Chapter 17

381 11 0
                                    


I woke up with a heavy feeling. Medyo masakit ang ulo ko sa di malamang dahilan. Bumangon ako at naramdaman ko na medyo mahapdi pa din ang tiyan ko. Naalala ko ang nangyare kagabi.


"Akala ko masamang panaginip lang yun. Yun pala totoo." may halong pagkadismaya na sabi ko



I scanned the room. Its unfamiliar to me. Ito ba ang condo unit ni Chinit? Wala na kasi akong maalala kagabi bukod sa nasuntok ako sa tiyan at sumakay kami sa kotse matapos makipag-usap ni Chinit kay Ashton na Sais ang tawag nya at may nabanggit pang 'K.'

Teka? Sino kaya yung 'K' na yun? Nakaintriga! Siguro dating gf o asawa yun ni Ashton. Mukha kasing apektadong-apektado pa din ito dahil kahit marinig o mabanggit ang pangalan ni 'K' ay hindi nito kaya. Naks! Inlababo pa ata si Ashton. Haha.


"Thats bullsht Mico! I'm not taking that stupid explanation." gigil na sabi ni Chinit

"Fine. I'm sorry." hinging-paumanhin naman ni Mico "It's my fault. Aakuin ko naman eh. Dapat sinamahan ko na lang sya para hindi na nagyare ito."

"Hindi yun yung point ko dito Mico. Dapat hindi mo na lang sinabi sa kanya yung building na yun. Kilala ko si Zhenaida. Once na may malaman sya ay hindi nya ito titigilan hanggat wala syang patunay at pruweba." gigil pa ding sabi ni Chinit



I went out to face them. Ang hirap din kasing tumayo dito sa may pinto habang nakikinig sa kung ano mang pinag-uusapan nila. Alam kong matagal ng may tinatago saken si Chinit. Ramdam ko ng may malaking sekreto syang tinatago. Nirespeto ko naman ang desisyon nya. Hindi ko sya pinilit ng kahit isang beses na sabihin saken kahit alam kong meron. I just let it slip the moment when she accidentally said it. "Chinit."

Pareho silang nagulat ng makita ako. Nilapitan agad ako ni Chinit at tiningnan ako kung maayos na ang lagay ko. "You're awake. Akala ko pa naman mamaya ka pa magigising. Nagugutom ka na ba? Magluluto ako." she tried to ease the tension but I'm not buying it.


"Just tell me what's going on. Please" pagmamakaawa ko na.

"What are you talking about?" maang-maangan pa nitong sabi

Bumuntong-hininga ako. "Alam kong may tinatago ka saken. Kaibigan mo ako Chinit. Alam ko kung kelan ka nagsasabi ng totoo at kung kelan ka nagsisinungaling. Matagal ko ng alam na may tinatago ka saken. Hindi naman kita noon pinipilit, diba? Pero bakit parang pakiramdam ko, yung sekreto na tinatago mo saken ay parang involve ako. Ayokong mag-assume pero yun ang nararamdaman ko. Malakas ang kutob ko Chinit. Alam mo yan." mahaba kong sabi

She stopped on her track. "Zhe"

"Alam kong involve na ako dito kaya karapatan ko din naman siguro na malaman kung anong meron at nangyayare, hindi ba? Kung mali naman ang hinala ko, pwede mo pa din namang sabihin saken ang nangyayare. Kilala mo ako Chinit higit pa sa kahit kanino. Hindi ako 'kiss and tell' na klase ng tao." I said

This time, Mico spoke. "Zhe, it'll just make complicate things. Mas mabuti pa siguro na huwag mo na lang alamin."

"Ayun! Lumabas din ang totoo. May tinatago nga kayo at wala kayong balak na sabihin saken yun. At kelan nyo naman balak sabihin saken?" hindi ko maiwasang magalit "No! Ayoko. Bakit ba parang pakiramdam ko ayaw nyong ipaalam ang isang bagay saken na importante, tungkol man saken o sa inyo. Hindi naman kayo magkakaganyan kung hindi yun importante. Kaya please lang! Sabihin nyo na saken ng matapos na ang gulong ito at mabalikan ko na ang matino at simpleng buhay na meron ako." mahabang litanya ko sa kanila


I really had this feeling. Matagal na. Ang mga magulang ko na nasa ibang bansa ay ramdam ko na hindi kami mahal ng kapatid ko. Ni hindi nga nila kami sinasamahan sa kahit anong event sa school at hindi sila pumupunta kapag may PTA meeting. Palaging ang tito o tita ko lang ang kasama namin. I am having this gut feeling that there's still a big part of me that is still missing. I don't have any idea what is it but I am more willing to find it out now.


After a minute, Chinit sigh as a sign of retreat. "Fine. Sasabihin ko sayo pero huwag kang maghi-hysterical kung sakaling hindi mo magustuhan ang sasabihin ko." tumango lang ako bilang sagot.

"Dun tayo sa couch. Mahabang paliwanagan ito, for sure." banat namang sabi ni Mico

We did what he said. Tama naman. Mahirap makipag-usap lalo na at kailangan ng mahabang paliwanagan. "So, can you start now?"

Bumuntong-hininga muna si Chinit bago magsalita. "You're parents are'nt your real parents."

Bahagya akong nagulat pero hindi ako nawindang. Wala namang bago dun. Hindi din naman sila naging totoong magulang samen kung sakali mang sila talaga ang magulang namin. "Kung ganun, sino ang parents namin?" I asked

"Mr. and Mrs. Strasbourg" sabi naman ni Mico

I frown. "Paano ko naman malalaman kung nagsasabi ba kayo ng totoo? Hindi nyo maiaalis saken na maghinala. Paano naman kayo nakakasigurado? Alam nyo ba ang buong pagkatao ko? Pati mga magulang at ang naging buhay namin?"

"I promise you Zhe! Lahat ng sinasabi at sasabihin namin ay pawang katotohanan lamang." sabi naman ni Chinit

Tumango-tango naman si Mico. "Oo. Nagsasabi kami ng totoo. Maniwala ka!"

"Meron pa ba kayong inililihim saken?" may halong inis na sabi ko sa kanya

She looked at me in the eyes. "I'm sorry for hiding the truth to you Zhe. I know its kinda selfish but I also know that if you find out what happened to your family will make things more complicated."

"Kaya mas pinili ninyong dalawa na huwag sabihin saken kung anong dapat kong malaman? Ganun ba?" things are getting on my nerves now. Kabanas!

Chinit held my hand. "I'm extremely sorry Zhe. Sorry. Sorry. Sorry. Sorry. Sorry." sabi nito "If you want, dadalhin kita sa lugar kung saan pwede mong maalala ang mga bagay na nakalimutan mo na at dadalhin din kita sa taong pwede mong mapagtanungan ng lahat ng nangyare."

"Nakalimutan ko na? Anong ibig mong sabihin?" naguhuluhan kong tanong

Paano ko naman makakalimutan ang mga bagay na nangyare saken? Sa pagkakaalala ko, wala naman akong alzeimer's disease. Imposible!

Tinapik nya ako sa balikat. "Kaya nga dadalhin kita doon para maalala mo. To see and to hear is to believe." sabi ni Chinit

Bumuntong-hininga na lang ako. "Fine. Pero bago tayo umalis, meron akong gustong malaman mula sayo." sabi ko

Chinit looked at me intently. "What is it?"

"Kung talagang kilala mo ako, sino ang totoong ako? Ano ang totoo kong pangalan?" taas-noong tanong ko

Chinit and Mico looked at each other first before looking at me. "Your name is Kiana Heijah Strasbourg. The eldest child of the three. The one and only true love of Sais, Tyler Ashton Villegas."

Inlove With The Future YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon