Chapter 11

522 14 0
                                    


Kanina ko pa hinahanap si Quin. Saan kaya nagpunta ang lalakeng yun? Gusto ko sanang itanong yung tungkol sa picture. Hindi ko mismo itatanong ng literal. Kung totoo man yun, gusto kong humingi ng paliwanag mula sa kanya. Katanggap-tanggap na paliwanag. Kung hindi naman, susugurin ko si Ashton sa bahay nya at isasampal ko sa mukha nya na hindi totoo ang mga pictures na binigay nya. Tss. Saan naman kaya nya yun nakuha?


“Zhenaida!”

Napatalon ako sa gulat ng tinawag ako ni Mrs. Perks. “Ay Quin!”


She smiled. Opps, narinig nya ata ang sinabi ko. “Are you pertaining to my son? Quin?”

Nahihiyang napatungo ako. “Iniisip ko lang po kasi kung saan sya nagpunta noong nawala sya na parang bula.” I lied. Sorry ma’am.


“He’s here yesterday. Don’t you know it?” tanong nito

Umiling ako. “Nakita ko po sya kahapon kaya lang hindi nya nasabi saken.”

“I see.” nasabi na lang nito “I think he’ll be here after lunch. Nagtext sya saken kanina.”


Pupunta sya dito mamaya? Kaya ko kayang i-interrogate sya? Paano kung makahalata sya? Paano kung magalit sya? Paano kung lumayo na sya saken dahil doon?


“Zhenaida!” tawag ulit saken ni Mrs. Perks “You keep on daydreaming!”

“Sorry po.” lately talaga palagi na lang akong nagde-daydream. Ewan ko! Siguro dahil palaging kakaiba ang mga panaginip ko. Siguro nga.

I looked at the wall clock. Its almost time for my second subject. “Aalis na po ako ma’am.”


“Wait!” pigil nito “I have to ask you a favor again. Please. Last na ito.”

I froze. Ano kayang favor yun? Tungkol na naman ba kay Ashton. “Ano po yun?”

“I know this is far from your real work here at school. But can you keep an eye on Ashton.” I knew it! Si Ashton na naman.

Teka? ‘Keep an eye on Ashton’? “Bakit po?”

She exhales deeply “I can’t tell you the whole story but I’ll give you a clue.” she paused “He needs guidance and assistance. He badly needed it but he refuse to let us help him.”

“Bakit po ako?” hindi ko mapigilang tanong

She shrugged “Due to the fact that you made him stay here and he enrolled himself. Nakita ko din kayo noong isang araw. He’s holding you. I think he’s comfortable with you.”

Comfortable? Eww! No way. “Ma’am hindi po kami friends nun. Nakikipag-usap lang ako sa kanya dahil yun po ang sabi nyo.” kinapalan ko na ang mukha ko para sabihin ang totoo “At saka po pala, bakit po parang concern na concern po kayo sa kanya? Kilala nyo po ba sya? Personally?”

Natigilan si Mrs. Perks sa tanong ko. Opps! I think my question is below the belt. “I’m sorry Zhenaida. I wish I can tell you but I can’t. His father is a fri-friend of mine.” pumiyok pa ito sa pagsasabi ng ‘friend’

Hindi na ako nagtanong pa kay Mrs. Perks dahil saktong nag-bell na para sa susunod na klase. Madami pa man akong gustong linawin pero wala na akong oras. May pupuntahan din kasi si Mrs. Perks ngayon. “So, can I count on you?” tanong nito ng makitang kinukuha ko na ang bag ko


Napatungo ako at napatingin sa sapatos ko. Dapat ba akong mag-oo o hindi. Nakakahiya namang tumanggi pero gusto kong tumanggi. Ang hinihingi nya kasi saken ay bantayan ko ang taong ayaw kong makita. Hay! I’m torn between two stones. I need some help.

Inlove With The Future YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon