Chapter 3

767 23 0
                                    

Maaga akong nagising. Literal na maaga. Alas-tres pa lang ay gising na ako. May parusa kasi ako dahil sa late akong nakauwi kahapon at hindi pa nakapagpa-alam sa landlord. Kasalanan kasi yun nung hambog na yun. Kung hindi ba naman sya isa't kalahating hambog ay dapat nakauwi ako ng sakto sa apartment at hindi ako aabutin ng curfew. Tss. Kailangan ko tuloy malinis lahat ng basahan dito sa apartment. Ang dami pa naman nun.







"Ang aga mo ata?" hindi na ako nagulat ng makita ko si Chinit na gising na. Tuwing umaga din kasi sya nagjo-jogging. "Ah. I get it. Punishment?"







Hindi ko na kinailangan pang magpaliwanag kasi alam na din nya. Tumango na lang ako. Ayokong masira ang umaga ko. Naaalala ko lang yung hambog na yun sa parusa ko ngayon.







Naupo sya sa harapan ko at kumuha ng basahan na nasa dutsa at naglaba na din. "Chinita!" pigil ko sa kanya





Sinamaan nya ako ng tingin. "What? Masama bang tumulong?" painosente pa nitong tanong "Tinutulungan ka na nga para matapos agad."







Napaisip naman ako bigla. Kung sabagay, tama naman sya. At saka, kahit naman pigilan ko sya ay hindi naman sya papapigil saken. Matigas din kasi ang ulo nyan. Yung tatay nga nya ay hindi na nya sinusunod, ako pa kaya?







Dahil sa tulong ni Chinit ay natapos ng maaga at mabilis ang parusa ko. "Uy" nang malapitan ko sya ay kinulbit ko sya. "Salamat"





Nginitian naman nya ako. "Ikaw pa. Walang anuman"







Sa araw na ito ay ako ang nakatoka sa pagluluto ng umagahan. Routine na din namin ito na may scheduled task ang bawat isa. Napag-desisyunan kong magluto ng sunny side up, sinangag at tortang talong. Nagtimpla na din ako ng kape ko pati na din kape ni Chinit. Nang matapos na ako sa pagluluto ay agad ko namang inayos ang mesa saka ko sila tinawag para kumain.







Nang matapos na kaming makakaing lahat ay nagligpit na agad ng mesa si Chinit saka hinugasan. Sya na kasi ang nakatoka doon. Tinulungan ko din sya sa pagligpit para mabilis syang matapos kagaya ng ginawa nya kanina saken. Fair enough, right?







"Josefa" biglang tawag saken ni Chinit nung nasa kwarto na kami na ikinalingon ko naman. "Masama bang magalit?" tanong nito na nakapagpakunot ng noo ko





"Ano?" hindi ko maintindihan. Magalit? Tungkol ba ito sa galit nya sa tatay nya "Tungkol ba ito sa ta-"





Napatigil ako dahil pinatigil nya ako "Stop. I don't want to hear it. Sagutin mo na lang tanong ko. Please."





"Hindi masamang magalit kung may maganda kang rason pero masamang magalit ng panghabang-buhay. Tandaan, walang forever!" nasingit ko pa ang forever sa usapan. Nabi-bitter ako sa kanya eh.





Natawa naman sya sa huling sinabi ko. Mabuti naman. "Loka-loka! Maligo ka na nga lang. Alam kong madami ka pang gagawin sa school kaya mauna ka ng maligo. Bilisan mo lang ha. May pupuntahan din ako."







Nag-ok sign ako sa kanya. Pabor na pabor saken na maunang maligo kesa sa kanya dahil kapag sya ang nauna ay paniguradong mapipilitan akong sumakay ng jeep o tricycle dahil naubos na ang oras ko kakahintay sa kanya para matapos maligo. In short, matagal syang maligo. Minimum of twenty-five (25) minutes.







Wala ng pag-asa ang cellphone ko na gumana. Kainis! Sirang-sira na din kasi. Mas mabuti pa daw na bumili na lang ako ng bago sabi dun sa repair shop ng cellphone. Hay naku! Talagang minamalas ako. Hindi ko tuloy matawagan ang kapatid ko sa probinsya.

Inlove With The Future YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon