay si Mrs. Perks na bahay o condo dito dahil sa mismong bahay pa din nila ito umuuwi noon. Kaya kahit ay naiinis ako sa kanya minsan ay pinilit ko syang ma-contact pero palaging out of coverage area ang naririnig ko. Saang lupalop kaya nag punta ang taong yun?



“Zhe?”




Nakahinga naman ako ng maluwag kasi hindi na nagpakita pa saken si Mr. Villegas o mas kilalang Tyler pero Ashton ang itatawag ko sa kanya. Hindi naman na ako tinanong pa ni Mrs. Perks tungkol doon dahil mukhang pati sya ay alam nang may posibilidad na hindi talaga ito pumasok sa school. At saka, mas gugustuhin ko pa talagang huwag sya ditong pumasok dahil hinding-hindi ko makalimutan ang sinabi nya saken na ‘You’re time is up.’ Kinilabutan ako sa sinabi nyang yun.



“Zhe!?”



“Ay barabas!” napasigaw ako dahil sa gulat “Bakit ka ba nanggugulat?”



Naiiling naman sya “Kanina pa kita tinatawag pero hindi mo ako pinapansin kaya minabuti kong gulatin ka na lang.”



“Hay! Ano bang kailangan mo? Nasabi na ba sa iyo ni Mrs. Perks ang gagawin?”



Napapakamot sya ngayon sa batok. Ayun! Alam ko na kung ano ang kailangan nya. “Hindi pa nga eh. Nahihiya akong magtanong kaya sayo na lang ako magtatanong.”



“Ikaw na ang bahala sa main points ng events. Yung sa pageant for Cultural Arts ay ang motif ay vintage.” paliwanag ko kay Min. Mga working students muna ang nag-take over sa mga ‘organizing the events’ habang wala pang SC. - Student Council. After pa ng ‘Trade Fare’ kadalasan nagkakaroon ng election para sa officers ng SC.



Ngumiti naman ng bahagya si Min. “Ok lang ba na magpatulong ako kay Joseph?” si Joseph ay kapatid nya na isang working student din



Tumango ako “Oo naman. Ang mahalaga ay mairaos natin ang event ng walang gulong nangyayare.”



“Tama ka. Nakaka-stress ang linggong ito” naiiling nitong sabi



“Sinabi mo pa.” pagsang-ayon ko




Pasado alas-nuebe na ng makaalis ako ng school. Nakapagpaalam naman ako ng maayos sa landlady namin kaya pinahiram nya saken ang spare key ng gate ng apartment namin. Nagtext na din ako kay Chinit na pauwi na ako kaya malamang ay hihintayin ako nun sa gate. Ni-double check ko lahat bago ako umalis. Gamit, props, invitations, susi at kung ano-ano pa. At dahil pasado alas-nuebe na ay kakailanganin ko ng sumakay ng jeep. Ayokong maglakad sa gabi. Alam kong madaming loko-loko at manyak sa gabi.



9:15 ako nakarating sa terminal ng jeep pero lahat ng sakayan papunta sa lugar namin ay wala na. Kung hindi punuan ay ibang lugar ang ruta. Kapag minamalas ka nga naman. Naupo na lang muna ako sa isang bench sa terminal at matyagang naghintay sa susunod na jeep na darating wala talaga. Ang kaninang limang jeep na nakaparada ay ngayon ay nag-iisa na lang. Tiningnan ko kung saan ang ruta nito pero bumagsak ang balikat ko dahil malayo ito sa lugar namin. Susmiyo! Mukhang wala ng magba-byaheng jeep ngayon pero bakit? Maaga pa naman para umuwi sila?



Nang makita kong nakaalis na ang huling jeep ay lalo akong nanlumo. 9:45pm na at wala pa din akong masakyan. Wala na akong choice kundi maglakad. Bibilisan ko na lang at lalakasan ang pakiramdam ko. Kung hindi pa ako kikilos ngayon ay siguradong aabutin ako ng umaga bago pa dumating ang jeep na hinihintay ko. Ang malas ko talaga. Kanina pa sumasakit ang batok, likod at ulo ko sa daming ginagawa sa school tapos dumagdag pa ang kawalan ng sasakyan. Hay naku!



Hindi pa ako nakakalayo ng tuluyan sa terminal ay naramdaman ko na may ugong ng sasakyan na parang sumusunod saken. Pinili kong huwag lingunin dahil baka habulin nila ako o kung ano man. Kailangan kong maging matatag at matapang ng makakauwi ako ng maayos. Sa kakaisip ko sa sumusunod saken ay hindi ko namalayan na ibang daan na ang nilalakad ko. Lechugas barabas hestas! Anong lugar ito? Naliligaw na ako. Putspa!




“Patay!” mahina kong sabi “Nasaan na kaya ako-”


“I want it done as soon as possible. Do I make myself clear?” rinig kong sabi ng isang panlalakeng boses. Nanahimik lang ako. Saan nanggaling yun? Dahan-dahan akong sumilip sa may isang pader na may maliit na butas. Baka sakaling makita ko kung anong meron.



“I want him dead the day before her daughter’s wedding.” napasinghap ako sa narinig. Dead? Mga serial killer ba sila? Kailangan ko ng umalis dito. Nang akmang hahakbang na ako patalikod ay nadulas ako dahil sa bato at naging dahilan yun para makuha ko ang atensyon ng mga lalakeng nagsasalita.



“Who’s that?” parehong boses pa din ang nagsalita “Don’t try to make a move or you’ll be dead.” sa takot ko ay sinunod ko sya. Putspa!



Naiiyak ako at nanginginig habang pinapakinggan ang mga yabag ng papalapit na tao saken. Ganito na lang ba talaga ang mangyayare saken? Ni hindi man lang ako nakaranas na magkaroon ng boyfriend, asawa o anak? Ni hindi man lang ako makaka-attend sa prom ng kapatid ko? Ganun-ganun na lang yun? Mas lalo akong naiiyak sa naiisip ko. “Ayokong mamatay. Ayokong mamatay”



Napapikit na lang ako sa sobrang takot. Bago pa man ako malapitan ng mga lalake kanina ay may isang tunog ng motor akong narinig. Hindi ito katulad sa kanina na pakiramdam ko ay sumusunod saken. Napamulat ako dahil sa gulat ng maramdaman kong nasa tabi ko na ang motorsiklo nito at nilagyan pa ako ng sumbrero ng kung sino mang tao yun. “Ooooh” narinig kong napa-oh silang lahat ng makita ako o itong katabi ko. Ewan. Basta!



“Look who we have right now. The Almighty Tyler is in the house!”




Tyler? Tyler? Agad kong tiningnan kung tama ang hinala ko. Susmiyo dos por santos! Sya nga. Anong ginagawa nya dito? Almighty Tyler? Kilala sya dito? O kasamahan sya nila? Dahan-dahan naman akong napa-atras sa naisip ko tungkol sa kanya. Sinasabi ko na nga ba. HA! Kaya pala kulang-kulang ang student profile nya. “T-”



“Don’t talk or you’ll die here. Right here, right now!” sabi nya ng tangkain kong magsalita.




Ano ba yan? Paano ako makakatakas dito? Alam kong hindi mapagkakatiwalaan ang mga lalakeng nasa harap ko ngayon. Nagda-dalawang isip naman ako tungkol kay Ashton. Paano ko malulusutan ito? “F*ck off!”


Kinilabutan ako bigla ng magsalita ulit si Ashton. Ibang-ibang boses nya hindi katulad sa pakikipag-usap nya saken. Nagsitawanan naman ang lahat. Sinikap kong itago ang mukha ko gamit ang ibinigay na sumbrero ni Ashton para hindi nila ako makilala kung sakali mang makaligtas ako ngayon. Sana. “Hop on my bike.” mahina pero rinig kong sabi nya



“Huh?” pabulong kong tanong



“Just f*cking hop on my bike.” may inis na sabi nya



Paano kung kasabwat pala sya? Ayoko! Mas gu-gustuhin ko pang tumakbo kesa sumama kay Ashton. “Ayoko! Tatakbo na lang ako.” pagmamatigas ko.



“Alright. Suit yourself”




Napanganga ako ng bigla nyang pinaharurot ang motor este bike nya ng hindi man lang ako kasama. May ilang humabol sa kanya habang yung iba ay nilapitan ako kaya tumakbo agad ako ng mabilis. Walanghiyang Ashton yun! Kapag ako namatay ngayon, sisiguraduhin kong sya ang una kong mumultuhin.




“Bilisan nyo!” sabi pa nung humahabol saken



Juice colored! Halos madapa-dapa na ako sa kakatakbo. May mga nakakalita naman saken pero hindi man lang ako tinutulungan. Ah! Wala ba talagang may balak na tumulong saken. Sumasakit na ang paa ko kahit naka-rubber shoes pa ako ngayon. “Tulong!”




Wala pa din. Kahit sumigaw ako. Wala pa din. Nanginginig na ang tuhod ko at hindi na ako makatakbo ng maayos dahil na din sa sobrang takot. Hindi nagtagal at natumba na lang ako dahil hindi ko na kaya. Ito na ba talaga? Itong-ito na? Pumikit na lang ako ng kusa at naghintay sa susunod na mangyayare.



BLAG!



Agad akong nagmulat. Yung mga humahabol saken ay nakabulagta ng lahat at may nag-iisa na lang na nakatayo. Nanginig na ako ng todo. Dahan-dahan pa itong humarap saken. “Next time, listen to me or else you’ll be killed right away.”



Si Ashton! Agad akong lumapit sa kanya. “Juice colored! Salamat. Binabawi ko na sinabi ko kanina. Pasakay na sa bike mo. Bilis! Baka maabutan pa nila tayo.” hinila ko pa sya



Nakita ko syang nag-smirk. “Dumbhead!”



Nang makasakay ako sa bike nya ay humawak ako sa likod ng jacket nya. Wala na kasing ibang pwede ko pang hawakan. Base sa pagtakas nya kanina gamit ang bike na ito at siguradong malalaglag ako kung hindi ako kakapit ng maayos. Nagtaka pa ako kasi bigla syang bumaba. “Bakit?” tanong ko


May helmet na nakasabit sa bike nya at kinuha nya yun. “You’re a dumbhead ,so, I think you need this as much as I do.”



Kung wala ako sa bingit ng kamatayan ngayon ay kanina ko pa sya nasakal ng todo. Ke-galing manlait, susme! Padabog na kinuha ko yun mula sa kanya. “Salamat ha!” sarkastiko kong sabi



Sumakay na din sya sa wakas ng makitang nakasuot na ako ng helmet. Humawak ulit ako sa jacket nya pero nanginig bigla ang kamay ko ng hilahin nya ako palapit sa kanya. “Lean on me for safety purposes”



“Nandun sila!” hindi na ako umangal pa ng marinig ko ang sigaw na yun.



“Hang on! We’ll take the maximum limit. So, we can get the hell out of this” sabi nito bago patakbuhin ang bike nya.



Hindi nga ako mamamatay dahil sa mga lalakeng yun pero papatayin naman ako dahil sa heart attack ng lalakeng kasama ko ngayon. Para syang nakikipag-kompitensya sa speed limit ni ‘Ghost Rider.’ Juice colored!


ENJOY. ENJOY. ENJOY
#MMUDoOrDie

Inlove With The Future YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon