Chapter 9

620 18 0
                                    


Time flies so fast. One month na simula noong pasukan at madami ng nangyare. So far so good. Nagagawa ko naman ng ayos ang trabaho ko bilang working student. As of this month, three times ko pa lang nakikitang pumasok si Ashton sa klase. Gumawa pa nga ako ng mga notes para lang sa kanya pero mukhang wala syang balak gamitin yun. Nasayang lang ang effort ko. And speaking of the devil, hindi na nya ako pinapansin sa tatlong beses nyang pagpasok(normal school days). Mabuti naman! Mawawala ako sa mood kapag kukulitin o bu-bwisitin nya lang ako.

At dahil one month ang lumipas, oras na para saming mga working student na i-compile lahat ng student profile na naka-enrolled na. Ito kasi ang magiging basehan ng accounting office para malaman kung nag-increase o decrease ang number of students ng school. At dahil sa gawaing ito ay inabot kami ng gabi bago matapos.

“Zhe, gusto mo ihatid ka na lang namin?” tanong ni Min habang nasa may gate kami at hinihintay ang kapatid nya na susundo sa kanya

Umiling ako. “Ano ka ba. Huwag na. Mapapalayo pa kayo kapag inihatid nyo ako. Kaya ko naman na ang sarili ko. Sanay na akong umuwi ng gabi mag-isa.” I lied. Sino bang gustong umuwi mag-isa lalo na sa gabi? Haist.

Tiningnan ako ng mataman ni Min. “Sigurado ka?” wala akong ibang pinagsabihan tungkol sa nangyare saken noong gabing yun.

Tumango ako at nginitian sya. “Oo naman.”

Ilang minuto na ang lumipas simula ng maka-alis si Min kasama ang kapatid nito. Dapat pala hindi ko na lang tinanggihan yung alok ni Min kanina. Kailangan ko tuloy maghintay ng todo para makauwi. Napangiti ako ng biglang meron akong naalala. Naka-unli call ako ngayon! Nagpa-load kasi ako kanina para matawagan ang ibang working student para tumulong sa gawain ng matapos ng maaga. Wooo! Tatawagan ko ang kapatid ko. Miss na miss ko na ang kokak ko.

Hindi na ako nagtaka ng pangatlong ring pa lang ay nasagot na agad ang tawag ko.

”Kokak ko!”

“Ate Kokak! Miss na po kita.”

“Miss na miss na din kita. Kumusta ka na dyan?”

“Ok lang po. Nga po pala, may nagpunta ditong madaming lalake tapos nagtanong sila ng nagtanong saken at kay tito tungkol sa buhay natin. Ang astig nga nila ate kokak! Lahat sila naka-black.” bigla akong kinabahan sa sinabi nya. Black? Men in black?

“Ano pang ginawa nila dyan?” hindi ko pinahalata sa kanya na kinakabahan na ako.

“Yun lang po. Basta, ang astig nila lalo na po yung isang lalake. Ang tawag nila ay ‘King’.”

Hinayaan kong magkwento lang ang kapatid hanggang sa magsawa sya. Simula sa ‘men in black’ na gustong-gusto nya hanggang pagdrawing nila ng kung ano-ano. Lahat ay ikinuwento nya. Sana nandun ako kasama nya para mas masaya kaya lang hindi pa pwede. Hanggang hindi ko pa nako-kompleto ang dapat kong kompletuhin ay hindi ko pa sya pwedeng dalhin dito.

“Ate kokak, kelan ba ako makakapunta dyan?”

“Malapit na yun. Huwag kang mag-alala. Basta sa ngayon, mag-aral ka ng mabuti. Sige na, ibababa ko na ang tawag na ito. Gabi na din. Kailangan mo ng matulog. Pakabait ka kokak ko.”

“Opo. Goodnight ate kokak.”

“Goodnight.”

Sa pakikipag-usap ko sa kapatid ko ay hindi ko namalayan na inabot na ako ng alas-nuebe sa kakahintay sa sasakyan na hindi naman dumarating. Ano ba yan? Wala na akong choice kundi ang maglakad hanggang sa paradahan ng jeep. Hindi pa man ako nakakalayo sa school ay naramdaman kong may motorsiklo na sumusunod saken. Dejà vu.

Inlove With The Future YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon